#29
____________________
Pamilyar.
"Grabe! Ano bang trabaho mo at biglang yaman ka?? May condo ka na may ATM at sa Danford University ka pa magaaral!" Talak ni Guia habang hinihintay namin si Celine at Josh.
Bibili kasi kami ng damit ni Celine para pang pasok. Ayoko sana bumili ehh magkano lang naman nakuha ko sa huling pay check ko sa Stylenanda. Ayoko naman gamitin yung ATM nahihiya ako.
"Secret haha! Hindi naman mataas ang sweldo eh magaling lang talaga ako mag ipon haha!" Ayoko sabihin kay Guia na kami ni Ian. Kahit naman kontrata yon ayoko pa din ipagkalat.
"Serah!" Sigaw ni Celine sa malayo. Nagulantang naman si Guia. Niyugyog pa ko habang papalapit si Celine.
"Serah! Diba yan yung kapatid ni Ian? Celine pangalan niya di ba??" Nginitian ko nalang siya. Ang kulit talaga pag sa pamilya ng Martin fan girl talaga siya.
"Hi. Ano pangalan mo?" Tanong ni Celine kay Guia. Naglahad siya ng kamay at nginitian si Guia. Na Startruck naman ata tong si Guia napanganga nalang kaya siniko ko na haha!
"Gi..Guia. Grabe ikaw ba si Celine Martin?" Medyo natawa naman kami ni Celine sa reaksyon ni Guia.
"Ako nga. Friends na din tayo ah? Kaibigan ni Serah kaibigan ko na din" Mahinhin na sabi pa ni Celine kaya ngiting ngiti si Guia.
"Celine, Si Josh pala? Hindi ba sasama?" Tanong ko. Napansin kong wala si Josh eh. Ang sabi ni Celine isasama niya.
"Nasa parking lot naghanap lang ng parking pinauna na ko." Aniya.
Naglakad lakad muna kami at nagtingin tingin sa department store. Kung ano anong damit naman pinapasukat sakin ni Celine kaya eto ako ngayon nasa fitting room xD
"Gah! Ang hirap mag hanap ng parking. Nagtagalan pa ko kasi may mga nagpapicture." Narinig ko ang boses ni Josh sa labas. Sana naman mabalik na kami sa dati yung casual lang kami na magkaibigan.
"Pano kasi wala kang disguise. Kahit man lang sana shades nagsuot ka." Sermon pa ni Celine kay Josh. Lumabas na ko ng fitting room para napakita kay Celine ang pinasukat niya at nanlaki naman ang mga mata nila.
"Bakit? Panget ba-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay napahiyaw na si Celine at Guia.
"OH MY GOD! Bagay! Ang ganda mo Serah! Ang sexy mo talaga!" Hiyaw pa ni Celine habang si Guia naman ay nakathumbs up.
"Tama sila, bagay nga sayo." Sabi naman ni Josh. Yung ngiti niya dati nagbalik na! I miss this Josh. I missed him.
"Bilihin mo na yan" Talak pa ni Celine at pumasok na ko ulit sa fitting room para magpalit.
------
Buong araw na yon bonding lang namin apat. Madali naman naging close si Guia at Celine parang ako lang dati. Madali lang kasi kaibiganin si Celine hindi kasi siya mapili tsaka madami kaming common na hilig at ayaw ni Celine. Kaya din siguro madali ko siya nakaclose.
Kami naman ni Josh? Ayun balik sa dati. Friends. Nagsorry siya sa nangyari dati. Inamin niyang nagkagusto siya sakin noon. Paghanga lang nothing deep. Buti naman at maayos na lahat samin ngayon.
Nagamit ko din yung ATM x.x si Celine kasi ehh siya humawak nung ATM ko kaya ayun swipe siya ng swipe. Magpapaliwanag nalang ako kay Ian.
Speaking of Ian wala siyang text maghapon. Sobrang busy siguro.
"Serah sa susunod ulit ah" Sabi pa ni Josh. Ako kasi ang hinatid nila dito sa condo si Guia kasi may pasok pa kaya nauna na siya samin.
"Suotin mo yang mga damit sa monday ah! Kita kits sa campus!" Sigaw pa ni Celine. Nagpaalam na sila at umalis na.
Tumigil ako para hintayin ang pagbukas ng elevator. Busy kaya yung halimaw na yon? Nakakapag taka kasi ngayon araw lang siya hindi nagparamdam. Di bale na nga magpaparamdam naman yon pag may oras siya. Tsaka sino ba naman ako para paglaanan niya ng oras eh hindi naman Totoong kami.
"Miss nahulog mo" Napatingin ako sa gilid ko. May isang lalaki na nakangiti sakin.
"Nahulog mo yung Keychain mo." Aniya at nilahad sakin ang keychain kong hello kitty.
"Salamat." kinuha ko ang keychain sa kamay niya at pumasok na sa elevator. Ganun din siya. Taga dito din siguro.
"Anong floor ka?" Tanong niya. Oo nga pala nakalimutan ko pumindot x.x
"11th floor" Simpleng sagot ko.
"Parehas pala tayo" Pinindot niya ang 11 at sumarado na ang elevator. Anong oras na din kaya wala masyadong tao dito. Kaming dalawa lang ngayon dito.
"Im Marc." Naglahad siya ng kamay at ngumiti. Lumitaw naman ang dimple niya sa kanang pisngi. Ang ganda ng ngiti niya.
"Serah" Sagot ko at tinanggap ang kamay niya.
"Ikaw siguro yung bago. Bago din ako dito" Kung titignan muka siyang siga pero ang bait niya naman pala.
"Bago din ako. Kakalipat ko lang last week" Tumango lang siya at ngumiti. Pagbukas ng elevator nauna ako sakaniya lumabas. Nagulat naman ako nang makita kong magkatapat lang kami ng pinto.
"Haha! Jan ka pala. Well nice meeting you Serah" Aniya at binuksan ang pinto niya.
"Nice meeting you too Marc" Ngumiti lang ako at pumasok na.
Bakit parang nakita ko na siya dati. Pamilyar sakin yung muka niya..
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...