TGC#60

25.3K 505 11
                                    

#60

____________________

Kristopher Josef Javier.




Matagumpay na natapos ang event. Madaming bumati sakin at nakipag picture. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay kaya medyo nakakaawkward pa.


"Grabe ang mga comments kanina ng audience noong lumabas ang collection mo. Akala nila profesional ka na. Nagulat pa ang lahat nung sinabi kanina ng emcee na first project mo to" Masayang kwento pa ni Celine sakin habang naglalakad kami papalabas.


"Seraaaaahhhhh!!" Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.


Sa di kalayuan ay nakita ko si Leonora kasama si Marc at papalapit sakin. Niyakap ako ni Leonora na tumawag pansin sa media. May ibang kumukuha ng litrato pero parang wala lang ito kay Leonora.


"Oh my god im so proud of you! You did great! i bought one of your piece kasi sobrang nagustuhan ko talaga. Ang bilis naorder ng mga piece mo!" Aniya at masaya silang naka tingin sakin.


"Salamat Leonora. Hindi ko naman din magagawa ang lahat ng yon kundi dahil sayo. Salamat sa tips mo ah pati na din sa pagpapahiram ng studio sakin" Niyakap niya ako muli at napatingin ako kay Marc na nasa likod niya.


"Congratulations Serah" Malambing niyang sabi sakin. Lumapit pa siya noong kumalas si Leonora sa yakap sakin. Nginitian ko siya at ganun din siya sakin.



Nagulat ako nang may ilahat na isang dosenang rosas si Marc. Agad ko itong tinanggap. Humalik siya sa pisngi ko tulad ng lagi niyang ginagawa. Ok lang sakin kung halikan niya ko sa pisngi mas mataas pa nga sa kaibigan ang turing ko sakaniya. Nandiyan siya para sakin lagi hindi ko na nga alam pano ko masusuklian ang mga kabutihan niya.


"Marc pupunta kayo sa party?" Tanong ni Celine kay Marc.


"Hindi kami makakapunta ni ate kasi flight ni ate bukas papuntang Germany tapos ako naman may out of town ako bukas. Busy eh" Sagot niya kay Celine. Tumango tango nalang si Celine.


"Tara na nandito na yung sasakyan" Sabi pa ni Josh nang makita ang sasakyan na pumarada sa labas.


"Sige ah alis na kami. Leonora mag iingat ka bukas ok? Marc ill call you later nalang ha?" Paalam ko sakanila. Niyakap ko silang dalawa bago umalis.


Bago pa ko tuluyan makasakay ng sasakyan ni Josh hinanap ng mga mata ko ang lalaking tumatak sa isip ko kanina. His smile...Im glad to see that smile again after along time pero bakit may halong lungkot ang ngiti niya kanina.







----------

@Prime.


Nakapag palit na si Celine at Josh bago pa kami makarating dito sa Prime. Private ang Prime ngayon at nakikita ko ang mga taong pumapasok dito ay galing sa event kanina.


"Wooohooo!!" Sigaw ng mga tao na rinig na rinig namin. Mukang nagsasayawan at nagtatawanan ang mga tao dito.


Malakas na ang music at maliliwanag na laser lights ang sumalubong samin pagpasok ng club. May ibang bumabati sakin nginingitian ko nalang sila. Nakahanap kami ng malaking sofa sa loob ng VIP lounge at doon na pumwesto.


"ano gusto niyong drinks?" Tanong ni Josh samin.


"kahit ano ikaw na bahala" Sagot ni Celine. Ngumiti nalang si Josh at ganun nalang din ako.


Umalis si Josh at naiwan kaming dalawa sa malawak at malaking sofa. Pinanuod ko ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Hindi ko na napigilan ang pag enjoy ng music at pagkasaya ng loob ko. Hayy! I did it! Matagumpay ang fashion week! Masaya ko tong maibabalita kay lola.


"Serah kilala mo ba yung lalaking yon? Ang gwapo oh! Papalapit na siya ayan na siya!" Aniya. Napatingin naman ako sa direksyon na tinuro niya. Nanlaki ang mata ko sa gwapong lalaking papalapit samin.


"Nakita din kita sa wakas. Congratulations Ms. Serah Devone Javier" Aniya. Inabot niya pa ang isang dosenang rosas at tinanggap ko naman ito.


"Upo ka" Sabi pa ni Celine at kinindatan ako. I know what shes trying to do.


Umupo ang lalaki sa tabi ko at kahit nasa tabi ko siya magaan pa din ang loob ko sakaniya. Kung ibang lalaki siguro ito baka nailang na ko ng sobra. Sino nga pala siya.....


"So whats your name? Matagal na ba kayong magkakilala ni Serah?" Tanong ni Celine sa lalaking katabi ko.


"Kelan lang kami nagkakilala. And im Kris." Naglahad siya ng kamay kay Celine at maligayang aabutin ni Celine ang kamay niya ng biglang sumulpot si Josh.


"Im Josh man. This is Celine" Inunahan ni Josh sa pag abot ng kamay ni Kris si Celine. Jealousy is written all over his face.


"Um nice to meet you both." Napangiti nalang ako sa reaksyon ni Celine. Napatitig lang siya kay Josh at namumula ang pisngi. Kumunot bigla ang noo niya at umilinh iling. Kinikilig siguro sa ginawa ni Josh super obvious kasi na nagseselos siya.


"Nice to meet you too man" Sagot ni Josh at nilapag ang tray ng drinks namin sa table sa gitna.


"Um can i borrow Serah for a second? May gusto lang sana akong sabihin sakaniya" Bago pa ko makapagsalita sa sinabi ni Kris ay agad nang nagsalita si Celine.


"Ay sige go! Dito lang naman kami" Sagot ni Celine kay Kris. Tinitigan ko siya ng masama at nagthumbs up lang ang dalawa sakin. Humanda kayo sakin mamaya!


Tumayo si Kris at naglahad ng kamay sakin. Hinawakan ko iti at hinila niya ko papunta sa labas ng club. Tumigil lang kami nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ko ng pintuan ng passengerseat pero di ako agad pumasok. Ano ako tanga?Sasama agad sakaniya eh kahit sabihin nang magaan ang loob kosa lalaking to di ako agad agad sasama sakaniya ng ganun ganun nalang!



"Teka san mo ba ko dadalihin? Hindi nga kita masyadong kilala ehh" Tanong ko sakaniya nginitian niya ako bago sumagot sa tanong ko.


May kinuha siya sa wallet niya. Isang maliit na puting papel. Tinaasan ko siya ng kilay bago iyon tanggapin. Tinignan ko ito at calling card to. Binasa ko ang pangalan niya at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Pakiramdam ko tumigil ang oras at bumilis ang takbo ng puso ko. Totoo ba tong nakikita ko? Hindi kaya...















"I'm Kristopher Josef Javier. Mom ko ang katapid ng Dad mo. Im your cousin Serah"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon