#43
____________________
Ang desisyon."Anong sinabi sayo ni Mama? May ginawa ba si Nadine? Sinaktan ka ba nila?" Sunod sunod na tanong ni Ian sakin. Ayokong sabihin sakaniya.
Ayokong sabihin sakaniya yung sinabi ng mama niya. Alam ko na dapat malaman niya din pero kung mangyayari yon sigurado ako magkakaletche letche na sila ng mama niya.
Ayoko maging dahilan ng alitan nila ng Mama niya. Ni hindi pa nga ako girlfriend ni Ian eh ganito na agad ang idudulot ko? To think na wala na nga siyang oras para sa sarili niya dahil sakin tapos pati magulang niya ako pa magiging dahilan ng paglayo ng loob niya sakanila?
Sa mga buwan kasi na lumipas ultimo mga kaibigan niya wala na siyang mabigay na oras. Last month niyaya siya nila Luis na gumimik pero hindi siya sumama.
Bihira siya sumama lalo na pag hindi ako sumasama. Gusto niya kasi kung nasan siya nandoon ako. Kaya minsan di maiwasan na makita kong lapitan siya ng mga babae na magpapacute lang sakaniya. Which is annoying kasi buong campus na ang nakakaalam na kami ni Ian (Kahit hindi pa) pero pursigido pa din sila.
"Serah? Are you alright? You're spacing out again. Nagaalala na ako ano ba kasi ginawa nila sayo?" Nagaalalang tanong ni Ian. Sinipa niya pa ang gulong ng sasakyan niya at bumulong ng malulutong na mura.
"Wala. Iuwi mo na ko Ian" Mahinang sagot ko. Kaylangan ko tong pagisipan ng mabuti at hindi ngayon ang tamang oras para magbigay ng sagot. Ayoko magpadalos dalos.
---------
Frustrated pa din si Ian habang nasa byahe kami papunta sa condo. Tanong siya ng tanong pero wala akong maisagot.
Gusto niya pa sana pumasok sa condo pero pinigilan ko na siya. Kaylangan ko mapagisa. Kung kasama ko siya hindi ako makakapag isip ng maayos.
Pagalis niya agad akong pumasok ng kwarto ko. Anong gagawin ko ngayon? Kung makikinig ako sa mama ni Ian ako ang mahihirapan. mahal ko si Ian at hindi naman pwede na basta ko nalang sabihin na ayoko na.
Pag si Ian naman ang pinili ko mahirap din. Sigurado magtatalo sila ng mama niya at masyadong makapangyarian ang mama niya para kalabanin. Hindi na ito tungkol sa pera ehh. It a matter of life and death. Death dahil hindi ko ata kaya na mawala si Lola at ganun na din si Ian.
Pero ngayon alam ko na ang dapat kong unahin. Sakripisyo muna dahil kahit mahal ko si Ian mas kaylangan ko ang lola ko. She's my only family. At sigurado akong hindi niya ko iiwan samantalang si Ian any time he can leave me and i cant choose him over lola. Ang totoo takot ko magisa.
![](https://img.wattpad.com/cover/17833912-288-k445032.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...