TGC#21

27.7K 524 4
                                    

#21

____________________

Gusto kita.


"Wooo!!! Partyyy!" Sigaw ng mga kabataan dito sa loob ng club.


Hindi ko mapakali sa suot ko. Tama lang ang haba nito pero backless na nga kita pa cleavage ko. Natatakpan naman kahit papano pero lumilitaw padin ehh.


"You look really pretty Serah. Bakit sakin hindi bagay yan pero pag sayo bagay na bagay" Nginitian ko lang si Celine. Nakatayo kami ngayon malapit sa bar at hinahanap si Josh.


May nakita akong nagkukumpulan. Mga babaeng halos makita na ang kuyukot sa sobrang iiksi ng damit! Sinilip ko pa at doon nakita ko si Josh. Agad ko naman tinuro kay Celine si Josh.


"P*TA TABE! TUMABI NGA KAYO!" sigaw ni Celine sa mga babaeng nakapalibot kay Josh. Nagulat naman ako dahil hindi ko inakalang fighter pala tong si Celine. Maganda na matapang pa!


"OH MY GOD! Josh what the hell are you doing?!" Napanganga na ko sa nakita ko.

Si Josh na pulang pula at lalambot lambot na sa lasing. Amoy na amoy ko ang alak sakaniya at halos mala demonyo ang ngiti. Mapupungay ang mga mata at tila ba nawala ang imahe ng pagka prinsipe niya sa utak ko. Ibang iba ang Josh na to sa nakikita ko araw araw. Itinayo siya ni Celine kaya tumulong na din ako.

"Alam mo ba Celine. Yung Gusto ko may boyfriend na pala? Ang saya diba? Party pa tayo!! wooo!!" Nagsisigaw pa si Josh pero hindi na siya makagalaw dahil nakakapit kami ni Celine sa braso niya. Lasing na nga talaga siya.

"Josh! Shut the fuck up! Gusto mong mabalita ka nanaman?!" Hinila na namin palabas si Josh. Tinitignan ko lang siya hanggang sa makalabas kami.

Pumiglas siya samin ng napaka lakas at pumunta sa may puno sa parking lot. Doon  sumuka siya ng sumuka. Kinuha ko sa purse ko ang panyo na dala dala ko. Pinuntahan ko siya kasi si Celine tumatawag na ata sa driver nila.


Yumuko ako para mahuli ang mata niya pero nakapikit lang siya. Bumibilis nanaman ang pintig ng puso ko. Josh ano ba nangyayari sayo?

"Josh. Ok ka lang ba?" Tumingala siya at tumingin sakin. Nagbalik na ang muka niyang maamo at mala prinsipe. Nginitian niya ako at biglang tumulo ang luha. Agad ko naman pinunasan iyon. Bakit siya ganito anong nangyayari?


Hindi ko man alam ang nangyayari sakaniya ayoko na ganito siya. Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na gusto ko si Josh. Yun lang at hindi ko na talaga alam bakit.

Gusto ko siya at ayoko nagkakaganito siya. Pinunasan ko ang luha niya at hinawakan niya naman ang kamay ko.


"Nandito ka pala Serah. Im sorry you saw me like this." Pinunasan niya na din ang luha niya at tumahan na.

"Totoo bang kayo na ni Ian matagal na?" Nagulat ako sa tanong niya. Anong isasagot ko? Pano ko ba to sasabihin sakaniya? Dahil hindi ko alam ang isasagot ko nanatili nalang akong tahimik.

"Serah. Alam mo ba na. Una pa lang kita nakita naramdaman ko nang kakaiba ka. Thats what i like. yung kakaiba yung hindi tulad ng ibang babae" Mahinang sabi niya sakin. Hindi ko alam kung dala lang ba yan ng alak o totoo na eh. Nakakatuwa man pakinggan kaya lang hindi ko magawang matuwa sa sitwasyon na to.


" I like you Serah" Seryoso niyang sinabi yon sakin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Josh..." Wala akong masabi. Masaya ako na sinabi niya yan pero...Pero pano to..


"You cant say that Josh" Isang mariin na salita ang narinig ko galing sa likuran ko. Alam ko na kung sino iyon kahit hindi na ko lumingon pa.

"Lakas mo din noh Ian. Una si Nadine ngayon si Serah?" Nadine? Sinong Nadine? Tumayo si Josh at inalalayan naman siya ni Celine.

"Lets go Serah. Celine ipahatid mo nalang siya sa driver at umuwi ka na sa bahay" Utos niya pa sa kapatid niya. Nakayuko nalang ngayon si Josh at mukang hilong hilo dahil sa alak.

Naramdaman ko naman ang mainit na kamay na dumampi sa balikat ko. Tinignan ko siya at seryoso lang ang kanyang muka. Cold ang ekspresyon niya. Hinila na niya ko papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.

"What are you doing here Serah?" Hindi ko siya matignan. Iniisip ko padin si Josh kung ok lang ba siya. Kung magiging maayos ba ang pakiramdam niya. Nagaalala ako.


"You cant be with him Serah." Alam ko naman yon kahit hindi niya sabihin.


"Pero.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Kahit anong baliktad ko sa sitwasyon ngayon tama siya hindi kami pwede ni Josh. Nakipag kasundo ako kay Ian para sa lola ko at kaylangan ko panindigan yon. Sakripisyo ko nalang ang nararamdaman ko para sa lola ko. She's my priority.

Bumalik na kami ng hotel at sa isang kwarto nalang ako natulog. Syempre ayoko siya makasama sa isang kwarto.Gusto ko rin naman mapagisa para makapag isip at makapag pahinga ng maayos. Nagtext ako kay Celine.

To: Celine.

Celine ok lang ba si Josh? Nakauwi ka na ba?

-----

Hindi ko na nahintay ang sagot niya nakatulog na ko. Pagod na pagod ako. Madaming nangyari sa araw na to.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon