TGC#39

24.5K 463 5
                                    

#39

____________________

'Oo'



Pagbalik namin sa condo hindi pa din mawala sa utak ko yung sinabi ni Nadine. Nakakapagtaka pano niya nalaman samantalang ngayon lang siya nagpakita samin.


"Wala ka ba pinagsabihan kahit secretary or baka yung lawyer mo may napagsabihan?" Nagaalala kong tanong kay Ian.


"Serah as i remember wala akong pinagsabihan. Dont worry ill talk to Nadine about-"


"Wag!" I cut him off. Bago pa matapos ang sinasabi niya pinutol ko na. Ayoko! Ayokong makausap niya ang babaeng yon. Ewan ko pero ganito talaga nararamdaman ko.


Napatulala lang sakin si Ian at para bang nagtataka bakit ganun ang sinagot ko. Shiz. Possesive ba ko? Eh hindi pa naman kami baka ano na iniisip niya.


"Uh.. Ano na? Nakausap mo na mama mo?" Pagiiba ko ng pinaguusapan.


"Well..oo nakausap ko na. Ayaw niya. Gusto niya talaga ituloy. Ang sabi ko na lang its me or the company. If she chose me hindi tuloy ang marriage proposal sa pamilya ni Nadine, Kung ang kumpanya naman ang pipiliin niya she can have her company pero aalis na ko" Nagulat ako sa sinabi niya. Ano? Aalis siya? Seryoso ba siya? Matagal na niyang hawak ang kumpanya at madami na din siyang hirap doon tapos bibitawan niya lang?


"Anong ibig sabihin mo sa aalis ka?" Seryoso ko siyang tinanong. Umupo siya sa sofa at huminga ng malalim bago sagutin ang tanong ko. He cant just give up the company.


"Ipapaubaya ko na sakanila ulit ni papa ang kumpanya. Hindi na ko maghahawak non. Kukunin ko ang shares ko sa kumpanya at mamumuhay ng sarili. Parang trabahador lang nila na matatanggal sa trabaho ganun lang yon" Humalukipkip siya sa sofa at tumingin sakin. Umupo ako sa tabi niya at hinarap siya.


"Ian pano na yung hirap mo at nainvest mo sa kumpanya niyo? Hindi ka ba nanghihinayang bitawan nalang basta basta ang kumpanya? I mean it still your choice pero wala na bang ibang paraan?" Sa totoo lang nanghihinayang ako.


Hindi biro ang ginawang trabaho ni Ian para palaguin at patakbuhin ang kumpanya nila. Laging top ang hotel nila sa kahit saang lugar. At to think na world wide pa ang hawak ni Ian sobra siguro siyang naiistess minsan. Alam kong ayaw niya talaga tanggapin ang alok ng mama niya pero ito lang ba ang paraan?


"Its my decision, Serah. God knows how much i love you. Ayokong ikasal kung hindi ikaw ang mapapangasawa ko. Marriage is a lifetime contract. Ayokong magsisi buong buhay ko." Lumapit siya sakin at siniil ako ng halik. Halik na punong puno ng pagmamahal.


Hindi ko alam bakit hindi ako pumipiglas. Mahal ko lang siguro talaga siya kaya gusto ko din siya halikan. This man, I love him. Hindi ko din kaya na makita siyang nasa altar kasama ng iba. Possesive? sige na possesive na pero totoong gusto ko akin lang siya.


Gusto ko ako lang ang hinahalikan niya, Gusto ko ako lang ang susunduin niya sa school, Gusto ko ako lang ang kakulitan niya, Basta gusto ko akin lang siya. Masyadong madami kung sasabihin ko pa isa isa pero ang importante sa lahat..Gusto ko ako lang ang mamahalin niya.


"I love you Serah. I rather lose everything than you" Bumitaw siya sa paghalik sakin at hinalikan ang noo ko.


Gusto ko ang halik niya pero mas nakakataba ng puso pag hinahalikan niya ko sa noo. Kiss in the forehead is full of love and respect. Dati sa lips ang tingin ko na full of love and respect pero sa panahon ngayon kahit magkaibigan kasi naghahalikan na sa labi.


"I love you too Ian." Mahinang sagot ko at niyakap niya ko.


"Ireregalo mo ba sakin yung pag sagot mo ng 'Oo'?" Bulong niya sakin. It sends shivers down to my spine. Grrr. Mahal ko din siya sobrang mahal.



"Oo" Yun lang ang nasagot ko at niyakap niya ulit ako ng napakahigpit. To the point na ang hirap na huminga. Tinapik ko siya at bumitaw naman siya.


"Sorry. Masyado lang akong natuwa. I love you so much Serah. Ipaglalaban kita. I promise i wont let you down" Ngumiti siya ng ngiti na ako lang ang nakakakita. Yung tunay niyang ngiti. Sakin niya lang pinapakita yan. Iba ang ngiti niya sa ibang tao iba din yung sakin.


"Hehe siguraduhin mo yang mga sinasabi mo. Aasa talaga ako!" Hinawakan niya ang kamay ko at nilapat sa dibdib niya.


Bigla ko nanaman naramdaman ang buong Manila zoo sa tiyan ko.Kung dati ay butterflies lang ang nararamdaman ko ngayon hindi na. Buong zoo na! Pati ang puso ko nagwawala na din at tila ba gustong basagin ang dibdib ko at kumawala. Ganon ang epekto ng isang Ian Martin sakin.


"Can you feel it?" Aniya at tumingin sakin ng nakangiti.


Unti unti kong narealize na ang bilis din ng tibok ng puso niya. Ganito ba ang nararamdaman niya lagi? Uminit ang pisngi ko sa realisasyong tumama sa utak ko. Parehas lang kami ng nararamdaman kaya niya pinadama sakin ang puso niya.


"Ian...Totoo bang mahal mo ko?" Iyon pa ang lumabas na tanong sa bibig ko.


"Oo. Sobra. Words can't describe how much i love you. Even actions isn't enough to show you my love" Naginit pa lalo ang pisngi ko sa pagngiti niya.


Hindi ako makapaniwala. Kami na? Mahal niya ko mahal ko siya at kami na! Wala nang atrasan to! Sorry Guia, Sorry Nadine pero mahal ko si Ian.



Magalit na kayo sakin awayin niyo na ko pero hindi ako bibitaw hanggat kaya ko. Hanggat hindi niya sinasabing may mahal na siyang iba hindi ako bibitaw. Mark my words. I know and God knows that Ian  is worth fighting for.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon