TGC#8

34.1K 614 1
                                    

#8
___________

Perv!




"Palitan niyo ng damit si Josh! Yung kita yung braso!" Sigaw ng photographer.

Nandito kami ngayon sa studio para sa photoshoot ni sir Josh. Ang gwapo niya talaga. Ngayo naka sandong black at jeans lang siya. Kanina naka vneck siyang black pero mas gusto ng photographer na kita ang braso niya. That damn biceps! Nakaupo siya sa high chair at medyo wet look ang dating. Grabe ang hot!

"Ikaw yung PA niya right?" Tanong ng isang napaka gandang babae sakin. Muka siyang mataray.

"Uh..oo ako nga" Simpleng sagot ko. Pinasadaan niya lang ako ng tingin simula ulo hanggang paa. Nang bumalik sa mata ko ang tingin niya ay para bang nandidiri siya. Psh? Problema nito?

"Do you like him?" Tanong niya sakin. Natahimik naman ako sa bigla hindi ko inaasahan na magtatanong siya ng ganon. Wala nga sa isip ko yan ehh.

"Athena" Mariin na tawag ni sir Josh sa babaeng nasa harap ko.

"Dont tell me ipagtatanggol mo nanaman ang PA mo. Obviously lahat sila may gusto sayo" Pataray na sagot ng babae at galit ang kanyang muka.

"Let's go Serah" Tinalikuran nalang ni sir Josh yung babae at naglakad palayo. Sinundan ko naman siya.Tumingin ako ulit sa babae at matalas lang ang titig niya sakin.


Sino ba yon? Bakit kaya ganun siya. Fan siguro? Pero base sa itsura niya muka siyang mayaman at mataas ang posisyon. Huminga ako ng malalim ng makapasok na ulit sa dressing room ni sir Josh. Binigay ko sakaniya ang bote ng mineral water at tinanggap niya naman ito.

"Thanks. Pasensya ka na kay Athena. Lahat ng PA ko inaaway niya." Paliwanag sakin ni sir Josh. Hindi niya naman talaga kaylangan magpaliwanag eh PA lang naman niya ako eh.

"Nako sir ok lang po wala naman siya ginawang masama" Ngumiti nalang ulit ako. Ayoko kasi magpaapekto sa mga ganung bagay masisira lang mood ko.

"SIR?"  nagface palm lang siya at tumalikod. Shiz. Nakalimutan ko ayaw niya pala na tinatawag na sir. Ang awkward kase!

"Sorry po Josh. Hindi lang ako sanay" Paliwanag ko. Nakatalikod pa din siya at inaayusan ng designer niya.

"Isa nalang nako matatanggal ka na sa trabaho mo" Ngumiti at kumindat pa siya bago lumabas ng dressing room. Naginit nanaman ang pisngi ko damn! Prinsipe talaga! Shizzz kaylangan ko na magingat ayoko mawalan ng trabaho!

Kumuka ulit ako ng mineral water at lumabas na. Paglabas ko ay bumuntong hininga lang ako. Hayy kahit PA na wala masyadong ginagawa nakakapagod din pala. Buti nalang at mataas ang sahod. Kaya lang hindi naman daw minsan everyday ang pasok. Pag tinawagan lang kami ng mga alaga namin na kaylangan nila kami dun lang kami pupunta tapos mag sisign in kami sa office ni ma'am Marie para alam na pumasok kami para at the end of the day mabigyan agad ako ng bayad.

"What are you doing? Diba dapat nagtatrabaho ka? PA?" Narinig ko sa likod ko ang isang pamilyar at nakakainis na boses. Kunyare nalang hindi ko siya naririnig. Tama! Hinawi ko ang mahaba at straight kong buhok tsaka naglakad palayo. Tanging ang ngisi niya lang ang narinig ko. Ugh! Wag niya naman sirain mood ko!

"Hey. PA!" Tawag niya pa kaya napatigil na ko. Ano ba talag problema nito? Kainis! Istorbo!

"Hmm. Serah right?" Humawak pa siya sa baba niya na kunwaring nagiisip. I hate this guy so much!

"Ano po bang kaylangan niyo?" Sarkastikong tanong ko sakaniya. Hindi ko na mapigilan ehh nakakabadtrip siya!

"Tsk. tsk. tsk. Thats not the right way to talk to your boss young lady" Nasa loob ng kanyang bulsa ang mga pala at matalas ang tingin sakin habang may nakaplaster na mala demonyong ngiti. Grr! Bakit ba kasi ako nagsalita ehh dapat nagkunwari nalang talaga ako na wala akong naririnig! Tama siya boss ko siya dahil siya ang may ari nito!

"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo sir?" Peke ang ngiti ko sakaniya. Napangiti din naman siya sa ginawa ko. ano ba tong lalaking to pinagtitripan ako??

"Hmm. Size B cup, Malinis ang kutis, Maganda ang buhok, tamang tama lang ang katawan pero pwede na din. Baduy nga lang but thats easy to correct. Well not bad for a PA"  Napa perfect O nalang ako sa mga sinasabi niya? Bakit niya ba ko inuusisa?! ang yabang nitong halimaw na to ah?!

Magsasalita sana ako at sasagutin ang mayabang na ito dahil hindi nko makapag timpi! Hindi ko natuloy nang tawagin ako ni sir Josh.

"Serah! Tara miryenda muna- Oh! Ian napadpad ka dito?" Tinapik pa ni sir Josh ang balikat ni halimaw nang makalapit siya. Mukang matagal na silang magkakilala ah?

"Well tinignan ko lang kung maganda at maayos ang lahat dito" Double meaning? o over acting lang ako magisip? Grr!!

"everything is fine Ian. Grabe pag may ari ka talaga ng mataas na kumpanya kaylangan perfect lahat noh?" Nagtawanan pa ang dalawa. Ang totoo naoout of place na ko sakanila at pinaalala pa ni sir Josh ang pagkain kaya talagang nagugutom na ko. Pwede bang umalis nalang?

Habang patuloy silang nagkukwentuhan, Dahan dahan ako umatras ng umatras ng umatras. Yes! Hindi ako napapansin! Umatra pa ko at tumalikod para makaalis na nguluyan pero.....

"Si Serah kaya?" Napatigil ako at napalingon sakanila nang marinig ko ang pangalan ko. Hindi ko alam pano ako nasali jan dahil hindi ko naman iniintindi ang usapan nila ehh. Napalingon ako sakanila at parehas silang nakatingin sakin

Fudge! ang awkward! Ang tahimik at seryoso nilang dalawa! Ano ba meron? umayos silang dalawa ng tayo kaya ganun din ang ginawa ko.

"Ano po yon?" Tanong ko kay sir Josh. Hindi ko kasi talaga alam bakit sila seryosong nakatingin sakin.

"Nah dude. I rather choose Athena." Nagtawanan pa lalo ang dalawa. Ano daw? Athena? Teka diba yun yung tinarayan ako kanina?

"Oh. Its time to go back. Padating si mama dito" Tumingin si halimaw sa napakaganda niyang iphone at napakamot sa ulo.

"uh-oh..Goodluck Ian" Ngumisi nalang si halimaw at umalis na. Hayy salamat tapos na sila makakakain na ko!

Palabas na sana kami ni sir Josh ng studio nang bumalik na ang photographer.

"Lets go lets go! May photoshoot pa ko sa La Viel mamaya!" Kaya ayun hindi na kami nakapag break ni sir Josh. Humingi nalang siya ng pasensya tsaka nagpatuloy na ang photoshoot.

Nakakabanas talaga yung halimaw na yon! Naalala ko ang pagtingin niya sa katawan ko. Nag kumento pa ng kung ano ano! Perv! malibog! Manyak!Grrr! sa tuwing nakikita ko siya nadadagdagan ng nadadagdagan ang kinaiinisan ko sakaniya! Grr!!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon