TGC#46

24.1K 414 7
                                    

#46

____________________

I love you. Goodbye.




Nakatulog na si Ian pagtapos nung nangyari. Ako parang ayoko matulog gusto ko na lang siya titigan. Ang sarap lang umiyak sa sobrang saya. Simula noong una kong makilala si Ian hindi ko inakala na mamahalin ko siya ng ganito.


I ran my hands into his soft hair, his cheeks, his eyes, his nose, and his lips. I will miss everything. Sumikip ang dibdib ko at hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga luha ko.


Im sorry Ian. Sorry sorry sorry. I know sorry isnt enough. Mahal na mahal kita. I cant bear to see you suffer because of me. Kung kaylangan layuan kita para sa ikatatahimik ng mama mo gagawin ko.


Dahan dahan akong bumangon at kinuha ang nakaimpake kong damit. Pinagplanuhan ko na to at sana..saaannaaa! hindi ako magsisi. Kinuha ko ang walet ko at iniwan ang ATM card. May pera akong naipon at sapat na yon para mabuhay ko ang sarili ko.


Nagbihis ako sa kabilang kwarto at kinuha ko ang iba ko pang gamit na kaya kong dalihin. Sumulyap pa ulit ako sa kwarto at nandoon si Ian mahimbing na natutulog. Im sorry Ian. Nagsulat ako at nag iwan ng isang note sa center table dito sa sala.


Dear Ian,

               I'm sorry. Sorry sa gagawin ko. Wala na kong ibang sasabihin kundi sorry. Alam mong mahal na mahal kita at ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Thank you for everything. Wag mo isipin na nagkulang ka o may nagawa kang kasalanan. Wala kang pagkukulang Ian. Wala sayo ang problema. Nasakin ang problema at sana maintindihan mo ko. Im doing this for you because I love you. Im sorry Ian. I love you Goodbye.

----


Sa ibabaw ng note nilagay ko ang simcard ko para hindi niya ko matawagan. Im leaving everything, Celine, Josh, Marc, Guia, and Ian. Good memories is all i have.


Lumabas ako ng condo at pumunta sa pinakamalapit na bus station. Sa probinsya ako magtatago. Mabilis ako nakasakay ng jeep dahil wala naman masyadong tao ngayon at madaling araw na din naman. Mabilis naman ako nakarating sa bus station.


Si Marc ang nag boluntaryo na magtingin sa lola ko. Ewan ko bakit mainit ang dugo ni Ian kay Marc pero mabait naman siya. Oo minsan muka siyang strikto pero wala naman siyang nagawang masama sakin.


"Serah!" Sigaw ng isang lalaki na hindi ko alam sino. Hinanap ko ang boses na yon at nakita ko si Marc na papalapit sakin at hingal na hingal.


"Marc anong ginagawa mo dito?" Tumingin ako sa paligid baka may kasama siya na hindi ko inaasahan.


"Sabi na nga ba at nandito ka. Serah let me help you" Nag aalala ang mga mata niya nang tumingin siya sakin. Mabait si Marc sakin pero hindi naman pwede na sakanya ako lagi umasa.


"Pero Marc hindi pwede" Ayun lang ang nasagot ko. Hindi pa din siya nagpatalo.


"Serah im not taking NO for an answer. Just let me help you Serah" Napaisip ako then suddenly.


"Shit!" Nakita ko sa hindi kalayuan si Ian na kakababa lang sa sasakyan niya. Hawak hawak pa ang note na iniwan ko.


"Serah!" Sigaw niya. Tumalikod na ko pero bago pa ko umalis ay nakita na niya ko. This is bad. Pano na to.


"Serah what is the meaning of this? Ano tong note na to? Ba-bakit ka aalis??" Walang salitang lumabas sa bibig ko. Napatalon naman ako sa gulat nang hawakan ni Marc ang kamay ko.


"She's with me Ian" Aniya. Wala pang isang segundo ay sinapak na ni Ian si Marc. Nakita ko nalang siya na napaupo sa sahig at nagdudugo ang gilid ng labi.


"Dont you dare touch her! Stay out of this you Asshole!" Sigaw pa ni Ian. Agad kong tinulungan makatayo si Marc. Punong puno ng galit ang mga mata ni Ian. Shit kaylangan ko lumayo sakaniya ayoko ng gulo


"Ian.. La-Layuan mo na ko" Mahinang sabi ko kay Ian ng hindi siya tinitignan sa mata. i cant look at his eyes baka mapaatras ako sa desisyon na to.


"No Serah. Bakit? Ano bang problema?" Naging maamo na ang boses niya di tulad ng kanina.


"Just...stay away Ian..a-ayoko na..Please" Bigla akong hinawakan ulit ni Marc.


"If you really love her, Let her go Ian" By that he turned away..Tinalikuran niya ko na parang wala na lang ako sakaniya.


Ang sakit. Ang sakit sakit nmakita siyang palayo sakin. Hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko.Umiyak ako nang makaalis na siya ng tuluyan. Im sorry Ian. Sorry. Mahal na mahal kita pero ang hirap..Parang buong mundo ang kalaban natin.


Niyakap ako ni Marc at hinaplos ang likod ko para kumalma ako pero hindi padin ako matigil sa pag iyak. Masakit sobra.


"Be strong Serah. Kung kayo talaga kahit maghiwalay kayo o hindi you'll always get back to each other" bulong ni Marc sakin. Hindi ko pa din mapigilan ang pag iyak ko.


Kung sana'y madali lang sabihin kay Ian ang lahat madali lang to eh pero hindi! Mas magiging komplikado pa ang lahat pag ganun. And i want my lola to live. Mahal ko din ang lola ko.Shes the only family i have. Isasakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para sakaniya and God know she's worth it. Kinupkop niya ako at tinuring na tunay na apo. Shes there with me everytime i need her. Kahit ito lang pagsasakripisyo ko masuklian ko lahat ng yon.


Kahit sarili kong kasiyahan. Kahit puso ko ang masasaktan. Im sorry Ian. Heaven knows i love you so much. Sana lagi mong isipin yon kahit iniwan kita. I love you Ian. So much.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon