#25
____________________
Maliit na papel
Pinaghahampas ko siya sa inis ko. Baka ano isipin ng mama niya! Loko loko ba siya? For God's sake 21 lang siya at 18 ako! Ang babata pa namin para magka anak! Ni hindi nga kami tunay na magkarelasyon eh.
"Hey stop! Mababangga tayo" Suway niya sakin habang nakangisi. Humalukipkip nalang ako at hindi na siya pinansin. Bahala siya jan. Basta ako magpapahinga. Bakit kasi sinama pa ko dito ehh pwede naman na sa bahay nalang ako.
"Malayo pa ba tayo?' Tanong ko sakaniya habang nakatuon ang pansin ko sa tanawin sa labas. Mukang nasa express way na kami. Hindi pa ko nakakapunta ng Cavite hindi ko nga alam san yon eh.
"Malayo layo pa. Magpahinga ka nalang muna para naman hindi ka magingay jan" Inirapan ko nalang siya. Hmp! Kainis talaga siya. Matutulog ako! Bahala siya jan.
Buong byahe ata ay tulog ako. Madali akong nakatulog kasi maaga din akong nagising kaninang umaga. Nagising nalang ako nang papalubog na ang araw. Tumingin ako sa labas at nakita ko na magpapark na tong si halimaw sa tapat ng isang napaka gandang hotel and resort.
Kinusot ko ang mata ko at humikab. Ang haba ata ng tulog ko. Aww! Ang sakit ng leeg ko x_x Mali ata ako ng higa. Hinilot ko ang leeg ko at napapapikit nalang ako sa sakit. Grr! Nakakainis naman magkaka stifneck pa ata ako.
"Dito na tayo. Ayusin mo na sarili mo may muta ka pa." Mapang asar na sabi ni halinaw. Agad naman akong tumalikod sakaniya at pinunasan ang muka ko. Wala naman muta ah? Bwiset talaga. Mang asar pa noh?
"Bilisan mo para makapag check in na tayo. Aniya. Inirapan ko nalang at tinanggal ang pagkakapony sa buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang kamay ko para maayos ulit. Bumaba na si halimaw at sumunod naman ako. Napaka gentleman noh? Matatawag bang boyfriend yan?
"Goodevening sir, Welcome to Villa Terrence." bati ng receptionist o kung anong tawag ng nasa front desk.
Nginitian naman siya ni halimaw gamit ang mapanlandi niyang ngiti. Psh? yung totoo? ang flirt niya diba? Nagpacute naman yung babae sa harap niya. Hindi ko na makita ang pinag gagawa ni halimaw kasi nakatalikod siya sakin ako naman nakatingin lang sa paligid. Paki bilis naman yung landian moment niyo.
*Grooowwwllll*
Napahawak ako sa tiyan ko. Damn anong oras na pala hindi pa ko kumakain ng hapunan. Hindi pa kami nakakakain ng hapunan errr. Gutom na ko :'(
Ang tagal naman kasi eh! Napatingin ulit ako kay halimaw na nakikipag tawanan na sa babaeng nasa front desk. Nakakainis? Kaya pala nag mamadali kanina kasi lalandi na siya hayy. Naalala ko bigla..Kasama pala namin ang papa niya diba? So asan yung papa niya? Sa ibang sasakyan?
"Kain muna tayo. Ginugutom na ko. Ipapaakyat ko nalang yung mga bag natin mamaya" Aniya at nilagpasan na ko papunta sa kung saan.
Napansin kong may hawak nanaman siyang isang maliit na papel. Nasilip kong number iyon. Number siguro ng babae kanina yon. Womanizer! Habang naglalakad siya at nakahiwalay sakin bigla kong naramdaman ang pag sikip ng dibdib ko. Ang sakit bakit ganito. Aish! Inhale Exhale! Haaa!! Ok na ko.
Pagdating naman namin sa restaurant dito padin sa loob ng hotel and resort na ito agad kaming umupo sa isang table na tinuro ng isang waitress. Binigyan niya kami ng menu. Nang iabot niya ang menu kay halimaw pasimpleng hinaplos ni halimaw ang kamay ng babae. Namula naman ang pisngi ng babae at ngumisi na parang kinikilig. Si halimaw naman ay nakangising mapang akit nanaman.
Hindi ko alam na ganito pala siya. Para nalang akong nabingi at nag slowmotion ang paligid habang nakatitig ako sakaniya na kinakausap ang waitress. Naririnig ko ang usapan nila pero hindi ko maintindihan.
Napansin kong para na kong OP dito kaya mas magandang manahimik nalang ako. Hindi ko din naman sila dapat pakielaman. Pekeng girlfriend lang naman ako dito ehh. Napatingin ako sa maliit na papel na inabot ng babae kay halimaw.
Whats up with that little piece of paper? Kinuha naman ni halimaw ang papel at hinalikan pa niya ang kamay ng babae bago ito umalis. Sa tuwing nakakakita ko ang maliit na binibigay sakaniya tulad niyan ay para bang sumisikip at bumibigat ang dibdib ko. Para bang may nakabara sa lalamunan ko na hindi ko matanggal.
Hindi ko alam bakit ganun. Siguro naiinis lang ako sa ugali niyang yan. Harap harapan ko talaga at lantaran siya kung lumandi ng babae. Well madali lang sakaniya gawin yon. Sa itsura niyang yan? Yung panga niyang perpektong tila inukit ng isang diyos, Buhok niyang medyo mahaba at kahit magulo ay bagay padin sakaniya. Yung mata niyang malalim at medyo singkit, ilong na perpekto ang pagtangos. Labing sakto ang hugis, mapula at malambot na ang sarap nalang halikan....Teka ano?? bura bura bura! Panget siya panget! Flirt grabe flirt talaga.
"Bakit ka nakasimangot jan? Tititig ka nalang sa muka ko nakasimangot ka pa? Kanina ang ganda ng ngisi mo ngayon sumimangot ka na" Aniya at ngumisi. Yung ngisi niyang yan...Gustong gusto ko yan.
"Narealize ko kasi na sa muka mo ako nakatingin kaya sumimangot ako" Umirap ako. He just sexily chuckled.
"Ano bang meron jan sa maliit na papel na yan? Pangatlong beses ko na nakitang may hawak kang ganyan" Hindi ko na mapigilan mag tanong. Curious ako eh.
"Pag nakikita mong may ganito ako ibig sabihin may magandang mangyayari" Kumindat pa siya at ngumiti. That evil smile! Hindi ko nagugustuhan ang mala demonyong ngiti niyang yan.
Pagtapos namin kumain ng sandamakmak na pagkain. Yes, sandamakmak talaga kasi ang damo niya pala inorder x_x gutom din siya ehh. Ang layo ba naman pala ng byahe namin. Hindi din daw siya kumain bago kami umalis kaya ayun.
Nagpunta na kami sa suite na kinuha niya. As always presidential suite pa din. Dalawa kwarto kaya tig isa kami. Pagpasok ko hamak na malaki talaga pag presidential suite kesa sa mga normal na suite lang na nakikita ko sa mga magazine.
Gabi na pero hindi pa ko makatulog. Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Iniisip ko padin...Ano kayang magandang mangyayari ang sinasabi niya? Baka naman dahil may panibagong chix siya ay magandang mangyayari na yon. Aish! Bakit ko ba iniisip yon?
Pabalik na ko ng kwarto ko ng maisipan kong lumabas muna. May nakita kasi akong pool side malapit dito kaya magpapahangin muna ako. Tutal hindi pa ko makatulog. Kinuha ko ang jacket ko nang makita ko si halimaw na ayos na ayos.
"Oh san punta mo?" Tanong niya sakin. Ano to inunahan ako?
"Ako nga dapat magtatanong san ka pupunta ehh" Sarkastiko kong sinabi sakaniya. Tinignan niya lang ako simula ulo hanggang paa at umiling.
"Wag ka nga lumabas ng ganyan itsura mo" Aniya. Sa inis ko nag martsa na ko palabas at inunahan siya. Badtrip tong lalaking to.
"Oh, Hawakan mo to. Ilolock ko yung pinto. Sige alis na ko" Inabot niya sakin ang susi ng suite namin at ng madali nang umalis.
Hmm. Saan ang punta non? Paparty? May nakita akong club dito sa loob pero di ko alam na may oras pa siyang pumarty. Hindi ko padin nakikita ang papa niya kahit saan dito. Nasan kaya yun? Alam ko magkasama sila pupunta dito eh.
Hindi kaya yung maliit na papel ang dahilan bakit aalis ngayon yun si halimaw? Ano ba kasing meron sa maliit na papel na yon? Bakit iba lagi pakiramdam ko don?
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...