#36
____________________
Ex Girlfriend.
Nagising nalang ako sa nakakabulabog at walang tigil na door bell with matching sigaw at katok pa ah.
Kinusot ko ang mata ko at humikab bago lumabas ng kwarto at pagbuksan ang best friend kong si Celine. Yes siya na bestfriend ko ~_~
"Oh My God! Serah! Hindi mo ba nabasa yung text ko kagabi? My goooood! Malelate na tayo!" Aniya at hinila ako ulit papasok ng kwarto ko.
"Ano ba meron at bakit nag mamadali ka? 10am pa lang oh? Wala kaya tayong pasok ngayon" Sabi ko pa at humiga ulit sa kama ko.Inaantok pa talaga ako ilang araw din akong maaga nagigising.
"Oh wake up darling. Mag lulunch tayo kasama ang pamilya dahil icecelebrate daw natin ang opening ng Martin Hotel sa Peru! Isnt thot omoizing?!" Ngumuso pa siya na parang bata habang hinihila ako patayo at tinulak na lang niya ko sa banyo.
Hindi ko alam na may ganung celebration pala ngayon. Since wala pa kong phone simula nahulog yung phone ko nung banggain ako ni Athena hindi pa ko nakakabili. Ayoko naman ipaalam kay Ian kasi baka gumastos pa yon.
Gusto ko na nga maghanap na ng trabaho kaya lang hindi pa ko tapos sa pagsasabi kay Ian eh tumatanggi na siya.
Naligo ako at lumabas na sa banyo. Nakita ko naman na nakalapag ang plain emerald green na dress ko sa kama ko. Im sure si Celine ang namili nito. Gusto niy lagi yung labas ang likod ko ehh sexy daw kasi macurve. Weh? These little curves? sexy?
Dahil effort siyang katukin at magsisigaw sa labas ng unit ko sige ito na susuotin ko. Inayos ko ang sarili ko at sinuot ang super back less na emerald green dress ko. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Celine na napanganga at tinignan ako from head to toe.
"Wow! You look smoking hot! Para kang color pink" Sabi pa niya at tinulungan akong mag suklay ng buhok ko.
"Pink? Bakit pink?" Pick up ba to? kasi di ko magets. Bakit Pink? Kasi girly ganon?
"Pink kasi pinaghalong white and red. White is pure and elegant while red is sexy and fierce! Yan ang meron ka kaya siguro nagustuhan ka ni kuya." Nginitian niya pa ko at nanggigil na parang kinikilig.Napangiti at umiling nalang ako haha!
------
Ilang minuto din ay nakarating kami sa isang sikat na restaurant. May nakita pa kong artista na nakikita ko sa tv. Sinalubong naman ako ni Ian at nalaglag ang panga ko nang makita ko siya.
"Nagpagupit ka?" Tanong ko sakaniya matapos niya kong halikan sa pisngi.
"Oo. oh starstruck ka nanaman." Pagyayabang niya. Inirapan ko nalang.
Seryoso ang gwapo niya. Naka long sleeves siya na grey at black jeans. May dog tag lang siya kaya nagmukang bad boy pero over all simple lang ang suot niya pero hindi ko maiwasan tumitig sakaniya. Ang gwapo niya sa bago niyang hair style.
Kung dati ay magulo at medyo mahaba ang buhok niya ngayon hindi na. Clean cut na at bagay na bagay sakaniya!
"Huy! Serah? Titig na titig kay kuya oh. Ikaw kuya tignan mo naman si Serah" Natawa pa si Celine sakin at namula naman ako. Shiznit! Matagal na ata ang titig ko kay halimaw x.x
"Kaya nga di ako tumitingin sakaniya ehh baka ikamatay ko ang ganda niya din eh" Sabi pa ni halimaw nang nakatingin kay Celine na nasa tapat niya. Buti nalang at hindi siya nakatingin!
Naginit naman ang pisngi ko at naramdaman ko nanaman ang buong Manila zoo sa tiyan ko. Ugh! This feeling! Only Ian makes me feel this way. Yung feeling na hindi maipaliwanag. Masarap pero hindi maipaliwanag.
Nagkwentuhan muna kami at sinita naman ako ni Ian sa damit kong backless nagtalo pa sila magkapatid haha! They look so adorable. Kung sana'y may kapatid din ako. Siguro may kasama din ako ngayon hindi lang ako nagiisa.
"Kanina pa ba kayo?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakita ko ulit at papa ni Ian at ang mama niya. Kadadating lang niya. Ngumiti ang papa niya sakin at ang mama niya naman ay sandaling ngumiti din.
"Ay kulang tayo ng upuan" Sabi pa ng mama niya pagkaupo nila. Napatingin ako sa table namin. Lima ang upuan.
Sakto naman samin pero nagpadagdag pa sa waiter ang mama ni Ian ng isa pang upuan. Nilagay ito sa tabi ni Ian. Hindi ko alam na may kasama pala kami wala naman nasabi si Celine. Ganun din si Ian.
"Sino pa yung isa?" Bulong ko kay Ian na seryoso at tamad na naka upo at nakatingin sakin. Tumaas ang balahibo ko nang mapatitig ako sa labi niya.
"Nadine! Nandito ka na pala" Tumayo ang mama ni Ian at nakipag beso sa isang babaeng napakaganda.
Napatingin naman si Ian sa babae at nakita kong nagulat siya at tumigin kay Celine. Umiling lang si Celine at napahawak sa noo niya na. Mukang kilala nila ah.
"Sit down, Sit down. We're just waiting for you" Malambing na sabi ng mama ni Ian sa babaeng nagngangalang Nadine. Ngumiti ang babae at kitang kita ang kagandahan niya sa simpleng pag ngiti.
"Ma, Pa, What's the meaning of this?" Galit at seryosong tanong ni Ian at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit ito at nasasaktan ako kaya hinaplos ko ito ng isa ko pang kamay at tumingin naman siya sakin.
"Kuya calm down" Bulong ni Celine kay Ian. Ano bang nangyari?
"Ian you cant run away from your responsibilities. Nakausap ko na ang parents ni Nadine and pumayag na sila sa marriage proposal natin kahit itong si Nadine-" Hindi na pinatapos ni Ian ng mama niya ang pagsasalita. He slammed the table with all his anger. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"Im not marrying anyone Ma! Do you want me to be misserable all my life para lang maisabla ang yaman?! Seriously Ma! Im so tired of this bullshit!" Napatayo na din ako at hinaplos ang braso ni Ian ganun din si Celine.
"Calm down Ian! For God's sake Ian! nasa public place tayo have some delecasy! and watch your language young man!" Saway ng Papa niya sakaniya. Kahit galit na ang papa niya maamo pa din at mabait ang muka niya.
"Kayo Pa? Naisip niyo ba na mahiya sa ginagawa niyo? You're treating me like a slave na ibebenta niyo! Im done with this!" Hinila na ko paalis ni Ian at palabas sa Restaurant na yon.
Naiwan silang nag bubulung bulungan at yung Nadine na tahimik lang na nakayuko. Sino ba kasi yon? Ipapakasal si Ian sakaniya? Akala ko ba titigil na ang mama niya pag nalaman na may girlfriend na siya? Ibig sabihin nonesense yung kontrata namin?
"Get in" Matigas niyang utos sakin nang pag buksan niya ko ng pintuan sa passengerseat.
Nagaalala tuloy ako sakaniya. Ngayon ko lang siya nakitang ganon. Lagi ko siya nakikitang iritado at masungit pero iba talaga yung galit niya kanina eh. Totoong galit na galit siya. Pag pasok niya ng driver seat agad niyang pinaandar ang sasakyan.
Mabilis ang pagpapaandar niya kaya napahawak ako sa seat belt ko. Shiz! Ayoko pa mamatay! Lalo na ngayon at ganito ang sitwasyon!.
"Ian kumalma ka naman. Sino ba yon at ang init ng ulo mo?" Tanong ko sakiya at hinaplos ang braso niya.
Kitang kita ko ang mahigpit niyang pagkuyom ng kamao sa manibela. Galit talaga siya! Ngayon lang siya ng ganito. Ano bang nangyayari?
"Ian ano ba?!"
"Nadine's my ex. Serious ex girlfriens"
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...