#15
____________________
Heart attack.
"Ano bang kaylangan ko gawin? At bakit ako? Hindi naman siguro imposible na may iba kang kakilala na mas maayos kesa sakin ah? bakit ako ang pinipilit mo?" Seryoso kong tanong sakaniya. Hindi ko na mapigilan hindi magtanong.
Pano ba naman kasi sikat siya dahil siya ang CEO ng napakalaking kumpanya na ito. Kumpanya nila ang pinaka top sa pilipinas ngayon, Meron silang Martin group mall, Martin Club, Martin Hotels, Martin Group private school/ university, madami pang iba! kaya imposibleng wala siyang kilala na iba.
Bakit ba kasi ako? iniisip ko lang na manloloko kami ng tao ang hirap na eh pano pa kaya kung magulang niya ang lolokohin namin? Bakit kasi hindi nalang siya mag girlfriend ng totoo bakit kaylangan pang peke? ang daming BAKIT sa utak ko ngayon. Sumasakit na ang ulo ko.
Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi niya, Binayaran niya ang bills ni lola sa ospital at hinihintay nalang na pumayag akong ipalipat si lola sa pribadong ospital. Wala na nga akong takas dito ehh. Bakit kaylangan pa ng approval ko? Baliw na ba siya?
"Serah, hindi ka kilalang tao at sigurado ako hindi ka nila papaimbistigahan. Youre that type of girl na misteryoso sa utak ni mama and that's why i need you." Tumayo siya at pumunta sa harapan ko. Seryoso parin ang muka niya. Bigla naman ako napatingin sa mga mata niya.
Unti unti kong naramdaman ang naramdaman ko na kagabi. Kumakabog nanaman ang dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Kaba? pero parang hindi ehh basta hindi ko alam! Naguguluhan ako. Iniisip ko na nga si lola pati pa tong halimaw na to iniisip ko pa din.
"sir Ian pwede po ba maghanap ka nalang ng iba? Ayoko kasi manloko ng tao. Hayaan mo babayaran ko yang ginastos mo sa lola ko. Hindi to dahil sa pride ko kaya ako tumatanggi actually pabor sakin na sagutin mo ang bills ng lola ko pero ang totoo niyan kaya ko naman pagsikapan ang lola ko. Ayoko din mabuhay sa panloloko. Magulang mo ang lolokohin natin at hindi lang sila. Bakit hindi ka nalang maghanap ng totoong mamahalin mo para maging girlfriend mo? Bakit kaylangan pa ng peke kung kaya mo naman?" Dirediretso kong sinabi sakaniya. He smirked and looked at me with his evil eyes.
"Do you think love really exist? Serah i dont have time for that thing. Yung mahal na sinasabi mo? psh. thats just for kids it doesnt really exist. Kung totoo man yang pagmamahal na sinasabi mo bakit may nasasaktan? bakit may naiiwan bakit may nasisira?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong alam sa pagmamahal pero alam kong may punto siya. Wala na kong masabi kaya tumingin nalang ako sa ibang direksyon. Hindi ko siya kayang tignan ng diretso dahil nagwawala talaga ang puso ko normal ba to?
KRRRIIIINNNNGGG!!!
Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot. Pero hindi pa ko nakakapag salita ay bigla nanaman akong kinabahan.
[SERAH! SI GUIA TO! ANG LOLA MO PUMUNTA KA NA DITO BILIS! SI LOLA JESSY!] Nanlaki ang mata ko at nanginginig ang kamay ko habang naririnig ang nagpapanic na boses ni Guia. Medyo maingay ang background pero rinig na rinig ko ang pagsigaw niya. Hindi na ko nakapag salita at bigla na kong tumakbo papalabas ng opisina ni Ian.
Tumakbo ako papuntang elevator at nakahabol naman ako. Nanginginig ang tuhod ko at nagwawala sa pagtibok ang puso ko. Ngayon alam ko na kung bakit ito ganito. May hindi magandang nangyayari! Hindi ako mapakali habang pababa ang elevator. Hindi na ko nakapag sabi kay Ian mam aya nalang siguro basta ngayon kaylangan ko makarating ng ospital.
Paglabas ko ng building agad akong sumakay sa taxi na may kakababa lang na pasahero. Wala akong pakielam kung mahal ang pamasahe dito basta ang importante makarating ako ng ospital agad agad! Dahil sa pangungulit ko sa driver mabilis din naman kami nakarating ng ospital.
"Serah! Serah!" Tumakbo ako papalapit kay Guia at mangiyak ngiyak siya nang makita ako.
"A..Anong nangayari? Anong nangyari kay lola?" Napalingon naman ako sa likod ni Guia at nakita ko si Adrian na umiiyak na din at kinukusot ang mata niya. Hindi nagsasalita si Guia kaya lumapit ako kay Adrian at lumuhod sa harap niya para makita kong mabuti ang muka niya.
"Adrian? Anong nangyari kay lola?" Pinilit ng bata ikalma ang sarili at ako naman ang umiyak. Bakit hirap na hirap silang sabihin? Ano ba talagang nangyari? Mas kinakabahan ako sa mga reaksyon nila.
"Ate kasi...Magkausap lang kami ni lola..Tapos..tapos..Bigla nalang siyang sumigaw sabi niya hindi daw siya makahinga..na-na-naninikip daw dibdib niya ate.. tapos bigla siya nilapitan ng nars.." Humihikbi pa si Adrian habang sinasabi yon. Napayakap nalang ako sa bata dahil pati ako ay nanghihina na sa sinabi niya.
Hindi ko man alam ng buong buo ang nangyari kay lola hindi ko parin mapigilan ang sarili ko sa pagsikip ng dibdib ko. Humahagulgol na ko at nararamdaman ko nalang ang haplos sa likod ko. Napaupo nalang ako sa labas ng operation room kung saan dinala si lola. Mahigit isang oras din kaming naghihintay nang sa wakas ay lumabas na ang doktor.
"Sino ang pamilya ni Mrs. Jessy Haleco?" Agad naman ako lumapit sa doktor na lumabas.
"A-ako po" Nauutal pa ko nang sumagot sa doktor. Napabuntong hininga lang siya at tumingin ulit sa record o kung anong papel na hawak niya.
"Kaylangan mo na ilipat ang lola mo, Hindi na talaga basta basta ang lagay niya. Malala na ang sakit niya sa puso. Atherosclerosis, Yan ang sakit ng lola mo at sa ngayon..sorry to say pero na stroke siya. You have to transfer her to a hospital na mababantayan ang sakit niya. I recommend sa Philippine Heart Center mo na siya dalihin." Natahimik nalang ako sa mga sinasabi ng doktor.
Nag excuse siya sakin at umalis na. Ano nang gagawin ko. Hindi na pwedeng patagalin si lola dito at malala na ang lagay niya. Kaylangan ko na talaga siya ilipat sa ospital na nababantayan talaga ang sakit niya. Buong araw ay nakabantay lang ako kay lola. Wala padin siyang malay kaya oras oras siyang chinecheck ng nurse.
![](https://img.wattpad.com/cover/17833912-288-k445032.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Fiksi Remaja[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...