TGC#16

30.4K 634 6
                                    

#16

____________________

Yakap.

Naalala ko naman ang sinabi ni Ian. Nanghihina at patuloy padin ang pagiyak ko habang tinitignan si lola na nahihirapan. Ayokong mawala si lola. Siya nalang ang meron ako.

Lumabas ako ng ospital at hinayaan muna si Guia na magbantay kay lola. I need air, Gusto ko ikalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang park. Madilim na at kokonti na lang ang tao. Kanina pa nag riring ang phone ko pero ngayon lang ako nagkaron ng lakas para sagutin.

[Serah nasan ka?] Tanong ng isang lalaki ang boses at hinihingal siya. Naririnig ko pa ang mga busina ng sasakyan sa background.

"Ewan ko.." Nang hihina kong sagot. Wala talaga akong lakas. Unti unting tumulo nanaman ang luha ko. Hindi ko na mapigilan.

[Nasan ka ba?! Shit! ] Ramdam ko ang frustration niya sa pagsigaw niya pero hindi parin ako natitinag. Rinig ko din ang ilang malulutong na mura niya at mukang tumatakbo siya. Hindi na ko makapag salita dahil sa paghagulgol ko. Pinutol niya na ang tawag kaya napayuko nalang ako at umiyak na ng tuluyan.

"SERAH!" Sigaw ng isang lalaki sa kung saan. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling yon at napatayo ako nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. Ewan ko bakit ganito nararamdaman ko pero gumaan ang loob ko sa yakap niya. Hindi ko man inaasahan na yayakapin niya ko at hahanapin niya ko pero masaya ako na nandito siya. Hindi parin tumitigil ang pag ragasa ng luha ko lalo na at niyakap niya ko.

"Cry all you want. Just promise me you'll be ok" Bulong niya sakin. Hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko.

Pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari sakin simula bata ako. Yung masaya kami ng mga magulang ko. Yung araw na nawala sila sakin. Ang sakit nung araw na yon. Anniversary nila at papunta kaming ariport para mag bakasyon sa ibang bansa. Masaya kami, Masaya kaming magkakasama.

Pero lahat ng saya ay may kapalit. Isang puting bus ang bumangga sa sasakyan namin. Nawalan na ko ng malay pagtapos non. Pag gising ko nalang nasa ospital na ko, sugatan at masakit ang katawan. Hinahanap ko sila mama at papa non. Nakikita ko pa ang pagkakapanic ng mga doktor at nurse sa paligid ko. Nasilip ko nalang ang kamay ng papa ko, duguan at wala na siyang malay.

Nagising nalang ako isang araw na wala na sila. Nasa ospital lang ako at walang kasama. Walang dumadalaw walang kausap walang karamay. Umiiyak nalang ako magisa hanggang sa sinabi ng doktor na wala na sila.

Nung araw ding yon. Nakilala ko si lola Jessy. Siya lang ang kumupkop sakin. Wala na kong iba pang pamilya dito dahil buong angkan namin ay nasa ibang bansa. Lumayo kami dahil sa ayaw nila sa mama ko. Ang pamilya namang ng mama ko ay ayaw din kay papa kaya humiwalay kami sakanila at namuhay ng kaming pamilya lang.  Simula ng araw na yon inalagaan ako ni lola hanggang sa dumaan ang ilang taon siya naman ang inalagaan ko.

Tinuring ko na siya bilang tunay kong lola. Siya nalang ang meron ako at ganun din siya. Kaya ngayon lubos nalang ang pagaalala ko at pananalangin ko na wag siyang mawala. Wala na kong kasama. Wala na kong pamilya.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin nang kumalma na ko. Hindi ko na nga alam kung gano kami katagal sa yakap na yon. Puno ng pagaalala ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan bakit siya nandito at ano ang kaylangan niya. Pero ang sarap ng may kadamay ngayon sa panahon na to kung kelan kaylangan na kaylangan ko.

Totoo pala yung sinasabi na kung sino pa yung hindi mo inaasahang aalalay sayo siya pa yung nandyan pag kaylangan mo.

"Pa-pasensya na." Pinunasan ko ang muka ko at yumuko. Nahihiya ako sakaniya.

"Serah, I need you. Help me. I'll help you all the way just help me" Despirado siya habang sinasabi ang mga salitang yon. Hindi ko inaakala na ang isang taong tulad niya na nakuha na ang lahat ng pwedeng makuha sa mundo ay kaylangan pa ng tulong ko.

Tama siya. I need him,  And im sure he needs me too. Inayos ko ang sarili ko at humarap sakaniya. Humugot ako ng lakas ng loob para makapag salita at tinignan ko siya ng seryoso.

"Pumapayag na ko Ian. Basta tulungan mo lang ang lola ko" 

-----

Kinabukasan hinatid na ng ambulansya si lola papunta sa Philippine Heart Center. Sabi niya sakin maging matatag ako dahil alam niyang yon ang gustong mangyari ng lola ko. Maging matapang ako. Pinilit kong tumahan at maging matatag. I'll let God do his plans on us.

"Serah ok ka lang ba?" Tanong ni sir Josh sakin habang kumakain ng lunch.

"Ok lang ako" Hilaw ko siyang nginitian. Hayy cheer up Serah! Mas lalong papasok ang negative vibes kung negative ka din.

"Nagaalala na ko sayo. May problema ba? Kamusta na nga pala ang lola mo?" Aniya at uminom ng tubig.

"Ok lang siya. Ayun nagpapagaling." Tumango lang siya at ngumiti.

Dumating si Celine sa studio kung saan may shooting para sa isang talk show si sir Josh. Ayun kahit papano may napagsabihan ako ng problema. Si Guia kasi nag quit na pala sa pagiging PA dahil sa oras ng pasok niya. Kaya ayun tuwing umaga nalang kami nakakapag usap.

"Cheer up! Lets just pray for your lola ok? Everything will be alright. Magaling sa ganung kaso ang ospital na yon and im sure gagaling din ang lola mo. Think positive!" Ngumiti pa siya at nahawa naman ako.

Tama! Think positive! Kaya ko to! Challenge lang to sa buhay at kaylangan kong maging matatag.Syempre para macheer up naman ako nakipag kwentuhan na lang ako kay Celine at Josh. Buti nalang at may mga kaibigan akong tulad nila.Yun bang nandyan  sa tabi mo pag kaylangan mo sila. Naalala ko naman si Ian. Nag flashback sa utak ko ang nangyari kagabi.

Napahawak ako sa balikat ko habang inaalala ang mainit at mahigpit niyang yakap. Hindi ko inaakalang hahanapin niya ko at yayakapin sa oras na yon. Malinaw na malinaw pa sa utak ko ang sinabi niya sakin.

"Cry all you want. Just promise me you'll be ok"


a/n: Picture po nila sa side <3 Kinikilig ako! Kinilig din ba kayo sa yakapan na naganap? Comment lang po! :)

Song used:  Breate me. by: Sia

Comment!

Vote!

Follow!

Guys paalala ko lang po na only followers can read my SPG chapters. Baka kasi ma report ako haha! :'( Click niyo nalang po yung External link para mapunta kayo sa page ko at mafollow niyo ko thanks guys <3

-SigridBayrante

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon