TGC#12

30K 648 8
                                    

#12

____________________

Be My Girlfriend. Thats the contract.

Pumasok ako ng elevator para pumunta sa office ni halimaw. Ano ba kasi kaylangan non sakin? Pinindot ko ang number 10. 10th floor daw kasi ang office niya sabi ni mam marie. Hindi din naman daw mahirap hanapin yon dahil yung office niya lang ang double doors sa floor na yon. Habang nasa elevator ako kinuha ko na ang phone ko at tinext si Guia.

To: Guia

Guia mauna ka na muna ah. May aasikasuhin pa ko eh. Ingat bukas nalang :)
-----

Hindi na siya nag reply kaya inilagay ko na ulit sa bag ko ang phone ko. Anong oras na pala kamusta na kaya si lola kumain na kaya yon? Hayy. Iniisip ko padin yung sinabi ng doktor. Kaylangan ko na maghanda ng 7000 para s test niya eh pano pa yung mga gamot na irereseta pag tapos ng test? Edi dagdag ulit yon. Kaylangan handa na ko sa kung anong gastusin ang dumating. Pang bad pa sa ospital. Hay ang hirap pag ako lang ang kumikilos pero kaya ko to dalawa lang naman kami ni lola eh.

Tiiiiinnngggg!!

Pagbukas palang ng pintuan ng elevator ay nakaramdam na ko ng kaba na para bang sasapi ako sa demonyo grr. Kung hindi ko lang talaga siya boss hindi ako pupunta dito eh. Habang naglalakad ako at hinahanap ang office niya pakonti ng pakonti ang mga tao dito naguuwian na siguro anong oras na din kasi. Nakita ko ang double doors na hinahanap ko sa dulo ng hallway. Napalunok ako at huminga ng malalim bago kumatok at pumasok.

Pagsilip ko ay maliwanag ang buong office. Malawak ito at mukang living room sa harapan at sa may dulo naman ay nandoon ang office. Mukang walang tao. Aalis nalang kaya ako? Tama umalis nalang ako tutal wala din naman siya dito eh.

At least nagpunta diba? Siya yung wala eh. Pagsarado ko ng pintuan dahan dahan akong humarap sa pinanggalingan ko at napatalon naman ang kaluluwa ko sa na kita ko.

"Late ka" Mariin niyang sabi sakin nang makaharap akosakaniya. naka suit padin siya at nakalagay sa bulsa ang mga kamay.

Hinaplos niya ang noo niya na para bang masakit ang ulo niya. Nakahinga naman ako ng malalim. Grabe nakakagukat siya hindi ko man lang napansin na nasa likod ko pala tong halimaw na to.

"Sumunod ka sakin may paguusapan tayo" Seryosong utos niya at nauna nang pumasok sa opisina niya. Malaki pa to sa bahay na inuupahan namin ni lola.

Tumayo lang ako sa gilid ng malaki at itim na sofa at siya naman ay may kinuhang brown envelope sa kanyang mesa. Halata sakaniya na pagod siya oh lagi lang siyang ganyan? Mukang sabog. Umupo siya sa sofa sa tapat ko at itinuro ang sofa sa tabi ko. Pinapaupo niya ko kaya umupo nalang ako. Ayoko na makipagtalo dahil pagod na din akosa trabaho.

"Kayo ba ni Josh?" Nagulat naman ako sa tanong niya napanganga nalang ako ng de oras.

"hi-hindi ah" Nauutal pa ko sa pagsagot dahil nagulat talaga ako. Pano niya iisipin yon eh kahapon nga lang ako nagsimula dito? Ano yon may feelings na agad ako? Imposible naman yung ganun.

"Good." Nilapag niya sa coffee table ang envelope. Ano kaya binabalak nito?

"Read that" Utos niya. Makautos noh? Kinuha ko ang envelope at binasa ang papel na nasa loob nito.

"Contract?? Pumirma na ko ng kontrata ko ah" Anong kontrata naman to? Doble dobleng kontrata ganon?

"Read it. Hindi yung react ka ng react" Tinuon niya ulit ang pansin sa phone niya habang nasa harap ko. Naka dekwatro pa siyang nakaupo.

Ngayon ko lang siya natignan ng ganito kalapit. Hindi ko maiwasan mapatitig sa seryoso niyang muka. Kahit na magulo ang buhok niya ngayon ay bagay padin sakaniya. Medyo singkit at matalas ang mga mata niya. Hugis palang ng muka niya ang gwapo na. Ang ilong niyang perpekto ang tangos, Ang labi niyang hindi makapal hindi din naman manipis, Natural pa ang pagkapula nito, Maputi siya pero hindi sobrang puti at ang katawan niyang makisig, sa tingin ko ay maganda ang hubog ng muscles niya. Damn. He's burning hot.

"Hey. Sabi ko magbasa ka hindi ko sinabi na titigan mo ko" Kumunot naman ang noo ko sa pagsusungit niya. Binabawi ko na lahat! Panget siya panget talaga.

Inirapan ko nalang siya at nag focus sa papel na hawak ko. Ayoko na magsalita at baka masisante pa ko dito. Binasa kong mabuti ang Rules na nakalagay dito. Anong Rules naman to?

1. You cant tell anyone about this contract.

2. No fighting in public. Stay simple and no drama.

3. You can have your time but once Ian needed you, You have to be with him right away (No Excuses)

4. Dress, Talk, Walk, and Act elegant with Ian.

5. Dont be such an arse. (ass)

6. Your pay will be monthly.

7. No advance payment.

8. You cant reject this contract.

9. If any of this rules break, Its up to Ian what he will do to you.

10. You cant fall in love.

Approved by: Francis Chapman. (Lawyer)

--------

What the efff?! Ano to?? Anong klaseng kontrata ba to bakit puro personal ata ang mga rules dito? at anong you cant fall in love? napatingin ako kay sungit at nakatingin lang siya sakin at naghihintay na matapos ako.

"Anong klaseng kontrata to? at bakit nakalagay dito na bawal kong tanggihan to?" Naiirita kong tanong sakaniya. Tumitindig ang balahibo ko sa tono ng pagsasalita ko alam kong boss ko siya at kaylangan magingat sa mga sasabihin ko.


"Be my Girlfriend. Thats the contract"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon