#71
____________________
At last...
Ian' point of view
"MA! I WILL MARRY HER AND YOU CANT DO ANYTHING TO STOP US!" nanlaki ang mga mata ni mama dahil sa pagtaas ng boses ko.
"Ian you cant marry her! Kasal kayo ni Nadine for God sake!" She slammed the table with both of her hands and her eyes were full of anger.
"Did you already forgot the deal? Ma the deal is i will marry her but only if i can divorce her anytime i want! We talked about this Ma!" Hindi na siya sumagot. God knows i love Serah. Shes the only girl i wanna be with forever.
"Carmela. Let him be." Napatingin kami ni mama sa pintuan at doon namin nakita si papa na seryosong papalapit samin at may dalang baso na may laman na wine.
"Emanuel not you too. Una si Celine ngayon pati ikaw?" She raised her hands in defeat. Pilit niyang pinakalma ang sarili at umupo na muli sa upuan niya.
"Son, hindi na kita kaya. Kung yan ang gusto mo FINE! Tumatanda na kami ng papa mo. Ayaw lang namin na dumating yung araw na pag nawala kami maiwan kayo na hindi maganda ang buhay" Sabi pa ni mama gamit ang kalmado niyang boses.
"Carmela, Ian is a grown man now. Kung magkamali man siya responsibilidad na niya yon. Kung maging tama man ang desisyon niya credit niya yon. He's not a little kid anymore. And if youre thinking that Serah will just use him for money nagkakamali ka. That girl is a famous designer now. Nalaman ko din na apo siya ni Mr. Frederico Javier." Nanlaki ang mata ko at nagulat naman si mama sa sinabi ni papa. Hindi ko alam na alam ni papa yon.
"Is that true Ian? Last time i saw her shes just using you para makabayad sa hospital bills ng lola niya" Umiling ako sa sinabi ni mama.
"Hindi niya alam na apo siya ni Mr.Frederico. Nalaman niya lang noong araw ng event nung fashion week." Hindi pa din makapaniwala si mama sa sinabi namin ni papa.
Malaking kumpanya ang hawak ni Mr. Frederico. Marami silang shares na naibigay sa kumpanya namin noong ako na ang humahawak. Matagal ko nang kilala si Mr. Frederico at nasabi niya nga noon sakin na may nawawala siyang apo. If i only knew na si Serah pala ang apo niya sana hindi na siya dumaan sa hirap. Sana ay natulungan na agad siya ng lolo siya. Pero laking pasalamat ko din dahil hindi nangyari agad yon.
Hindi sana kami magkakakilala ni Serah kung hindi siya nagtrabaho bilang PA noon Hindi sana siya papayag sa kontratang inalok ko sakaniya kung simula palang ay mayaman na siya.
-----
Ilang buwan ang lumipas at naging maayos ang buhay namin ni Serah. Nag propose ako sakaniya noong unang dinner namin kasama ang lolo at lola niya. She gladly accept. Hindi man sobrang engrande ang proposal ko ang importante dito engaged na kami.
Nagpropose ako sakaniya dahil ayoko na siyang pakawalan. Call me possesive but its true. Hindi maiiwasan na may mga taong maglayuin kami pero hindi ko hahayaan na mangyari yon.
Lumalaki na ang tyan ni Guia at ilang linggo nalang ay manganganak na siya. Sinusustentohan ko ang pagbubuntis niya pero hindi ko inaangkin na anak ko ang pinagbubuntis niya. Isang beses lang may nangyari samin and it was a mistake. Tulad ng sinabi ko kay Serah may proteksyon akong gamit noong nangyari yon. Kaya napaka imposible na may anak ako kay Guia. Ni hindi nga ako nilabasan non!
Inamin niya na din sakin na hindi ako ang ama. Ang tunay na ama ng dinadala niya ay ang ex niya. Dahil sa nakasama ko na din ng matagal na panahon si Guia naawa naman ako na basta nalang iwan siya ng ganun ganun nalang.
Nagkaayos na din sila ni Serah kaya kahit medyo nagseselos pa siya nababawasan at nababawasan na din yon dahil sa sinabi na ni Guia na mag momove on na siya para sa anak niya. Engaged na din sila ng ama ng dinadala niya kaya para sa ikakatahimik ng lahat siya na mismo ang sumuko.
Suddenly i felt a warm hug from behind. Hindi ko na kaylangan tignan alam ko na si Serah yon. Humarap ako sakaniya at niyakap siya. She's smiling from ear to ear while staring to the ring i gave her.
"At last..Maayos na ang lahat." Malambing niyang utas at hinalikan ko naman ang noo niya.
"Masaya ako na sa dami dami ng problemang dumating satin eto pa din tayo." She hugged me thighter and burried her face to my chest.
"I love you so much Ian, Im sorry kung nasaktan kita noon"
"Serah i love you so much more. Past is past ok? Hayaan nalang natin yung sakit sa past." Ngumiti siya sakin at hinalikan ko muli ang noo niya.
"Are you ready for the wedding?" I winked at her and her cheeks turned red as she smile ear to ear.
---------
a/n: Hello guys! last chapter na po yung sunod dito at sana magustuhan niyo.Thank you po sa mga nagbasa at nag vote. Salamat po^^
Sana po suportahan niyo din yung next story ko.
BAD BOY VS. BAD GIRL
Thank you guys^^
~SigridBayrante
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...