#30
____________________
First day.
Pasok na! First day ko ngayon sa Danford University. Kinakabahan ako kasi sabi mayayaman daw ang nagaaral don. Kaya nga di makapaniwala si Guia na doon ako mag aaral eh.
Nakatanggap na ko ng text kay Ian. Sobrang naiinis ako sa text niya -_-
Ian:
Pinalitan ko course mo. Wag ka na mag business ad. Fashion design na ang course mo. Nandyan sa mail box mo ang sched mo.
-----
See? Sinong hindi magagalit na sa mismong araw ng pasok mo palitan ang course mo. Is that even possible? o ginamin nanaman niya ang kapangyarihan ng mga Martin. Hayy fashion design pa? Wala nga akong kaalam alam sa pag didisenyo ng mga damit eh.
8:40am ang pasok ko sa unang minor subject ko. Sana naman kahit maligaw man lang maging kaklase ko pa din kahit sa ilang subject lang si Celine x_x kinakaban tuloy ako.
Inayos ko na ang sarili ko. Simpleng Tshirt at grey na skinny jeans lang ang suot ko. Ayoko muna suotin yung mga pinamili namin nung isang araw. Paglabas ko ng pinto nakita ko ulit si Marc na papalabas din.
"Goodmorning!" Masayang bati niya. Pamilyar talaga siya sakin x.x Alam ko nakita ko na siya noon di ko lang maalala
"Goodmorning din" Ngumiti nalang ako. Sabay kami naglakad papuntang elevator.
Grabe ang bango niya. Amoy na amoy ang pabango niya. Magulo at medyo brown ang buhok niya. Bad boy ang dating niya sa suot niyang black tshirt at jeans. Gwapo siya pero mas gwapo si Ian. Huh? Bakit ko ba sila pinagkumpara x.x
"Papasok ka na ba?" Tanong niya na bumasag sa katahimikan namin.
"Ah..Oo. Ikaw?" Mahinhin kong tanong sakaniya.
"Papasok na din ako. Sa Danford University ako." Sagot niya sakin habang pinapakita ang ID niya.
Pinakita ko naman ang hawak hawak kong sched na may tatak na logo ng Danford University. Nagtawanan nalang kami. Coinsidence? Parehas na kami ng condo, Parehas ng floor magkatapat pa ang pinto at parehas din ng papasukang school haha!
"Parehas din tayo ng school haha! May iba pa sigurong taga Danford University dito. Malapit lang kasi ito doon" Aniya paglabas namin ng elevator.
"Siguro nga. Wala pa naman ako kakilala dito ikaw lang tsaka hindi naman ako lumalabas kaya ayun" Ngumisi nalang ako at ngumiti naman siya. Lumabas nanaman ang dimple niya.
"Well sabay ka na sakin. May sasakyan naman ako. Mahirap sumakay dito at hindi sila nag bababa sa tapat ng Danford baka maglakad ka pa ng malayo" Nakakahiya naman kung sasabay ako.Kaya lang...Hindi ko alam saan yung Danford x_x

BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...