TGC#62

24K 410 2
                                    

#62

____________________

Gone




Habang nasa taxi ako papunta sa lola ko, hindi pa din maalis sa utak ko ang mga nalaman ko. Mixed emotions ako kasi masaya ako na may pamilya pa pala ako na naghihintay sakin pero nandoon pa din yung sama ng loob ko sakanila para sa mga magulang ko.

Alam ko ang pakiramdam ng hindi ka tanggap ng magulang ng taong mahal mo. To think na naramdaman nila mama at papa yon noon dahil sa hindi nila sila matanggap. Pero iba sila mama at papa sakin. Ako duwag sila matapang.


Matapang silang sumugal para lang sa pagiibigan nila. Hindi sila naghiwalay kahit mahirap. Naging masaya sila at hindi ininda ang malaking problema. Samantalang ako...hanggang ngayon duwag pa din.


"Ma'am dito na po tayo" Sabi ng driver sakin. Kinuha ko ang perang pambayad at binigay sa driver bago lumabas ng taxi.


Dahil sa perang nakuha ko sa event kahapon kaya ko na ipagamot si lola gamit ang pera ko. Hindi ko na kaylangan ang tulong ng ibang tao. Sobrang baba ko na nga dahil hinayaan kong bayaran ng mama ni Ian ang gastusin sa lola ko. Unti unti ko iyong ibabalik itaga pa nila yan sa bato.


"Congratulations ma'am ganda! Nakita kita kahapon sa tv!" Bati sakin ng guard sa entrance ng ospital.


"Salamat po manong" Ngumiti ako sakaniya at pumasok na ng tuluyan sa ospital.


Nginitian lang ako ng mga nurse sa front desk na kakilala ko na kaya dumiretso na ko sa patungo sa kwarto ng lola ko. Pagdating ko sa palapag ng kwarto ng lola ko may mga nurse at doktor na nagtatakbuhan. Ginapang agad ako ng kaba kaya napatakbo na din ako papunta sa lola ko.


Naestatwa ako nang makitang may nakakabit na oxygen sa lola ko. Nanlamig ang katawan ko at rumagas na ang luha sa pisngi ko. Nagkaron ako ng lakas ng loob na pumasok sa kwarto ng lola ko pero agad akong pinigilan ng mga nurse.


"LOLA!!!" Sigaw ko habang pumipiglas at nagpupumilit pumasok sa kwarto ng lola ko.


Ang bigat ng dibdib ko at para bang hindi na ko makahiga sa kaba. Patuloy na rumaragasa ang luha ko at hindi ko na pinapansin ang ibang taong nanonood sa pagiingay ko. Wala akong pakielam sa ibang tao ang importante sakin ngayon ang lola ko. Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang lola ko.

"Ma'am hindi ka po talaga pwede pumasok ngayon"  Sabi pa ng nurse sakin na patuloy akong hinaharangan. Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumating na mga nurse na may dala dalang kama.

Pumasok sila sa kwarto ng lola ko at dahan dahang binuhat ang lola ko papunta sa kama na dala nila at nagmadaling lumabas. Nakita ko ang lola kong naka suot ng oxygen at nakapikit ang mga mata. Bumigat ng sobra ang dibdib ko na para bang buong mundo ang dala dala ko. Sumikip ang dibdib ko dahil sa sobrang pagiyak. Sinundan ko ang mga nurse na dala ang lola ko hanggang sa pumasok sila sa operating room. Hindi nila ako ulit pinapasok hanggang sa nanghina na ko.

Napasalampak nalang ako sa tapat ng pintuan ng operating room. Niyakap ko ang tuhod ko at patuloy na umiyak. Hindi ko pa alam ang totoong nangyayari sa lola ko pero wag naman sana yung kinakatakutan ko. Mahal ko siya kahit hindi kami tunay na magkadugo. Tinuring ko na siya na tunay kong lola at tinuring niya din akong tunay na apo. Siya ang nag alaga sakin sa oras na walang wala ako, siya ang yumayakap sakin noong mga gabi na umiiyak ako sa pagkamatay ng mga magulang ko. Siya lahat kaya ganito nalang ang pagmamahal ko sakaniya.

"Serah" Dahan dahan akong tumingala para tumingin sa pamilyar na boses na narinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi ko inaasahang makita siya dito. Ewan ko bakit siya nandito pero nang makita ko siya lalo akong humagulgol. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Set all the pain aside Serah, Lola mo ang importante ngayon. Im glad to see him here kahit na madaming problema.

"Hush. I'm here" Niyakap niya din ako at hinalikan ang noo ko. Kahit papano napapakalma ako sa paghaplos niya sa likod ko at sa nakakakalma niyang amoy.

Hindi ko na alam kung gano ako katagal na nakayakap at umiiyak sakaniya. Sa simpleng yakap niya lang nagkaganito ako? Bakit nga ba siya nandito?

"Bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko sakaniya.

"Dadalawin ko sana si lola Jessy" Aniya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa operating room at lumabas doon ang doktor. Lumapit agad ako sakaniya.

"D-doc ano po na-nangyari sa lola ko?"  Nauutal kong tanong sa doktor na malungkot ang muka.

"I'm sorry hija. We did everything we can pero mahina na talaga ang lola mo. Im sorry hija pero... she's gone" Naestatwa muli ako sa sinabi ng doktor at dahan dahan akong nanghina hanggang sa dumilim na ang paningin ko/

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon