#51
____________________
My girl.
"I hate seeing you like this. I miss the old you. Kahit tahimik totoong masaya. Hindi tulad ngayon fake na fake" Tumayo si Celine at may pinindot sa phone niya.
"Masaya naman ako ah? Akalain niyo yun kasali na nga ako sa fashion week" Sabi ko at tumawa. Inirapan lang ako ni Celine. She knows me too well ang hirap magsinungaling sakiya haha!
"Kasali ka pala ehh. Edi sayo nalang ako raramp." Ani Josh.
"Ay mag momodel ka ba sa fashion week?" Tanong ko kay Josh. Tumango naman siya at ngumiti.
"Lets go! Lets celebrate. Para naman sumaya ka" Hinila ako ni Celine papunta sa kwarto ko at dumiretso naman siya sa cabinet ko.
"San naman tayo pupunta? anong oras na kaya. Mag 9pm na oh" Tumingin ako sa wall clock at 8:30pm na.
"Dahil namimiss ko na yung ngiti mong totoo paparty tayo. Baka lumabas yan." Hinagis niya sakin ang peach fitted dress ko at black stilleto.
"Hala. Wala ba tayong pasok bukas? May trabaho pa ko bukas" Pagsisinungaling ko. Day off ko naman bukas eh.
"Fuck it Serah. Have fun sometimes! Peram ako nito ah" Aniya at kinuha ang black dress kong favorite niyang hiramin.
Hindi na ko nakatanggi sakaniya kaya ayun nagpalit na ko ng damit. Kinulot niya ang buhok ko at nilagyan ako ng konting make up. Sa mga lumipas na taon ay natuto na din ako gumimik syempre dahil kay Guia at Josh na din. Si Marc nakakasama namin minsan kaya lang kadalasan busy siya sa trabaho.
"Ayan! Pretty as always. Forget everything tonigh Serah. Just have fun and let go of the things that hurt you" Nginitian niya ako at niyakap. Salamat nalang at may mga kaibigan pa din akong tulad nila. Kahit magisa ako sa buhay nandiyan sila para sakin.
"Thank you." mahinang sabi ko kay Celine at ngumiti siya ulit. Lumabas na kami ng kwarto at tinignan naman kami ni Josh.
"let me guess...Party? haha!" Aniya at hinila nalang namin siya ni Celine papunta sa sasakyan niya.
------
"Shot! Shot! shot! woooo!!" Sigaw ni Celine habang sunod sunod na iniinom ni Josh ang shot ng tequila.
"Its your turn now Serah" Hinilera ni Celine ang limang shot ng tequila sa harap ko at ako naman nag ready na.
"One...two...three...GO!" Agad kong nilagok ang mga shots at mabilis ko itong naubos. Unti unti kong naramdaman ang init ng alak sa katawan ko. Humiyaw ulit si Celine at pumalakpak naman si Josh. Tumawa naman ako.
I missed this. Sobrang busy ko sa school at sa trabaho hindi na ko nakakapag good time. Habang sinisipsip ko ang lemon biglang tumindig ang balahibo ko.
Tumingin ako sa paligid at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit parang may nakatingin sakin. Wala naman. Nagkibit balikat nalang ako at pinanuod nalang ulit si Josh at Celine na nagtatalo.
"Tara na nga sayaw naman tayo!" Hinila ko nalang si Celine at baka mag away pa sila haha! Kahit di ko alam ano pinaguusapan nila alam ko magkakatampuhan nanaman sila pag nagpatuloy pa iyon.
Sumayaw kami ni Celine sa dance floor at medyo wild na ang mga tao. Ilang saglit pa ay sinamahan na kami ni Josh. Kinuha ko ang bote ng Tanduay Ice na inaalok ng waiter at ganun din sila Celie at Josh. Nilagok ko ulit ito at nagpatuloy sa pag sayaw.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...