TGC#24

27.9K 535 9
                                    

#24

____________________

Paalis.


"Sumama ka nalang sakin. Wag ka na sumama kila mama sa mall" Aniya. Napanganga naman ako. Hala baka magalit ang mama niya baka isipin niya ayaw kong sumama sakanila x_x


"Ian baka ano sabihin ng mama mo. Nagsabi na tayo na sakanila ako sasama eh" Napakamot naman ako sa ulo ko. Pano na to..


"Ako na ang makikipagusap kay mama. Pumunta muna tayo ng mall bumili tayo ng damit mo pang isang linggo" Huh? Teka bibili nanam ng damit eh kakabili lang ng damit kahapon ah?


"Ian grabe naman bili ng bili? Ganito nalang uuwi muna ako at kukuha ng damit.Titignan ko din yung bahay namin baka naputulan na kami ng kuryente" Sabi ko pa. Nakakainis kaya bibili nanaman? Hindi porket mayaman siya eh halos bilihin niya na din ako.

"Fine. Bilisan mo lang at ayokong naghihintay" Mariin niyang sabi at pumasok na sa kwarto.

Sungit nito. Inayos ko nalang ang sarili ko at kinuha na ang gamit ko. Hinintay ko nalang siya sa living room. Kinuha ko muna ang phone ko at tinext si Guia. Sigurado ako naghahanap na yun sakin.

To: Guia.

Guia. Magreresign na ko sa trabaho. May bago kasi ako trabaho magiging sobrang busy ako x_x I miss you! Punta nalang ako sa shop sa wednesday.

------

Napagisip isip ko na din na maghanap nalang ng mas maayos na trabaho pagnakapasok na ko para naman hindi ako nakaasa kay halimaw. Gusto ko din naman magipon ng sarili kong pera.

"Tara na- Serah...You have to change your phone. Galing pa ba yan sa museum? Luma na yan ah?" He smirked. Pangaasar niya. Bwiset?  Inasar pa phone ko? At least tong phone ko na 32'10 galing to sa pawis ko! Pinaghirapan ko to noh!


"Hindi na kaylangan pintasan yung phone ko! Ayoko to palitan noh! May sentimental value to!" Inirapan ko nalang siya at humalagapak naman siya ng tawa.

Nagmartsa ako palabas at sumunod naman siya. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa makarating kami sa loby. Inaasar niya pa ko sa phone ko na galing daw museum :/ Loko porket naka iphone 5 siya? Yabang!


Nang matapos siya sa kung anong panlalandi ginawa niya sa front desk personel na halos maging kamatis na sira na ang itsura dahil namumula na sa kilig at nangingitim naman dahil hindi nmakahinga sa pekeng pagtawa niya sa sinasabi ni halimaw. Eh basta ng lalandian. Napaka womanizer talaga.


"Tara na" Malaki ang ngisi niya at may hawak na maliit na papel na binulsa naman agad.

"Playboy" Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad kami. Hindi ko siya tinitignan. Dito pa talaga siya lumandi noh? Hindi niya naisip na nandito sa lugar na din to ang mama niya na pinagpapanggapan namin.

"What did you say?" Sabi pa niya. Narinig ata ako.

"Playboy. P-L-A-Y-BOY" Pinagdiinan ko pa. He just smirked! Evil! Evil smirk.



Habang nasa sasakyan kami tahimik lang akong naka halukipkip sa upuan at siya naman ngiting ngiti na para bang nangaasar. Ewan ko sa taong to baliw na ata.

Biglang nang ring ang phone ko. Kinuha ko ito agad at nakita kong si Guia ang tumatawag.


"Hell-" Hindi pa ko nakakatapos sa pagsasalita ay bigla na siyang sumigaw. Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko kasi nakakabingi x.x

[SSEEEERRRAAAAHHHHH!!! bakit ka magreresign?? Pano na ko? Wala na kong kasama! Badtrip ka naman eh!]

"Pasensya na Guia. Magkikita pa naman tayo eh. Ito naman parang nag ibang bansa na ko kung maka react! Hahaha!"

[Kasi naman biglaan talaga! Nakakagulat bigla ka nalang nagtext ng ganon!]

"Sorry na? Kita nalang tayo pag freetime."

[Sure sure! Dahil iniwan mo ko magisa ililibre mo ko!]

"Haha! Sige na nga! Sige na text nalang tayo mamaya may aasikasuhin lang ako"

[Ay busy nga. Sige ingat ka ah!]

"Hehe ok Bye!"

Pagkababa ko nagtext agad siya. Hindi na ko nagkaron ng panahon magreply nang makita kong nas tapat na kami ng bahay. Wait...Nandito na nga kami pero hindi ko naman sinabi sakaniya tong bahay namin ah? Alam niya?.

"Teka saglit lang ako" Sabi ko pa at tumango lang siya. Paglabas ko ng sasakyan niya ang daming nakatingin at nagbubulung bulungan. Mga tsismosa -_- mga ignorante kala ngayon lang nakakita ng sasakyan.

Pagpasok ko sa bahay namin binuksan ko agad ang ilaw.Hay salamat! May ilaw pa! Nagimpake agad ako ng pang isang linggo. Naka isang back pack at isang gym bag din ang napuno ko. Nagmadali na kong lumabas pero nagulat naman ako nang makita ko si halimaw sa tapat ng pintuan namin tinitignan ang bahay namin. Shizz nakakahiya! Maliit at gawa lang sa kahoy ang bahay na to. Pinaupahan lang samin to ni aling Teriz kasi dating station ng baranggay to pag gabi kaya lang nilipat na sa iba kaya naging bahay nalang to.


"What a house" Aniya pag kalabas ko. Hinila ko nalang siya pagtapos ilock ang bahay. Napatingin naman ang mga tao sa paligid. Shizz sigurado paguusapan nanaman ako neto!

"Yan lang ang dala mo?" Tanong pa ni halimaw habang nilalagay ko sa back seat ang mga dala kong bag.


"Oo. Madami na yan. Tara na" Pumunta na siya sa driver seat. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat. Ang gentleman noh?

"Sakay na!" Dumungaw pa siya at sumigaw. Loko talaga! Pumasok nalang ako sa sasakyan at inayos ang seat belt ko.

"Cavite na tayo. Nakausap ko na si mama ok lang daw"

"Ano ba sinabi mo?"

"Na magkaka apo na siya" Kumindat pa siya sakin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Bakit niya yon sinabi! Hindi niya ba alam ang kaibahan ng girlfriend sa asawa? Kanina pa siya ah!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon