TGC#32

27.1K 497 4
                                    

#32

____________________

Litong lito na ko.

"Bakit mo ginawa yon Ian?!" Sigaw ko sakaniya nang nagising ako sa katotohanan. Hindi niya dapat ginawa yon tsaka isa pa hindi naman niya ko tunay na girlfriend para halik halikan niya lang ng ganon! Ano siya swerte? babae din ako na dapat respetuhin di na niya naisip na may kapatid siyang babae. Pano pag kay Celine ginawa yon!? Grrr!

"Don't tell me hindi mo nagustuhan. Ni hindi ka nga pumalag eh" He chuckled evily. Naginit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Nagustuhan ko ba? Hindi ko na nga maalala eh dahil nabigla talaga ako sa ginawa niya -_- ASAR!

"Anong nagustuhan?! Nabigla lang ako sa ginawa mo kaya hindi ako agad nakapalag! Nakakahiya kay Marc tsaka tama siya nasa campus tayo kaya hindi mo pwede gawin yon" Napa face palm nalang ako sa frustration na nararamdaman ko. Nakakainis! ang dami pa naman tao sa paligid kanina sigurado paguusapan na ko nito -_-

Ayoko sa lahat yung pinaguusapan ako gusto ko yung tipong hindi nila ako nakikita ayoko ng hinuhusgahan o pinaguusapan ako ng hindi ko alam. Kahit di mo alam yung pinaguusapan nila siguradong masama yun. -_-

Kaylangan ko din mag sorry kay Marc sa inasal ni halimaw sakaniya. Baka isipin niya kung ano anong babae lang ako na basta basta nagpapahalik ayoko naman ng ganon -_-

"Bahala ka na nga jan. Papasok na ko malelate na ko sa susunod na subject ko" Tatalikuran ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Walang prof ngayon first day palang. Dito ka na muna may paguusapan tayo" Aniya at umayos ng upo. Tumingin ako sa relo ko at 11:20 na 11:40 pa naman ang pasok ko pero kaylangan po pa pumunta ng locker para kunin yung libro ko don.

"Ano naman ang paguusapan? di ba pwede sa ibang araw nalang?" Kahit masaya ako na nakaharap ko na siya mas importante pa din yung pagaaral -_-

"Hindi ka pwede makita na may ibang kasamang lalaki. Tandaan mo naka kontrata ka sa girlfriend kita. Madaming mata si mama kaya wag kang papetiks petiks. Pag may nagtanong kung tayo sabihin mo 'OO' Pag dineny mo na tayo baka kung ano kumalat na balita" Seryoso niyang sabi at uminom na ulit ng tubig galing sa bote ng mineral water na kanina niya pang hawak.

"Oo na, Paguusapan nanaman ako ehh. Ayoko nga ng ganun ehh" Hinablot ko na ang kamay ko sakaniya at umalis nalang. Nakakainis para namang kinulong ko ang sarili ko sakaniya. Alang alang kay lola. Pag galing ni lola aalis na talaga ako sa kontrata namin.

------

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon