#26
____________________
Womanizer.
Dala dala ko ang phone ko papuntang over looking. 11pm na at malamig dito kaya halos wala na din nakatambay dito. Kanina may iilang nag pipicture taking dito pero ngayon magisa nalang ako. Naisipan kong itext si Guia at kamustahin ganun na din si Josh at Celine pero hindi sila sumasagot kaya ayun kadaldalan ko lang si Guia sa text.
Hindi padin matanggal sa isip ko kung anong ibig sabihin ni halimaw sa magandang mangyayari pag may makita akong maliit na papel. Sa totoo lang parang hindi ko nagugustuhan pag ganun. Ewan ko pero parang ang bigat sa pakiramdam pag nakikita kong ganon.
Ilang oras din ako nag tagal sa overlooking dahil sa hindi nakakapagod na view. Ang ganda dito. Niyakap ko ang sarili at nilalamig na ko. Hindi na din nagreply si Guia tulog na siguro.
Naisipan kong bumalik na sa suite para makapag pahinga na. Kahit tulog ako buong byahe nakakapagod pa din. Medyo masakit padin ang leeg ko pero umayos na din naman kahit papano.
Nasan kaya ang papa ni halimaw? Hindi ko na siya nakita ah. Speaking of halimaw wala pa siguro yon baka nasa club pa yon. Tumingin ako sa oras sa phone ko at mag 2am na din pala. Ang tagal ko pala don? Hindi ko napansin ang oras dahil sa mga iniisip ko.
Binuksan ko ang pintuan ng suite namin at patay ang mga ilaw. Pinatay niya siguro bago siya lumabas kanina. Napansin kong half open ang pintuan ng kwarto ni halimaw. Curiosity hit me kaya sumilip ako. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at dahil madilim wala akong makita.
"Ummmm.." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon. Shiz ano yon multo? Hindi ako pwede magkamali boses ng babae yon!
Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang mahanap ko ito ay pinindot ko kaagad. Nang laki ang mata ko sa nakita ko...
"Shit!" Aniya at nagtaklob ng kumot. Samantalang ang babae ay humiga naman sa tabi niya at nagkumot din. Shit ano to?!
"Who is she??!" Sigaw ng babae habang inaayos ang magulong buhok.
"What are you doing here Serah?! Get out!" Sigaw niya sakin. Get out? Di ko alam pero bakit ang bigat bigat sa dibdib na makita siyang may kasamang iba? Bumilis ang tibok ng puso ko at tumakbo palabas. Palabas ng suite.
Damn! Shit! Fuck! Mura ko habang papalayo at pabalik sa over looking na tinatambayan ko kanina. Womanizer! Bakit ba hindi ko naisip na iyon ang sinasabi niyang magandang mangyayari?! Ang slow ko noh?? Aish!
Teka bakit ba ko naiinis? Hindi ko naman siya boyfriend eh. Well boyfriend ko siya sa kontrata pero wala kaming feelings sa isat isa. No feelings attached! Kasali din sa rules ng kontrata na bawal ako ma in-love. Tama! Hindi dapat ako naaapektuhan sa mga ganung bagay.
"Nandito ka lang pala" Narinig ko ang boses niya. Alam ko naman na siya ko kaya hindi ko na siya tinignan at nagfocus nalang sa tanawin.
"Im sorry. Hindi ko sinasadyang masigawan ka" Aniya. Hindi ko alam bakit siya nagpapaliwanag pero salamat na din dahil kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
"Bumalik na tayo sa suite. Its getting late. Kaylangan mo na din magpahinga" Tumango nalang ako at naglakad pabalik ng suite ng hindi siya tinitignan o kinikibo. Ewan ko bakit pero ang bigat padin ng pakiramdam ko sakaniya.
"Serah" Papasok na sana ako ng kwarto ko nang tawagin niya ko. Tumigil ako pero hindi padin siya nililingon.
Naramdaman ko ang mainit niyang mga braso na pumulupot sakin habang nakatalikod ako sakaniya. Niyakap niya ko at mas bumigat ang nararamdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sakin ano ba tong nararamdaman sakin. Bakit ako na sasaktan?
"Im sorry" Mahinang sabi niya sakin. Unti unti kong tinanggal ang yakap niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero hindi na niya iyon pinansin.
Humarap ako sakaniya at huminga ng malalim. Ngumiti ako bago magsalita.
"Hindi mo na kaylangan mag sorry. Peke naman tong relasyon natin eh. Walang totoo dito. Wala rin nararamdaman. Kumbaga yung kontrata lang ang nagdudugtong satin. Kaya hindi mo na kaylangan sabihin ang mga gusto mong gawin." Tumingin lang ako sa ibang direksyon dahil hindi ako makatagal sa pagtitig niya ng seryoso sakin.
"Wala namang tayo. Kaya ok lang" Sabi ko pa ng hindi siya tinitignan. Pumasok na ko ng kwarto at nilock agad ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa ang bigat at ang bilis ng tibok. Ano ka ba naman puso. Wag mo naman ako patayin.
--------
Kinabukasan. Nagising nalang ako bigla. Ang sakit padin ng leeg ko x_x Nag inat ako at kinusot ang mata ko *Yawn!* Inaantok pa ko. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. Yung nakita ko ang babae na nakapatong sakaniya. May milagrong ginagawa.
Ngayon bumukas ang isip ko na womanizer siya. Magaganda ang mga babaeng napapansin kong nilalandi niya pero hindi pa din naman palusot na gwapo lang siya para patulan niya ng ganun.
*Knock knock knock!*
"Serah? Serah gising na!" Sigaw ng halimaw pagtapos dabugin ang pintuan ng kwarto.
"Gising na ko! maliligo lang ako!" Sigaw ko at agad na kong naghanap ng damit para makaligo na ko.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...