TGC#27

27.6K 480 2
                                    

#27

____________________

Magkaibang Mundo.


Lumabas ako ng kwarto ko para makaligo na sa banyo. Nakita ko naman si halimaw na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Nakaligo at nakaayos na siya. San naman kaya ang punta namin nito?


Naligo na ko at sa banyo na nagbihis. Alangan lumabas ako ng banyo na nakatuwalya lang diba? eh pwede naman dito nalang magbihis.

"Serah bilisan mo naman ginugutom na ko!" Sigaw nanaman ni halimaw. Umirap nalang ako sa kawalan habang nag totoothbrush. Maghintay ka jan.


Ano nga ba ginagawa namin sa hotel and resort na to? ito ba yung sinasabi niyang binili nila? Ang alam ko lupa yon hindi ganito. Pagtapos ko lumabas na ko at nakita ko naman siya na may kausap sa phone.


"Do everything you can! Doktor kayo dapat alam niyo ang gagawin niyo! hindi pwedeng ganyan! You call yourselves doctors! you cant even do something!" Galit na galit siya. Ano kaya nangyari? Sinong doctor kaya kausap niya kawawa naman kung sigaw sigawan niya.

"Hindi niyo pwede pabayaan yan. You have to do everything! Kaya kong magbayad kahit magkano kaya gawin niyo lahat para mapagaling siya! Simpleng sakit sa puso hindi niyo mapagaling! Kung kinakailangan ng opera gawin niyo!" Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang salitang sakit sa puso.. Hindi kaya doktor ni lola ang kausap niya? Napatingin ako sakaniya at napaharap naman siya sakin. Hindi niya namalayan na nakikinig ako dahil nakatalikod siya kanina.


"Doctor ba ni lola ang kausap mo?" Mahinang tanong ko sakaniya. Nagaalala ako sa lola ko. Hindi ko pa nga siya nadadalaw eh ganun na agad ang maririnig ko.


"Ibang doctor yon wag ka magalala. Tara na punta na tayo sa restaurant gutom na ko" Seryosong sagot niya sakin. Hindi tuloy maalis sa utak ko mag alala sa lola ko.


Nagpunta na kami sa restaurant para mag agahan. Tahimik at seryoso lang si halimaw tulad ng lagi niyang ekspresyon cold at mysteryoso ang muka niya ngayon. Madaming napapatingin sakaniya at halos malaglag na ang panga. Hindi naman na nakakagulat bakit ganun sila. Sa itsura ba naman nitong halimaw na to talagang mapapanganga sila.


"Goodmorning sir, ma'am" Sabi ng waiter at ngumiti samin habang binibigay ang menu. Si halimaw at nakasimangot na nagtitingin ng menu samantalang kahapon na babae ang lumapit para ibigay ang menu ngiting ngiti siya.


"Special Bacon and Eggs, French toast at white coffee. Dalawahin mo na" Utos niya sa waiter. Tumango naman ang waiter at isinulat ang order namin.


"Nasan ang Papa mo? Diba kasama siya dito?" Tanong ko. Kagabi ko pa kasi hindi nakikita ang papa niya.


"Nandito siya hindi mo lang nakikita. Kahapon kasi nauna siya dito tapos nagpahinga daw agad siya. Ngayon naman nandun siya sa office ng may ari nito nakikipag meeting" Paliwanag niya sakin habang nakatuon sa phone niya.


Tumingin ako sa paligid dahil wala naman ako magawa. Iniisip ko padin bakit hindi ako kinakausap ni Josh. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung huli kami nagkita. Totoo kaya yon oh dala lang ng alak? Ako nga hindi ko alam kung ano nararamdaman ko kay Josh. Nagugustuhan ko siya pero ewan ko. Ang gulo din ng utak ko ehh.


"Tinawagan ko na kahapon yung boss mo sa stylenanda. Kunin mo nalang daw yung last pay check mo pagbalik natin. Nakakuha na din yung secretary ko ng condo mo sa Dela Vega Towers doon ka na magiistay pag balik natin." Seryoso siyang tumingin sakin kaya napatingin din ako sakaniya. Hindi naman nagtagal bumitaw din ako sa titigan namin.


The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon