#28
____________________
Hinahanap hanap kita.
Nagpunta kami sa isang magandang lugar kung saan hindi kalayuan sa pinanggalingan namin. Malawak at maganda ang tanawi. Malaki ang lupang nabili nila. Malapit din ito sa plantation ng pinya kung saan kinagulat ko na sila din ang may ari.
Noong araw din yon kami umuwi at bumalik ng manila. Buong byahe gising ako kaya nalaman ko na hindi naman sobrang layo ang Cavite sa Maynila. Tsaka sa walang tigil na pagtatalo namin sa mga bagay bagay kaya di rin ako nakatulog.
Ilang araw ang lumipas magpapasukan na sana ng nilipat kami ni halimaw sa ibang unibersidad. Buti nalang at kasama si Celine sa paglipat ko. Ewan ko kung bakit biglaan niya nalang naisipan na ilipat kami kung kelan ilang araw nalang ay pasukan na.
Tinatanong ko sila ni Celine bakit pero wala siyang sagot. Ramdam ko na may tinatago silang magkapatid pero sino ba naman ako para manghimasok diba?
"Pero...Sabi naman ni Josh ok lang naman daw siya" Nagising nalang ako sa malalim na pagiisip ko nang narinig ko ang huling pangungusap ni Celine.
"Simula non hindi na niya ko pinansin. Kaya akala ko galit siya." Simula nung nangyari sa bar hanggang ngiti nalang si Josh sakin sa malayo. Ni hindi niya ko nilalapitan na para bang fan lang ako sakaniya. Parang walang pagkakaibigan na namuo samin nung nagtatrabaho ako bilang PA niya.
Narealize ko na kaibigan lang pala talaga ang nararamdaman ko sakaniya. Nagustuhan ko lang siya non dahil gwapo at mabait siya pero paghanga lang yon hindi yung talagang gusto ko siya.
"Hayy. enough of Josh. Well nakakainggit na yung mga may pasok na ahh. Samantalang tayo next week pa. Nakakabored din pala yung sobrang tagal ng bakasyon noh?" Tumango nalang ako. Nakatulala lang ako sa tanawin ng syudad. Nandito kasi kami ni Celine sa condo na kinuha ni halimaw para sakin.
"Papasok din ba si Ian sa monday?" Tanong ko sakaniya. Sa totoo lang...Huling pagkikita na namin yung nasa Cavite kami.
Syempre balik trabaho siya pagbalik namin dito kaya busy na ulit siya. Hindi na kami nagkita pero minsan nagtetext siya. Hindi din naman umaabot sa tatlong text sa isang araw ang text niya kaya wala din. Ewan ko ba bakit pero hinahanap hanap ko siya. Hinahanap hanap ko yung pagsusungit niya, Yung pangaasar niya sakin at yung pakiramdam ko pag magkasama kami. Nung una hindi ko nagugustuhan ang prisensya niya pero ngayon nakakamiss din pala.
"Oo papasok din siya. Ayaw niya mag home school eh. Gusto niya din daw makawala sa opisina" Sagot ni Celine sakin at nilantakan nanaman ang potato chips na hawak niya.
"Namimiss mo si kuya noh?" Pabiro niya pa kong tinulak at tumawa. Naramdaman ko naman na agad pumula ang pisngi ko. Alam niya nga pala na kami ng kuya niya.
"Syempre namimiss ko din siya" Sagot ko. Acting lang yon. Para hindi magduda sa relasyon namin ng kuya niya (Na nakabase lang sa kontrata).
Acting nga ba? Shit naman Serah hindi pwede yan!.
"Alam mo ba. Hinahanap hanap ka din ni kuya." Aniya. Napatingin naman ako sakaniya. Totoo? Aish! No Serah! Tumahimik nalang ako at hinintay ang susunod pang sasabihin niya.
"Kasi lagi ka niya tinatanong sakin pag umuuwi siya. Nagtataka nga ako ehh hindi ba kayo nagtetext or call bakit tinatanong pa sakin" Ngumisi siya at para bang kinikilig. Totoo kaya yon?
Imposible! Yung taong tulad ni Ian? Baka kasama yun sa acting niya para hindi maghinala si Celine. Alam niyang close kami ni Celine kaya niya siguro ginagawa iyon. Tama. Its all part of the plan.
Ngumisi nalang ako kay Celine na para bang natutuwa ako sa sinabi niya. Kung sana'y totoo nalang yon hindi pekeng ngiti ang mabibigay ko kay Celine.
Kriiiinnngggg! Kkkrrriiinnngg!!
Nagpanic naman agad si Celine nang marinig ang phone niya. Agad niya naman itong sinagot.
"Hello?...Oh kuya...Oo...Oo magkasama kami.." Tumingin siya sakin at sinenyas na si Ian ang kausap niya. Ngumiti nalang ako.
"Oo kumain na kami...sige uuwi na ko....Ok...Ok kuya..Bye" Bumuntong hininga si Celine pagtapos patayin ang tawag.
"Kaylangan ko na daw umuwi at hinahanap na ko ni mama..Sige Serah. Kita kits nalang later" Tumayo ako at hinatid siya sa elevator.
Nakipag beso beso pa siya bago pumasok sa elevator.
"Wag ka na nga malungkot jan! Mahal ka ni kuya!" Sabi niya bago magsarado ang pinto ng elevator.
Bumilis ang pintig ng puso ko. Ayoko mag assume. Hindi ko din naman alam ang nararamdaman ko eh. Hindi naman pwede na sa.loob ng isang buwan madevelop na ko agad sakaniya. Basta ngayon ang sigurado ko lang na nararamdaman...
Hinahanap hanap ko siya. Gusto ko siya makita..
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...