TGC#69

26.6K 492 9
                                    

#69

____________________

Gusto ko pong pakasalan ang apo niyo.

Lumabas na ako ng bahay at ganun din ang ginawa nila. Tahimik lang sila at hindi nagpapansinan. Matangkad si Kris pero mas matangkad ng konti si Ian. Parehas silang naka pang opisina at tamang tama lang sa dinner namin ngayon.

"Bakit naman ayan ang sinuot mo? You know how much i hate to see you wear something like that. Para ka nang si Celine napaka bad influence talaga ng babaeng yon" Iritado ang muka niya at napasinghap naman si Kris.

"Dont be so possesive. Hindi mo naman siya asawa." Pangaasar pa ni Kris kay Ian.

"Who are you para pakielaman kami?" Pagsusungit naman ni Ian.

"Tama na nga yan ano ba kayong dalawa. Tara na at anong oras na baka nandon na sila" Pumagitna na ko sakanila kasi sa paunti unti nilang paglapit sa isat isa parang konti nalang magsusuntukan na sila. Geez.Men.

"Sorry" Bulong ni Ian. Tumingin lang sa ibang direksyon si Kris at tinuon ang pansin niya sa phone niya. Bumuntong hininga nalang ako at nginitian si Ian.

"Lets go Serah. Nasa labas na yung sasakyan." Mahinahong sabi ni Kris. Bumalik nanaman ang pagkainis sa mga mata ni Ian at tinignan niya si Kris.

"Sakin siya sasabay. Im her boyfriend" Aniya at ginapang ang isang kamay sa baywang ko.

"Im her cousin." Sasagot pa sana si Ian pero hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan siya.

"Kay Kris na ko sasabay. Sinabi niya kasi kila lolo na kasabay niya ko." Hindi nagsasalita si Ian at nakatingin lang siya sakin. Alam kong dissapointed siya na pinili ko si Kris kesa sa kaniya pero sana maintindihan niya din na first time kong makikita ang lolo at lola ko at kaylangan kong maging maayos. Ayoko naman na pasaway agad ang first impression nila sakin.

"Ok. Sabihin mo sakin pag may ginawang masama sayo yang lalaking yan" Hinalikan niya ang noo ko at binigyan ako ng maliit na ngiti.

Sumunod na ako kay Kris at sumakay na sa sasakyan niya. Sinabi niya naman sa driver ang restaurant na pupuntahan namin. Buong byahe papunta sa restaurant ay nasa likuran lang ng sasakyan namin ang sasakyan ni Ian. Pag may sumisingit nga ay agad siyang nagoover take.

"Boyfriend mo ba yon?" Tanong ni Kris sakin na bumasag ng katahimikan.

"Oo" Simpleng sagot ko. Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. Grabe ito talaga epekto pag gilfriend ni Ian?

"Ian Martin right? Ipapakilala mo na ba siya kila lolo?" Tanong niya pa ulit.

"Oo sana eh." Tumango lang si Kris at seryoso ang muka. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating din kami sa isang restaurant na mukang mamahalin.

Bumaba na si Kris at ako naman ay pinagbuksan ng pintuan ng driver. Nagpasalamat naman ako at tumingin sa paligid. Nasan na si Ian? Kanina lang nasa likod lang namin siya ah? Kinuha ko agad ang phone ko at tinext siya. Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba.

 

To: Ian

        Nasan ka na? nandito na kami. May dinaanan ka ba?
--------

"San na napunta yung boyfriend mo?" tumingin muli ako sa drive way pero wala pa din si Ian. Mas lalo tuloy akong kinaban. Huminga ako ng malalim bago kami pumasok sa restaurant.

Sa loob ng restaurant may mga sikat na artista, politicians, at sikat na businessman ang kumakain dito. Mukang sikat ang mamahalin nga ang restaurant na ito. Kumbaga 5 star restaurant siya kung titignan.


"We're here" Bulong ni Kris sakin. Doon ko lang napansin kung saan kami papunta.


Tumigil kami sa isang table kung saan may nakaupong dalawang eleganteng matanda. Parehas silang mukang nasa 50s na. Tumayo silang dalawa at nag mano naman si Kris. Diretso ang tingin nila sakin kaya lumapit na din ako para magmano.


"Lolo, Lola, This is Serah." Pakilala ni Kris sakin. Nagluha ang mga mata ng lola at ngumiti sakin.


"Serah apo, Its me your lola Sabrina" Malambing at masarap pakinggan ang boses niya. Agad ko siyang yinakap. Hindi ko na napigilan lalo na't nakikita ko ang papa ko sakaniya.


Tumingin si lolo Frederico samin at yinakap din ako. Warm and full of joy. Yan ang nararamdaman n puso ko ngayon. For so long wala akong pamilya sa tabi ko pero ngayon nandito na sila. Nandito na sila sa harap ko at tinatanggap ako.


"Sit down sit down. We missed you so much apo. Look at you. Youre a grown woman" Sabi pa ng lola ko.Ngumiti ako sakaniya at natahimik. Nahihiya ako hindi ko alam kung ano sasabihin ko.



"Mr. Ian Martin? What are you doing here?" Mahinahon at nakangiti si lolo ng sabihin niya iyon. Tumingin ako sa likuran koat doon nakita ko si Ian na may dalang isang bouqet ng rosas.


"Goodevening Sir Frederico. Im sorry to bother your dinner but im here for Serah" Tumingin siya sakin at ngumiti ganun din ang ginawa ko at tinanggap ang rosas na binigay niya.


"Is that so? Come and join us hijo" Umupo si Ian sa tabi ko at nakipag kamay sa lolo at lola ko.


"May importante silang sasabihin sainyo Lo" Singit pa ni Kris sabay inom ng wine.


"Oh. Is it about the project next year?" Tanong ng lola ko kay Ian pero umiling si Ian at hinawakan ang kamay ko.


"Gusto ko pong pakasalan ang apo niyo" Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Is this true? :o

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon