#56
____________________
Who is that guy?
Sobrang gaganda ng mga models at kahit hindi ko alam ang size nila nakahinga ako ng maluwag dahil kasya sakanila yung mga ginawa ko. Pati si Josh natutuwa din dahil syempre rarampa din siya sa fashion week at sobrang nagpapasalamat ako at ako ang napili niyang designer.
"Grabe nakakapagod kahit wala akong ginawa" Sabi ni Celine pagpasok namin ng sasakyan ni Josh.
"Dinner tayo? my treat" Alok ni Josh at pumayag naman kami. Anong oras na din kasi.
"May alam akong bagong restaurant at sabi ng friend ko masarap daw doon." Sabi pa ni Celine. Di na ko nakatanggi kahit nahihiya ako kaya ayun nginitian ko nalang sila.
Nagkwentuhan kami habang nasa byahe papunta sa restaurant na sinasabi ni Celine. Napapansin ko na iniiwasan nila na mapunta sa topic tungkol kay Ian at natutuwa naman ako na ginagawa nila iyon.
Hindi ko alam pero ang sama sama ng loob ko kay Ian. Siguro dahil nadisapoint niya lang ako dahil sa sinabi niya sakin na mahal niya ko. Ako din naman may kasalanan kahit sinabi na niyang ayaw na niya umasa pa ko.
Enough of the Ian talk. Im trying to move on right? Dapat hindi na siya ang sinisigaw ng utak ko. Mahirap mag move on pero i hope one day ill be able to say that...Hayy salamat naka move on na ko.
Nakarating na kami sa restaurant na tinutukoy ni Celine. Nasa labas palang kami muka ng mamahalin ang restaurant na ito. Sabay sabay kami pumasok at sinalubong agad kami ng isang gwapong waiter. Napanganga nalang ako sa waiter. Grabe waiter lang siya? muka nang model!
Tinignan ko pa ang buong restaurant at nakita kong madaming tao dito. Mukang sikat ang restaurant na ito. Napansin ko pa ang isang tv host na kasama ang pamilya at nag didinner dito.
Hinatid kami ng waiter sa isang round table at inabot samin ang menu. May mga sumunod pang dumating na waiter na nagdala ng wine at champagne.
Habang pumipili si Josh ng ng kakainin namin naradaman kong kaylangan ko pumunta ng restroom.
"Excuse me, Saan ang restroom niyo dito?" Tanong ko sa waiter.
"Doon po sa hallway na iyon at unang pinto sa kanan" Ngumiti siya sakin matapos ituro ang direksyon papunta ng cr.
"Thank you...um Celine, Josh, Cr lang ako ah" Paalam ko sakanila. Tumango naman si Celine at ngumiti.
Binitbit ko ulit ang hand bag ko at dumiretso sa restroom. Napaka ganda talaga ng restaurant na to. Malaki pa at mukang VIP lang ang pwede pumasok sa second floor.
Nakahinga ako ng maluwag matapos ako makapag cr. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang sarili. Biglang ng flashback sakin ang nangyari samin ni Ian sa cr. Unang pagkikita namin yon makalipat ang halos apat na taon. Hayy bakit hindi ko siya maalis sa utak ko? :/
Lumabas ako ng cr at biglang ng ring ang phone ko. Hinagilap ko ito sa bag ko pero sa kung ano anong nakalagay sa bag ko hindi ko ito mahanap hanggang sa..
Buuuuuggggssshhhh! (Sorry sa panget na sound effect! xD)
"Nako sorry!" Napalingon ako sa nabunggo ko.
Isang lalaki na Brown ang buhok. Matangos ang ilong malalim ang mata at mapula ang labi. Muka siyang Greek god! Ang gwapo at mukang gentleman. Inayos niya ang suit niya at ngumiti sakin. Yung ngiti niya...Parang ang gaan sa pakiramdam.
"Its alright. No harm done" Aniya at ngumiti pa ulit. Ngumiti nalang din ako at tumango. Nilagpasan ko na siya para makabalik na sa table ko pero di pa ko nakakalayo at tinawag niya ako.
"Miss..." Aniya. Mahinahon at malalim ang tono ng boses niya. Hindi ko alam bakit pero parang kilala ko na siya ang gaan ng loob ko sakaniya.
"Yes?" Sagot ko. Lumapit siya sakin at naglahad ng kamay.
"I'm Kris." Aniya. Tinignan ko ang kamay niya at tinanggap ito.
"I'm...." Hindi na niya ko pinatapos dahil nagsalita ulit siya.
"Serah. Right?" Aniya. Nagulat naman ako dahil kilala niya ko. Kahit magaan loob ko sakaniya wala akong maalala na nakita ko na siya dati.
"How did you know?" Ngumisi siya at bumitaw na kami sa pagseshake hands.
"I saw you on the internet. Youre one of the new designers this coming fashion week right?" Ngumiti ako at tumango. Hindi ko inaasahan may makakakilaka sakin. Isang simpleng babae na hindi mayaman at walang pangalan sa kahit anong industriya makikilala?
"Well Goodluck. im looking forward to see your work." Aniya. Ngumiti siya sakin at kumaway bago pa ko talikuran at pumasok sa cr ng lalaki.
Who is that guy? Bakit ganon nalang kagaan ang loob ko sakaniya? Im sure hindi siya dito sa pilipinas lumaki. By the way he speak mukang taga ibang bansa siya. Pinoy siya alam ko iyon kahit muka siyang amerikano. Muka siyang sa amerika na lumaki kaya siguro ganun magsalita.
I shook my head and walk away. Bumalik nalang ako sa table namin at nakipag kwentuhan kila Celine at Josh. Kahit naguusap kami ng kung ano ano yung lalaki pa din ang nasa isip ko. Nacucurious ako.
Nilapag ng waiter ang order namin sa lamesa at bago pa ko makakain at nakuha nanaman ng lalaki kanina ang pansin ko. Umupo siya sa table hindi kalayuan samin at may kasama siyang isang babae na nasa mid-40s na. Siguro ay mama niya iyon.
Nagulat nalang ako nang mapansin kong nakatingin na din siya sakin at ngumiti ng konti. Nginitian ko nalang din at nagfocus na sa pagkain ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking yon? Sino ba siya?
"Serah ok ka lang?" Tanong ni Celine sakin. At tumingin sa likod niya. Napansin niya siguro na may nginingitian ako at para akong baliw na bigla bigla nalang ngumingiti sa kawalan.
"Ok lang ako ano ba." Yun lang ang naisagot ko at kumain nalang ulit.
"Akala ko kasi nababaliw ka na eh" Aniya. Tinignan ko lang siya ng masama at nag kibit balikat lang siya at ngumiti.
"Oh now i see. Look he is definetly looking at Serah" sabi pa ni Josh at nakatingin sa table nung lalaki kanina. Napatingin na din ako at oo nga nakatingin nga siya. Ngumiti lang siya at bumaling ulit sa kasama niya.
Who is this guy? Whats up with him? :/
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Novela Juvenil[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...