TGC#20

30K 586 5
                                    

#20

____________________

Si masungit at si mataray.


Habang nandito ako sa kwarto hindi ko maiwasan tignan ang paligid. Maganda to at malinis mukang pangmayayaman lang talaga ang nagpupunta dito. 5 stars and Martin hotel. Ayon pa sa mga talk shows at magazine laging dito nag checheck in ang mga artistang bumibisita dito sa pilipinas.

May narinig akong pagsarado ng pintuan. Nakita ko naman si halimaw na may dalang kape. Nilock niya pa ang pinto. Napalunok naman ako at kinabahan nang marealize na.

MAGKASAMA KAMI SA IISANG KWARTO! hindi to pwede. Sa sofa nalang kaya ako sa living room? Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi makatingin sakaniya. Nakaupo lang ako ngayon sa gilid ng kama.

Nilapag niya sa lamp table ang kape. Kumakalabog na talaga ang dibdib ko. Hindi ko na maiwasan hindi mapatingin sakaniya. Naka tshirt nalang siya ngayon at black jeans. Nakapag palit na siguro siya habang nasa kwarto ako ni Celine.

"Magpalit ka na. I bought you clothes. Alam ko nang mangyayari to" Aniya at inabot sakin ang isang kulay pink na paper bag. Kinuha ko naman ito at tinignan.

"Go. Si Trisha pumili niyan hindi ako" Naalala ko si Trisha yun yun sekretarya niya.

No choice talaga ako sakiya. Ok na sana eh kaya lang dahil straight forward akong tao hindi ko nanaman maiwasan magtanong.

"Dito ba ko matutulog? Hindi ba pwede sa sofa nalang ako? " Kumunot nanaman ang noo niya sa tanong ko. Problema nito.


"Serah kung ayaw mong mahalata tayo magkunwari ka din naman na boyfriend mo ko hindi yung laging ako pa yung mag momove" Inirapan niya ko at lumabas ng kwarto. Hala nagalit ko ata. Hay hindi yan lagi naman masungit yon eh.

Tinignan ko ang mga damit na nasa paper bag. Kumpleto ito. May short, pants, Vneck shirts, sando, meron ding underwear. Maligo kaya muna ako? Hayy para makalma naman ako. Kanina pa ako naiistress eh.

Naligo ako sa cr dito sa kwarto. Sandali lang kasi ang lamig eh. Pagtapos ko maligo magbibihis na sana ako nang nakita kong...Shuuuiizzz!! Yung paper bag nasa kama! Kumuha ako ng tuwalya at tinabing sa sarili ko.

Lumabas ako ng banyo. Buti nalang at wala pa si halimaw dito. Paglakuha ko ng paper bag naisipan kong dito nalang magpalit. Wala naman si halimaw ehh. Nag underwear ako kahit hindi ako komportable sa underwear na to dahil potalittlemore!! puro lace!

Nagbra na din ako at binilisan dahil nilalamig na ko. Tinanggal ko na ang tuwalya at nagshort na ko. Nang magtitshirt na ko biglang....

"Sabi ni -" Wattapak?! Nanlaki ang mata ko at mapapasigaw na nang bigla naman niya kong lapitan at tinakpan ang bibig ko.

Sobrang magkalapit kami halos maramdaman ko na ang mabango niyang hininga. Shit naka bra lang ako! Agad lumandas sa dibdib ko ang kamay ko.

"Wag kang sisigaw." Inabot niya ang tshirt sakin at tumalikod. Agad ko naman itong sinuot. Nanginginig ang kalamnan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakita niya ko! Shit!

"Sa susunod kasi mag lock ka ng pinto. Pwede din naman sa cr magbihis. Stupid" Iritadong sabi pa niya at pumunta sa walk in closet. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Hayyy! Nakakainis! Oo nga naman pwede sa cr diba? diba Serah pwede sa cr?! Grrr! Ginulo ko nalang ang buhok ko sa inis. Paglabas ni halimaw sa walk in closet nakita kong topless at naka grey na sweat pants nalang siya.

Napalunok ako nang makita kong gulo gulo ang buhok niya. Mas lalo siyang gumwapo pag magulo ang buhok niya. Nakasimangot siya at nakatuon ang pansin sa phone niya. Hindi ko na napigilan ang walang hiya kong mata. That burning abs!! Burning biceps!! Burning V line na simula sa hips niya pababa...pababa...pababa sa..forbbiden place!!

"Oh laway mo" He smirked. Potalittlemore! Nakita niya kong nakatingin!

"Excuse me?" Sarcastic ko yang sinabi sakaniya. Baka lumaki ang ulo niya isipin niya hot siya kahit hot naman talaga.

"Serah. Girlfriend kita diba? You can look at me whenever you want. I know you like what youre looking at" Aniya. Napanganga nalang ako sa kayabangang talgay ng hayup na to. Inirapan ko siya bago ako lumabas ng kwarto.

Dito ako sa sala matutulog! Ayoko makasama ang lalaking yon. Ayoko! Hindi naman kasama sa kontrata na kaylangan magkasama kami sa kwarto diba? Grr! I hate that man!

Kaya siguro wala siyang totoong girlfriend dahil sa ugali niyang yan eh! Kinapa ko ang bulsa ko. Hayy kung minamalas nga naman noh? Naiwan ko pa yung phone ko sa kwarto -_-

"Serah. Labas tayo" Napatalon naman ako sa biglang nagsalita. Hay si Celine lang pala.

"Saan tayo?" Tanong ko pa. Naka itim na fitted dress siya at ayos na ayos. Mukang mag paparty.

"Party tayo. Nasa club Zee si Josh puntahan natin" Naalala ko si Josh. Gusto ko sumama!

"Tara! Sama ako" Ngumiti naman siya at tumango.

"Kaya lang wala akong damit"

"Meron ako. Hanap kita. Magpaalam ka na kay kuya baka isako ka non" Pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman pumasok sa kwarto ni halimaw.

Hindi ako magpapaalam bakit ba? Sabe sa kontrata i can have my own time diba? Kinuha ko lang ang phone ko. Sinundan niya naman ako ng matalas na tingin habang naglalakas ako palabas ulit ng kwarto.

"Where are you going?" Seryoso niyang tanong sakin.

"None on your effing business" Tinaryan ko na din.

Susungitan mo ko? Tatarayan din kita! para fair! Kung ano gawin mo saking masama gagawin ko din sayo doble pa!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon