#70
____________________I will marry you.
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ian. Hindi ka ba magugulat kung biglang magpaalam sa lolo at lola mo na papakasalan ka? Well ako nagulat! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sasabog na ito. Lahat kami ay tahimik sa sinabi ni Ian ang lolo nga napainom pa ng tubig sa bigla. Si lola naman nakangiti at parang natutuwa samin si Kris naman ayun parang walang pakielam.
"Hijo, You shouldn't ask us about that. It's her decision that's important. Kami naman ay kung saan masaya ang apo ko ay doon kami masaya. Kung magpakasal kayo wala naman problema samin. Tapos naman na kayo mag aral at may sari sarili na kayong trabaho, nasa tamang edad na din naman kayo kaya ano pa bang dahilan para tumanggi kami." Seryoso ang lola sa sinabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin.
"What's your decision apo?" Tanong naman ni lolo sakin. Speechless ako. Everything is going too fast. Natatakot ako.
"Um..excuse me lang po" Tumayo ako sa inuupuan ko at dirediretsong lumabas ng restaurant. Kaylangan ko ng hangin. Nagpapawis ako ng malamig kahit gabi na at malamig ang panahon.
Natatakot ako. Hindi naman sa ayaw kong pakasalan si Ian dahil sobrang gusto kong mangyari yon pero madami pang magulong nangyayari eh. Kasal sila ni Nadine tapos buntis pa si Guia. Kahit sabihin na nasa America na si Nadine hindi naman imposible na guluhin niya kami diba? Tsaka kahit na hindi sigurado na si Ian nga ang ama ng dinadala ni Guia hindi naman din imposible na maging siya nga? o baka siya nga talaga diba? WE DONT KNOW WHATS GONNA HAPPEN!
Thinking of all the things that can happen is too much to carry. Mahal ko si Ian at hindi naman ako nagmamadali. Kelan lang kami nagkabalikan tapos kakasal na agad? I mean ang dami pang dapat ayusin. Pano nalang ang mama niya at ang papa niya? Ayoko naman mabuhay sa pamilyang hindi ako tanggap. Tapos yung pagdi divorce pa nila ni Nadine? gulo yon sigurado pag nalaman ng mama niya. Kahit sabihin na may deal sila i know her mom can do anything just to put things on her way.
Hindi ko na namalayan ang pag landas ng mga luha ko. Hindi ko nga alam pano ako napunta dito eh kakalakad ng kakaladad at kakaisip napunta ako sa isang garden. Sa likod lang ito ng restaurant kaya may iilang tao pa din dito. Naglakad lakad pa ko ulit hanggang sa napadapad ako sa isang lugar na may christmas lights na puti ang paligid at over looking ang buong syudad. Napakaganda ng mga makikinang na city lights. Walang tao dito kundi ako ang kaya sadyang napaka tahimik dito. Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
Mahal ko naman si Ian eh. Sobrang mahal ko siya pero eto nanaman ako. Naduduwag na lumaban. Natatakot na masaktan nanaman. Alam kong normal na masaktan pag umiibig pero mahirap hilumin yung sakit kasi hindi mo alam kung paano. Hindi naman ito tulad ng sugat na alam mo kung pano gamutin para matanggal yung sakit. Ang kinatatakot ko kasi baka ngayon tuluyan pang mawala si Ian sakin pag nagpadalos dalos kami.
Bigla akong nakarinig ng mga yapak at mabilis na pag hinga na parang hinihingal. Tumingin ako sa direksyong iyon at doon nakita ko si Ian na naghahabol ng hininga at parang kakagaling lang sa pagtakbo. Nagtama ang mga mata namin at bumigat ang dibdib ko ng makitang may ilang luhang tumulo galing sa mga mata niya. His eyes are full of fear and pain. Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Serah don't leave me again please" Pakiusap niya. Bakas sa mga salita niya ang takot at sakit na nararamdaman niya ngayon. Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya.
"Ian hindi naman kita iiwan. Pangako ko yon sayo diba?" Hinigpitan niya pa ang yakap at hinalikan ang noo ko. Ngayon ay umiiyak na talaga siya kaya hindi ko na mapigilan umiyak na din.
"I love you so much Serah. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka pa ulit. But i will do anything. Freakin' anything to get you back. Kung kaylangan mag siimula ako sa panliligaw ulit gagawin ko para lang makuha kita ulit. You're worth the pain Serah. But i dont wanna feel pain anymore. I just wanna feel you, your love." Kumalas kami sa pagkakayakap pero nakapulupot pa din ang mga braso ni Ian sa baywang ko.
"Ian i love you more than you think kaya nga nahihirapan ako ngayon. Ian i wanna marry you too pero natatakot ako. Pano kung mangyari lahat ng kinakatakutan natin? Pano ang mama mo? si Nadine? lalo na si Guia? Ian they can tear us apart" He ran his thumb across my cheeks as he wipe my tears away.
"Don't think about them Serah, This is about us. This is about how we can make it through. How we can fight for each other. Serah i wont let them tear us apart again. Trust me on this. Aayusin ko ang lahat just like we planned. But i wanna make sure that you wont leave me again." Bakas sa mga mata niya ang takot. Alam kong natatakot siya na mangyari ulit yon gaya ko kaya siya ganito.Maybe that's why he wanna marry me this instant. Kaya niya siguro naisip na pakasalan ako dahil tulad ko takot din siyang magkalayo kami. Takot din siya maramdaman yung sakit na naramdaman namin dati. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya iiwan. Hanggat kaya ko hindi ko siya iiwan. I love him so much.
"Hindi kita iiwan Ian, and if marrying you is the only thing than can take away the fear in your heart then i will marry you. Mahal kita Ian at gagawin ko lahat para ipakita sayo yon"
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...