#54
____________________
Let me be your rebound.
Isang linggo na din ang lumipas sinubsob ko ang sarili ko sa ibang bagay. Ayoko na magisip ng mga nakakaistress sakin baka makaapekto pa to sa ginagawa ko.Dahil kaylangan ng 10 piece ng designs ko para sa fashion week naging sobrang busy ako. Sabay sabay yung school, trabaho, at pagdedesign.
Malaking tulong naman sakin na pinahiram ni Leonora ang studio niya para magawa ko yung mga designs. Hindi niya din naman daw nagagamit yung studio niya kaya pinahiram muna sakin.
Hindi na kasi siya hands on sa mga designs niya. Pag sobrang importante nalang tsaka niya hinahands on. Eh ako syempre fashion week to kaylangan ihands on ko lahat ng designs ko. 5 na panlalaki more on suits 5 din na pambabae dresses and gowns naman.
Knock knock!
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko naman si Marc na may dalang starbucks na paper bag. Hinalikan niya ko sa pisngi at umupo sa upuan sa tabi ko.
"Mukang busy ka diyan ah?" Aniya at nilagay sa lamesa ang dalang pagkain.
"Oo nga eh. Kaylangan ko pa gawin yung dalawa pang gown. Tapos na ko sa mga suits at ibang dress yung dalawang gown nalang" Hindi ko na siya natignan dahil busy ako sa pag lalagay ng iba panh detalye sa dress na inaayos ko.
"Take a break for a minute Serah. You look tired. Tsaka anong oras mo ba balak umuwi? Its 9pm already" Pumunta siya sa harap ko at kinuha ang hawak hawak ko. Napangiti nalang ako dahil hindi ako nananalo pag pinapagpahinga niya ko.
Pinaupo niya ko sa tabi niya at sabay kami kumain ng dala niya. Anim pala yung suit na ginawa ko ganun na din sa gown dahil si Leonora at si Marc sakin nagpagawa ng susuotin nila para sa event ng fashion week. Inuna ko yung sakanila and they loved it.
Nagtawanan at nag kwentuhan kami ni Marc. Hindi na kami nagkikita sa school kasi syempre graduate na siya. Lagi pa siya nasa trabaho. Nagaaral pa daw ulit siya pero parang online na yung pagaaral niya kasi busy nga siya sa trabaho hindi niya kaya pagsabayin.
"Balita ko madaming matataas na personalidad sa business industry ang dadalo sa after party ng fashion week. Sila din ang bibili ng mga designs mo maliban sa mga artista at mayayaman" Kwento niya pa sakin sabay higop sa kape niya.
"Kinakabahan nga ako eh. I feel like theres something missing. Pakiramdam ko may kulang sa mga designs ko" Tumingin ako sa mga designs ko na nakasuot sa mga maniquin. Parang may kulang talaga.
"Inspiration. Yun ang kulang. You made such beautiful designs pero walang inspiration. Kaya parang walang buhay kasi wala kang isang bagay na pinagbibigyan ng dahilan kunh bakit mo nagawa ang lahat ng yan" Nginitian niya lang ako at tumingin ulit sa mga gawa ko.
"May inspirasyon naman ako ah? Si lola siya ang inspirasyon ko" Sagot ko kay Marc. Umiling lang siya at ngumiti ulit.
"Lola mo nga ba iniisip mo habang ginagaw mo lahat ng yan?" Then it hit me. Sino nga ba iniisip ko. Lumitaw sa utak ko lahat ng imahe ni Ian.
Tama si Ian ang iniisip ko habang ginagawa ko lahat ng yan. The way he looked at me the first time we saw each other at Stylenanda, the way he smiled at me, Lahat na ata naaalala ko. Pero i tried to avoid all the pain in my memory of him.
I wanna remember him as a good dream not a nightmare. I realized that theres nothing i can do to bring back the relationship we had. I love him and until now i cant deny my feelings towards him. I know he loves me too. The way act at the restaurant and the bar, knowing Ian he's not the kind of guy who do that stuff to someone whos not important to him.
"Serah. Bakit mahal mo si Ian?" Bagila ako sa tanong ni Marc sakin. I didnt expect him to ask that.
"Ewan ko. Kahit masakit na kahit wala nang pagasa hindi ko pa din mabago yung nararamdaman ko. Im trying to move on but its not that easy" Mahinang sagot ko sakaniya.
"Serah i know this isnt the right time to tell you this but i just cant stop thinking about it." Tumingin ako sakaniya at seryoso siyang nakatingin sakin.
"Serah after all this years naging duwag ako. Natakot akong masira yung samahan natin kaya pinili kong itago pero ngayon na nasasaktan ka gusto ko matulungan kita maalis yung sakit pero hindi ko alam pano. " Yumuko siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Napalunok naman ako. Tahimik lang ako na naghihintay sa mga sasabihin niya.
"Serah i love you. Please let me be your rebound. Kahit rebound lang Serah. I wanna help you get through your pain. Kung pagiging rebound ko ay makakatulong para makalimutan mo si Ian willing ako." Nanlaki ang mata ko sa rebelasyong narinig ko sakaniya.
Sobrang tagal ko nang kasama si Marc at i know he's giving signs that he likes me pero sa tagal ng panahon kahit hindi ko napapansin ang tunay pagmamahal niya sakin nasa tabi ko pa din siya. Ngayon niya lang sinabi sakin to at sobrang nasasaktan ako kasi ayoko siyang masaktan at umasa.
Wala akong alam kung kelan ko pa makakalimutan si Ian. Tatlong taon na nga ang lumipas at halos mag aapat na taon na pero mahal ko pa din si Ian. Pano naman si Marc kung tatanggapin ko siya? Aasa lang siya masasaktan lang siya.
Ayokong maramdaman yon. Alam ko pakiramdam ng umasa at nasaktan. Ayokong maramdaman niya yon. Importante si Marc sakin dahil parte na din siya ng buhay ko. Hindi ko alam isasagot ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Novela Juvenil[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...