TGC#48

22.7K 389 12
                                    

#48

____________________

Muling pagkikita.






Months and years na kami hindi nagkita ni Ian matapos yon. Hindi na natuloy ang paglayo ko dahil nalaman kong si Ian na ang mismong lumayo. Sabi ni Celine nagpunta daw ang kuya niya sa ibang bansa ilang linggo matapos kami maghiwalay.


Umalis na ko ng tuluyan sa condo dahil ayoko nang dumitin sakaniya o sa pera niya. Ayoko sabihin ng mama niya na gold digger ako at syempre para matuloy tuloy na din ang pagiwas ko kay Ian.


Tinulungan ako ni Marc simula noong iniwan ko si Ian. Ayoko umasa nalang sakaniya kaya naisipan kong magtrabaho nalang. May kumpanya ang pamilya ni Marc malaki rin ito pero hindi tulad ng Martin group. Doon ako nagtatrabaho sa sariling clothing line ng ate niya. Assistant designer ako. Nagaaral ako ng Fashion design diba edi pagkakitaan ko na yung natututunan ko.


Dahil sa nakakaipon naman ako nagagawa kong mag aral, Magrent ng maliit na apartment, kumain, at mag bayad ng bills. But aside all that im alone. Critical na ang lagay ng lola ko at may taning na ang buhay niya. I was so depressed. Nasasaktan na ko sa nangyayari samin ni Ian nasasaktan pa ko sa lagay ng lola ko. Shes the only family i have.


"Serah" Mahinahong tawag sakin ni Leonora. Si Leonora yung ate ni Marc na boss ko.


"Yes?" Humarap ako sakaniya at nakita kong abot tenga ang ngiti niya.


"i got good news!" Pumalakpak pa siya sa tuwa bago ako niyakap.


"Whats the news?" Tanong ko.


"Well this coming fashion week kailangan ng mga fresh new designers at dahil i loved all your work sinali kita and they accept you Serah!" Nanlaki ang mata ko at laking saya ang nararamdaman ko. Nagtatalon kami ni Leonora sa tuwa.


OMG. Kahit wala sa isip ko ang pagsali sa fashion industry isa pa ding malaking opportunity ito. Napakasaya ko i cant believe ill be in the fashion week. Grabe ang mg designers na nandoon.



------

Pagtapos ng trabaho ko sa Margaux'  Nagpunta na ko sa sakayan para makauwi na. Biglang nag ring ang phone ko. Nakita kong si Marc ang tumatawag kaya sinagot ko ito agad.


"Hello Marc"

[Good evening Serah. Balita ko kay ate nakasali k daw sa fashion week?]

"Oo nakasali nga ako. Nagulat nga ako ehh di ko inisip na makakasali ako sa ganung kalaking event"

[Serah you're a great designer. Kaya nga naging designer ka din ni ate diba? Well...We have to celebrate.]

"Haha celebrate?"

[Hell yeah we have to celebrate! Asan ka ill pick you up]

"Ugh...Nandito pa ko sa labas ng building niyo naghihintay na sana ako ng masasakyan pauwi"

[Mamaya ka na umuwi. Lets have dinner ok? ]

"Well dahil kilala kita and youre a guy who doesnt know the word 'NO' may choice pa ba ako?'

[Haha! Silly girl. Good thing you know. Ill be there in 5 minutes]

"Ok ill wait"



And then he ended the call. Naging malapit si Marc sakin sa lahat ng gabing umiiyak ako nandyan siya para icomfort ako. Sa tuwing nahihirapan ako nandiyan siya para tumulong, Pag kaylangan ko siya agad siyang makakarating sa tabi ko. He's the perfect guy. Pero hindi ko siya magustuhan dahil alam ko sa sarili ko na si Ian pa din ang mahal ko.


Ilang minuto ang nakalipas nakita ko na ang sasakyan niya na pumarada sa harapan ko. Lumabas siya sa sasakyan niya at inabot ang isang boquet ng rosas. Napangiti naman ako dahil lagi siyang ganito ka sweet.


"Salamat" He kissed me on my forehead and it flashbacked all the time that Ian did that. Naalala ko nanaman si Ian. Pilit kong ngumiti kahit tila tutulo nanaman ang luha ko. I miss him so damn much.


Pinagbuksan ako ni Marc ng pinto sa passenger seat at maingat naman akong pumasok dito. Umikot siya at pumasok na din. Buong byahe namin nagkukwentuhan lang kami tungkol sa good news na natanggap ko. He said he is so proud of me. I thank him and Leonora kasi kung wala sila ewan ko nalang ano mangyayari sakin.


"Nandito na tayo, Lets go?" Tumango ako at nginitian siya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami pumasok sa restaurant.


Pagpasok namin sa isang magarang restaurant hinatid agad kami ng waiter sa isang lamesa at inabutan ng menu. Si Marc na ang nag order ng sakin dahil alam niya naman ang gusto ko. Ginala ko ang mga mata ko sa buong restaurant. Maganda dito at may iilang artista pang kumakain dito.


"Goodevening ma'am, sir" Napatingin naman ako sa pintuan kung saan may bumating waiter. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong papasok ngayon dito.


Sumikip ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa ibang direksyon at tumingin ulit doon. Akala ko namamalik mata lang ako pero totoo! Si....si Ian.


Si Ian nga. Ang laki ng pinagbago niya. Naka tux siya ngayon pero nakahubad na ang suit niya. Clean cut at mas matangkad na siya ngayon. Ganun pa din ang muka niya. Muka siyang greek god. Kahit long sleeves ang white polo niya kapansin pansin pa din ang makisig niyang pangangatawan.


Tinignan ko ang mga mata niya at para bang biglang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita kong malamig ang titig niya sakin. Malamig, Kasing lamig ng yelo. Walang ekpresyon at para bang hindi niya ko kilala. Nabigla naman ako sa babaeng biglang mulitaw galing sa likuran niya at kumapit sa braso niya. Nagtama din ang tingin namin. Nanlaki ng mata ko.


Naka red silk dress siya na medyo malalim ang neck line. Nakasuot sakaniya ang suit ni Ian. Mahaba at kulot ang buhok niya at malaki na din ang pinagbago. Muka na siyang elegante ngayon. Masayang masaya siya na nakakapit sa braso ni Ian. Tumingin siya kay Ian at hinanap kung saan nakatingin si Ian. Nagbago ang ekpresyon ng muka niya at nawala ang ngiti sa labi niya.


"Guia?"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon