#58
____________________
Sino ba sila?
Kinabukasan. Nagising nalang ako sa lakas ng ring ng phone ko at maingay na busina ng sasakyan. Naginat ako at kinuha ang phone ko. Si Celine lang pala.
"Hello? Tamad na sagot ko.
[Hello goodmorning Serah, Sira ba ang orasan mo at hindi mo alam anong oras na?] Sarkastikong sagot niya sakin. Napatingin ako sa orasan at 11am palang.
"Ano bang meron? 11am palang ah? 7pm pa yung event mamaya-" Hindi na niya ko pinatapos at narinig ko ulit ang busina ng sasakyan. Kay Josh yun ah.
[Papasukin mo nalang kami ng mabatukan na kita] Aniya at pinatay ang tawag.
Kinusot ko muna ang mga mata ko at bumangon na. Lumabas ako ng kwarto ko at sumilip sa bintana sa sala ko at nakita ko nga ang sasakyan ni Josh sa labas at nandoon naman si Celine sa loob na kumakaway. Pinagbuksan ko sila ng gate at pinarada naman ni Josh ang sasakyan niya sa garahe ko. Pumunta muna ako ng banyo para maayos ang sarili ko.
"Serah can you please hurry up? maligo ka na at may pupuntahan pa tayo" Sigaw ni Celine sakin habang nasa banyo ako.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"hello? salon? hair and make up? hindi mo ba alam na lalabas ka din sa stage mamaya kaya dapat maayos ang itsura mo tsaka may after party at red carpet pa mamaya kaya mag ayos na tayo" Hm...oo nga pala noh. Hayy grabe kinakabahan na ko ngayon palang.
"Sige maliligo na ko" Narinig ko naman ang buntong hininga ni Celine bago lumabas ng kwarto ko.
Pagtapos ko maligo nakita ko na may backless dress nanaman na nakalatag sa kama ko. Si Celine talaga gustong gusto labas likod ko. Sinuot ko ito at pinatuyo ang buhok ko. Lumabas ako ng kwarto para tignan sila at nakita ko naman na naghahanda sila ng pagkain.
"Are you done? tara na lets eat" Sabi pa ni Celine bago umupo sa dinning table. Ganun din si Josh at nilapag sa mesa ang juice na tinimpla. Tahimik lang kami na kumakain hanggang sa basagin ni Celine ang katahimikan
"Nagtext pala si kuya." Napatingin ako sakaniya at bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Matagal na din noong huli ko nakita si Ian pero bakit ganito pa din ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
"Goodluck daw. Manonood daw sila nila mama mamaya." Dahan dahan akong tumango at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Mas kinabahan na ko ngayon. Makikita ko nanaman siya at kasma pa ang mama niya. Pano na to...
--------
Habang nasa loob kami ng puting limo hindi pa din mawala sakin ang kaba na nararamdaman ko.Sa ilang linggo na nasa panig ko ang swerte na hindi ko nkikita o naririnig man lang si Ian ngayon pa pumasok ang malas. Bakit ngayong event pa kami magkikita? Baka mag panic ako mamaya pag nakita ko siya.
"Hey relax. Alam ko kinakabahan ka dahil fashion week to. Pero nandito kami para suportahan ka ok?" Tumango nalang ako at ngumiti kay Celine. Hindi ko na nga alintana ang kaba sa event na to mas kinakabahan ako sa muling pagkikita namin ni Ian.
"Ugh...Serah ilang taon ka na ulit?" Tanong ni Josh sakin na may halong pangamba.
"22" Simpleng sagot ko kay Josh napa face palm siya at napangiti.
"Oh bakit? Ano meron?" Tanong ni Celine. Yun din ang nasa isip ko kaya tinitigan ko nalang si Josh at hinintay ang sagot niya.
"Diba nag practice kayo na rarampa din ang mga designers sa ending ng event? Si Serah ang pinaka bata kaya siya ang may dala ng balloons mamaya. Siya din ang nasa hulihan which is the main attraction of the event. Serah is this year's youngest designer" Napanganga nalang ako sa sinabi ni Josh, si Celine naman ngiting ngiti sa sinabi ni Josh.
"What do you mean main attraction?" Kumunot ang noo ko at ginapang na ng kaba.
"Sa practice niyo diba kasama ka lang sa ibang designers? Ngayon ikaw lang mag isa ang raramp pagtapos nila. By age kasi yon. Ewan ko pero last year lang nauso yon eh" i gulped and stared at the window. Nandoon na ang ibang mga media at photographers na kumukuha ng mga pictures ng mga artista na bumababa sa kanikanyang mga sasakyan.
Ilang minuto pa ang lumipas napansin ko pa ang pagdating ng isang lalaking galing sa isang puting sasakyan. Napaka gara at mukang mamahalin. Im not into cars pero alam kong mamahalin ang sasakyan niya. Sunod sunod ang mabilis na pagkuha ng litrato ng mga photographers at paparazzi sakaniya habang siya ay mukang sanay na sanay na sa pagharap sa mga taong tulad nila.
Humarap ang lalaki at mas lalo ko siyang nakita. Nanlaki ang mata ko ng hindi inaasahang makita ko siya dito. I mean sinabi na niya sakin noong nakabunggo ko siya na manonood siya pero di ko alam na malaking personalidad pala siya. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya pero kahit ang layo ko sakaniya magaan padin ang loob ko sakaniya.
Sumunod na lumabas sa puting sasakyang ang babaeng kasama niya rin noong nasa restaurant. Siguro ay mama niya iyon dahil sa iilang features na kahawig niya. Humawak sa braso niya ang babaeng napaka ganda at napaka elegante. Nang hindi ko namalayan na napatitig ako sa mga mata niya mas lalo kong naramdaman ang pagka gaan ng loob ko.
Who are they? bakit ganito ang nararamdaman ko sakanila? Ngayon ko lang sila nakita pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko naman maalala na nakita o nakausap ko na sila noon pero bakit ganito? sino ba sila? Lalo na ang babaeng iyon? sino ba siya at bakit mas magaan ang loob ko sakaniya kesa dun sa lalaki?
She kinda reminds me of my dad. Same smile, same eyes...habang tumatagal ang pagtitig ko sakaniya mas naaalala ko ang Papa ko. Who is she?
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Jugendliteratur[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...