TGC#2

46.4K 789 3
                                    

#2

----------

 Emergency.

6pm na kaya pwede na kami umuwi ni Guia, Pagkauwi ko aayusin ko na yung mga requirements para sa papasukan namin. Sana matanggap talaga kami para naman may dagdag sa maiipon ko, Kulang na kulang kasi talaga samin ni lola yung sinusweldo ko sa Stylenanda.

"Uy Serah dito na ko ah, PARA PO!" Sabi pa ni Guia at pumara na para makababa ng jeep. Sa gulat ko hindi na ko nakapag salita sakaniya. Wala pa siya sa kanto ng bahay nila ah bakit dito siya bumaba. Well bahala siya kung san siya pupunta.

Nang makarating na ang jeep na sinasakyan ko sa lugar kung saan ako bumababa pumara agad ako at maingat na bumaba, Nahilo ako sa pagewang gewang ng jeep, ang bilis pa magpatakbo, Alam niyo yung patok? yon! ganon!

Habang naglalakad ako papalapit sa bahay namin nakita ko na parang may kung ano na hindi ko alam at nagtatakbuhan ang mga tao, napatingin lang ako sa mga takong patuloy na tumakabo galing sa likod ko papunta sa kung saan na hindi ko alam. May nakasalubong din akong may dala dalang Nurse, yung nurse ng anak ng nagpapataya ng weteng.

"NAKO TONG BATANG TO! KUNG MAKAPAG LAKAD AKALA MO NASA BUWAN! BILISAN MO SERAH NAKO!" Sigaw ni aling Teriz na may ari ng paupahan na inuupahan namin. Binilisan ko ang lakad at nakita kong ang daming tao sa bahay namin. Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malamig kaya napatakbo ako.

"Anong nangyayari bakit ang daming tao dito? asan si lola?" Tanong ko kay aling Teriz nang makalapit ako, may mga nakaharang sa pintuan namin kaya hindi ako makapasok at sinalubong lang ako ni aling Teriz na mukang binagsakan ng langit at lupa.

"Nako ang lola mo nadatnan nalang namin na namimilipit! ang sakit daw ng katawan. Ayan at pinadadala na nga ni Melissa sa ospital" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at nakipagsiksikan nalang sa mga tao para makapasok sa bahay. Shit! anong nangayari kay lola? Ok naman siya kanina nung umalis ako ah?

Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga si lola sa kutson niya at namimilipit nga sa sakit, Hindi ko siya kayang lapitan dahil nanlalambot ang mga tuhod ko sa nakikita ko. Lumuluha ang kanyang mga mata at nakapikit lang. Mahinahong dinadaing ang sakit habang tinitignan ng nurse na si Melissa ang katawan ng lola ko.

"Serah tumawag ka na ng ospital! ano ba tinutunganga mo riyan!" sa taranta ko ay nagpaikot ikot pa ko sa kwarto ko. Damn! nandito lang pala sa bag ko yung cellphone ko! Agad ako tumawag ng ambulansya.

Nanginginig ako sa takot at pagaalala sa lola ko. Kahit na hindi siya tunay kong kadugo siya parin ang nagkupkop sakin nung oras na walang wala ako sa mundo. Namatay ang mga magulang ko at wala akong kapatid. Walang kumupkop sakin dahil hindi magkasundo ang pamilya nila papa at mama kaya kami lumayo sakaniya. Kaya ngayon walang nakakaalam sakanila na patay na si mama at papa.

Dumating na ang ambulansya at nakita ko nang sinasakay si lola doon. Pumasok naman ako sa ambulansya para sumama sa ospital. Diyos ko iligtas niyo po ang lola ko. Hindi ko nalang alam gagawin ko pag nawala si lola. Wala na kong kasama magisa nanaman ako sa mundong ito.

Hinawakan ko ang kamay ni lola nang bitawan ito ng isa pang nurse sa loob ng ambulansya. Umiiyak padin siya at dinadaing ang sakit ng katawan. Hindi ko na namalayan ang pagtulo na din ng luha ko. Ayoko ng nakikitang ganito siya hindi ko kaya makita siyang ganito.

"Ma'am excuse me lang po"  sabi pa ng nurse at nilagyan si lola ng oxygen. Napayuko at napapikit nalang ako habang nasa byahe papuntang ospital. Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami sa ospital.

Dinala agad si lola sa emergency room. Hindi ako mapakali at malakad lakad lang ako sa tapat ng pintuan sa ER. Nanlalambot na ko, Nagaalala ako, naiistress ako, iniisip ko pa lang yung pangbili ng gamot ni lola pambayad pa sa hospital fees nahihilo na ko, Hindi papala ako kumakain. Wala akong gana gumain at gastusin ang perang hawak ko. Ipang bibili ko nalang ito ng gamot ni lola.

 "Serah! Serah ok ka lang ba? kamusta si lola? " Sigaw ng kaibigan kong mukang napasugod lang dito.

Hindi na ko nagsalita at agad ko na siyang niyakap at humagulgol. Nagaalala ako kay lola, she's been with me ever since my parents died. Hindi niya ko kadugo pero kinupkop niya ko kahit alam niyang mahirap lang siya malambot ang puso niya at inalala niya padin ako. Ngayon binabalik ko sakaniya lahat ng ginawa niya sakin at isa na doon ang pagaalala niya sakin noon. Naging tunay na lola na ang turing ko sakaniya at hindi pwedeng may mangyari masama sakaniya .

"Tahan na, Let's just pray ok lang si lola" Hinaplos pa ni Guia ang likod ko. Umupo muna kami sa mga nakahilerang upuan sa tapat ng ER. Nanghihina na talaga ako. Nakayuko lang ako at tahimik. Ngayon na ganito si lola kaylangan ko na talaga maghanap pa ng extrang trabaho.

"Anong oras na pala, Kumain ka na ba? Sandali lang ah bibili lang ako ng pagkain" Hindi na ko nakasagot at umalis na agad si Guia. Pag kaalis niya naman ay biglang lumabas ang doktor sa ER.

"Sino yung kamaganak noong lola?" Tanong niya at agad akong lumapit sakaniya nangangatog pa ang kalamnan ko sa kaba at pagaalala kay lola.

"Ako po doc, A..apo niya po ako" Sabi ko pa at napabuntong hininga lang siya.

"Hija, malaki ang gagastusin mo sa lola mo. Kaylangan siya mag stay dito sa ospital para mamentain ang gamot niya at masuri pa namin. Kelan pa ba siya ganito?"

"Nga..ngayon ko lang po siya nakitang ganito doc. Ano po bang sakit ng lola ko?"

"Sa ngayon hindi pa namin matukoy, Pero naagapan naman ang sakit na nararamdaman niya. We still need more test para malaman kung ano talaga ang sakit niya"  Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ng doktor. Hindi na ko nakapag salita at nangatog nanaman ang kalamnan ko.


The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon