TGC#7

35.5K 657 4
                                    

#7
__________________

PA.

"Lola alis na po ako" Paalam ko sa lola ko at inayos ang uniporme na biniga sakin kahapon

"Saan ka pupunta? Kakatapos mo lang sa trabaho mo ah?" Tinignan niya ako ng matang nagaalala. Hayy.

"May isa pa po akong trabaho lola." Ngumiti nalang ako at nagmano ulit para makaalis na.

"Ganon ba. Magiingat ka hija."

"Opo lola. Makinig kayo sa sasabihin ng nurse ah?" Ngumiti lang si lola. Kinuha ko na ang bag ko at tinignan ang wall clock. 12:30 na pala!

Kinuha ko ang phone ko at tatawagan sana si Guia nang biglang may tumawag..Unknown number ang nakalagay kaya hindi ko sinagot at nagpatuloy lang palabas ng ospital. Ayoko kasi ng sumasagot sa mga hindi ko kilala baka scam yon o kaya wrong number lang.

Nang makasakay na ko ng jeep doon ko lang ulit tinignan ang phone ko. Grabe 13 missed calls? lahat galing sa unknown number. Tinext ko si Guia.

Me:

Guia asan ka na? Malapit na ko

---

Hindi naman nagreply ang babaeng yon. Grr. sabi niya itetext niya ko hindi naman nagparamdam. Pumara ako sa tapat ng building ng Martin Group. Unang araw ko ngayon sa trabaho kong ito sana naman maging maayos to. Hayy kahit mayos kahit hindi gagawin ko kaylangan ko talaga kumpletuhin ang gamot ni lola.

Pagpasok ko sa building dumiretso ako sa office ng HR yun kasi ang instruction na binigay kahapon. Lahat daw ng matatanggap sa office ng HR didiretso para mahatid kami sa studio. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

"Come in!" Mahinhin na boses ang narinig ko. Pagpasok ko ay nakita ko agad si Guia na kumakaway sa ilang tabi at pinapalapit ako. Kaya lumapit na ko at umupo sa tabi niya. Sampu kaming nandito kaya tahimik lang kami nakakahiya ehh.

"Bakit hindi ka man lang nagparamdam sabi mo magtetext ka?" Bulong ko kay Guia.

"Wala akong load" Nag peace sign lang siya at ngiting ngiti. Napa face palm nalang ako.

"Good afternoon everyone. Once again im your HR here at Martin Group. My name is Marie Dela Paz. Just call me ma'am Marie. We have rules here. Ayokong makakatanggap ng reklamo galing sa mga pinaalalay ko sainyo ha. Unang reklamo icoconsider ko pa pero pag naulit pa i have no choice to fire you. Im sorry but we have standards here at Martin Group kaya pagbutihan niyo ok? Aiela!" Pagtapos niya mag salita sa harap namin lahat ay tinawag niya ang kanyang secretary at pinahatid na kami sa studio.

"So guys. Pagpasok niyo sa studio ng model niyo maging mabait kayo ah? at tip lang. Lawakan niyo ang pasensya niyo dahil hindi lahat ng models ng Martin Group ay mababait ok?" Daldal pa ng Sekretarya na si Aiela habang naglalakad kami sa building.

Hinatid kami isa isa sa mga room/ studio ng mga models namin. Nauna si Guia sakin kasi sa bata siya ehh kaya 4th floor ang room ng alaga niya kami naman na sa mga adults napunta ay sa 6th floor. Huling huli akong natira sa ihahatid. Huli talaga ako? Nabigla pa ko ng sumakay ulit kami ng elevator papunta sa 7th floor. Hindi ko na Napigilan magtanong nang maiwan kami ni Aeila sa elevator.

"Um.. Miss Aeila? Malayo ba ang room ni Sir Joshua?"

"Sa 6th floor lang din ang room niya pero bilin niya sakin na sa Meeting room kita dalihin"

"Um. bakit daw?"

"Ang alam ko kasi may meeting sila. Kaya maghintay ka nalang sa labas ng meeting room"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon