#59
_____________________
i miss you so damn much.
“Welcome Ladies and gentlemen, Here is the “Fantastic Fashion show” you’ve all been waiting for. An exclusive premiere showing of fresh new piece by outstanding designers" Nagsimula ng magsalita ang emcee na isang sikat na artista. Pakiramdam ko sa sobrang kaba ko pinagpapawisan na ko ng malamig. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Yung sinabi ni Josh kanina, yung pagpunta ni Ian tsaka yung lalaki at babae pa kanina sa red carpet. Grabe di ko na alam ang gagawin o iisipin ko.
Binati ng emcee ang mga malalaking personalidad na nasa dumalo ngayon, isa na doon ang mga malalaking artista, mayayamang may ari ng mga malalaking kumpanya (isa na don ang pamilya ni Ian) At pati na din ang mga sponsors. Dahil sa pagtawag sa pamilya ni Ian nakita ko na hindi kalayuan ang pwesto nila samin. Nakita ko siya na naka maroon na suit at clean cut. Wala siyang ibang kasama kundi ang magulang at isang lawyer nila. Wala si Nadine o si Guia sa paligid. Dapat nandito sila diba? Lalo na si Nadine dahil kasal sila ni Ian. Pero bakit ganun parang wala lang yun? Malayang nakakapag sama si Guia at Ian at si Nadine? bakit parang nananahimik nalang sa kung saan si Nadine? Ang dami na talagang tanong sa utak ko. -_-
"Serah let's go, dapat nasa back stage na tayo." Bulong ni Josh sakin. Napatingin ako kay Celine.
"Teka pano si Celine?" Tanong ko kay Josh.
"Ihahatid nalang natin siya-" Bago pa matapos makapag salita si Josh ay bintukan na siya ni Celine. Dapat maawa ako pero mas natatawa pa ko sa kulitan nila na kahit saan hindi mawawala.
"Ano ka ba...." May binulong siya kay Josh. Nakucurious ako pero wala na ko magagawa usapan nila yon eh.
"Umm..Mauna na kayo. Pupunta nalang ako dun kila mama" Mahinahong sabi ni Celine at hinila na ako ni Josh palayo at papunta sa back stage.
Nang makarating kami sa back stage nakita ko ang mga busy na staff at models doon. Ang ibang mga designers ay inaalalayan ang mga models nila. Tumigil kami ni Josh sa dressing room kung saan inaayusan na ang mga models na magsusuot ng mga damit ko.
"Harvey this is Serah. Siya yung designer ng mga damit na to." Pinakilala ako ni Josh sa isang make up artist at nakipag kamay naman ako.
Tinatanong niya ako tungkol sa mga dapat imake up sa mga models at pano ang hairstyle. Nung una ay nahihiya pa ko mag sabi pero ng madali nama niya makuha kung anong gusto ko iparating mas gumaan ang loob ko at mas naiayos ang mga modelo.
"Serah Javier! Out in 3 minutes!" Sigaw ng staff. Nagsimulan magtakbuhan palabas ng dressing room ang mga models pati na din si Josh. Pumila sila sa may likod ng stage at nag thums up ako sakanilang lahat. Nginitian nila ako at nag thumbs up na din sakin.
"Hey lets go! Halika muna dito Serah at kaylangan mo magpalit!" Hinila ako ni Harvey papasok ulit ng dressing room. Binigay niya sakin ang isang light pink blouse at silk peach shorts.
Nagpalit ako ng damit at inayos pa muli ni Harvey ang make up at buhok ko. Inabot niya sakin ang tatlong floating balloons. Hindi ko na napitiglan ang magtanong. Para saan ba ang balloons?
"Bakit kaylangan may balloon pa?" Tanong ko kay Harvey. Nginitian niya ako at inayos ang buhok ko sa huling pagkakataon.
"You're the youngest designer kaya ikaw ang may dala niyan. Sign yan ng achievment mo bilang young designer." Nginitian ko siya at binati niya naman ako ng congratz bago ako lumabas.
Paglabas ko ay maingay sa palakpakan ang lahat. Tumingin ako sa backstage at nakita kong tapos na ang ramp ng mga modelo ko. Napansin ko si Josh napapalapit sakin at malaki ang ngiti. Mas kinakabahan ako kesa sa lumuwag ang pakiramdam ko.
"Everyone loved your designs Serah. Congratulations" Niyakap niya ako at tinapik ang ulo ko na parang bata. Malaking ngiti ang sagot ko sakaniya.
Lumipas ang ilang minuto na daldalaan namin ni Josh sa backstage natapos din ang pag rampa ng collection ng ibat ibang designers. Konting program para mabuhay ang audience. May artista pang kumanta at sumayaw para hindi mabored ang mga manonood. Inanunsyo din na may after party mamaya sa Prime, Isang sikat na club dito sa Manila.
Tinawag na kami ng staff upang pumila na at kami na ang susunod na lalabas ng stage. Tama nga ang sabi ni Josh ako nga ang pinaka huli. Ginapangan nanaman ako ng kaba at hindi na mipaliwanag kung kaya ko pa ba lumabas sa stage na yan. Lupa kainin mo kooo!!! ayoko mapahiya!
"Ladies and gentlemen, We are proud to present you our fresh, new and outstanding designers tonight" Nang marinig ko ang salitang iyon galing sa emcee sobrang kinabahan na ko pakiramdam ko nagpapawis na ko ng yelo!
"Ms. Erlyn Zanders, She graduated at School of fashion and arts, year 20**. She has her own botique, The Zanders. She works with lots of famous stars like, Yeng constantino, Sam Pinto and Georgina Willson....." Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko at napatingin ako sa unan designer na lumabas sa stage. Grabe ganyang tao ang mga kasama ko dito? o.o
Ilang designers pa ang lumipas at dumating ang pinaka kinakatakutan ko. Ako na ang natitira at kaylangan ko na lumabas ng stage. Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti. I have to be strong! ito ang pinasok ko at hindi maiiwasan na makilala ako sa industriyang ito kaya dapat matuto akong humarap sa tao.
"I'am honored to annouce this year's youngest achiever. Serah Devone Javier. She is only 22 years old and she already works with the owner of Margaux, Ms. Leonora. This is her first project and we already got alot of amazing feedbacks." Maligayang anunsyo ng emcee habang naglalakad ako sa kahabaan ng runway. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakangiti silang lahat at pumapalakpak.
Napatingin ako sa taong napaka importante sakin hanggang ngayon. Si Ian, pumapalakpak din siya at sa tagal ng panahon nakita ko muli ang ngiti niya na matagal ko nang hinahanap hanap. Yung ngiti niya na sumisigaw ng purong kasiyahan. Yung ngiti niya na sakin niya lang naipapakita. Pero nang mapansin niya ang tingin ko at nahaluan ng lungkot at pighati ang ekpresyon niya.
Ian if you only knew. I love you so much and i miss you so badly. Kung sana ay matapang lang ako para ipaglaban ka ginawa ko na pero hindi ehh....duwag ako. Masaya ako sa pagkakataong ito pero hindi pa din talaga mapapantayan yung saya na naramdaman ko noon nung kasama ko siya. If only theres a way to get things back the way we used to be. I'll risk everything for him. Kahit masakit. Sana matapang lang ako para gawin ang mga iyon pero hindi eh. Mas pinili kong manahimik at mag move on nalang. Hayaan siyang sumaya sa iba....
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...