TGC#19

27.6K 574 3
                                    

#19

____________________

That evil smile.



Dumating na ang pagkain at kahit gutom ako hindi ko magawang kumain. Pero dahil ayokong may masabi sila pinilit ko na din kumain.


"So saan kayo nag kakilala?" Tanong ng mama niya sakin. Mukang mabait naman ang mama niya pero talagang mukang mataas ang standards niya.


"Sa Office po" Simpleng sagot ni Halimaw sa mama niya. Tumango naman ito at sumubo ng steak.


"Anak malapit na ang birthday mo. Anong balak mo?" papa niya naman ngayon ang nag tanong.


"I dont know yet, Im thinking of having a week off. Pahinga lang siguro or spend time with Serah. Busy ako this past few weeks hindi kami masyado nakapag bonding" sagot niya sa papa niya. Tumango naman ang papa niya at ngumiti sakin. Kung makapag salita si halimaw parang expert na sa bagay na to ah? samantalang ako nanlalamig na sa kaba.


"Gano na kayo ka tagal? i mean kelan pa kayo nag start sa relasyon niyo?" Sakin nakatingin ang mama niya kaya it means ako dapat ang sumagot. shizz! Hindi ko alam isasagot ko! Sasagot na sana ako nang....


"3 months na kami almost 4 months na." Aniya at uminom ng wine. Ngumiti pa siya sakin at hinalikan ang noo ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.



Bumilis ang tibok ng puso ko. Tahimik lang ako ganun din si Celine na mukang nakikiramdam lang samin at nagmamasid. Hindi ba talaga pwede sabihin?? Kapatid naman siya eh kaibigan ko din naman siya eh?


Nang matapos na kami kumain konting kwentuhan pa ang nangyari at nagdesisyon na din kami umalis. Buong akala ko ay uuwi na pero hindi pala! Dumiretso kami sa front desk ng hotel at mukang mag checheck in pa! Damn! Anong gagawin ko??


"Ian. Sa isang presidential suit nalang kayo. Isama niyo na si Celine" Bilin ng mama niya. Inabot naman kay halimaw ang isang card na may nakalagay na ROOM 401.



Pagtapos ng konting paalaman pumunta na kami sa elevator para mapunta sa presidential suit na room namin ngayong gabi. Hindi pa din kami nilulubayan ng tingin ni Celine. Nasa baywang ko padin ang kamay ni halimaw ang totoo naaalibadbaran na ko eh! Wala pa naman nakakaganyan sakin eh!


"Ok, Tell me whats happening" Seryosong sabi ni Celine pagkapasok namin ng elevator.


Kaming tatlo lang ngayon sa elevator dahil nagpunta pang casino ang mama at papa niya. Kaya hindi rin kami hinayaan makauwi dahil may gagawin pa daw bukas? Hayy.


"I know youre up to something kuya" Matalas ang titig ni Celine sa kuya niya. Samantalang si halimaw naman ay naka evil smile lang na nakatingin sa kapatid.


Hindi ko na napigilan ang sarili at ako na sana ang haharap kay Celine pero hinila ako ni halimaw palapit sakaniya at niyakap ako galing likuran. Sa harap ni Celine!


"Celine. Kami na ni Serah. Whats wrong with that?" Napahawak nalang sa ulo niya si Celine. Ako naman gustong gusto ko na umamin.

Pa simple kong tinatanggal ang braso ni halimaw na nakapulupot sakin pero hindi ko matanggal dahil masyado siyang malakas. Ayoko naman magpahalata dahil baka kung ano isipin ni Celine. 27th floor na nang lumabas kami sa elevator. Doon ko lang tuluyan natanggal ang braso ni halimaw sakin dahil nauna sa pag labas si Celine. Inirapan ko siya at nag evil grin lang siya. Grr! nakakainis siya!

Pumasok kami sa isang napakagandang kwarto. Muka na nga itong bahay. Dalawa ang kwarto at kumpleto sa gamit. Hinila nalang ako ni Celine sa kwarto at nilock agad ang pinto.


"Oh my God! Serah what are you doing?" Frustrated siyang nagtanong sakin.

"Celine. Dont worry i can handle this" Sinubukan kong ikalma siya at umupo nalang siya sa kama.


"Is it true? kayo na ni kuya?" Seryoso ang muka niya.  Hindi ko kaya tumingin at baka mahalata ako!

"to-Totoo. Kami na ni Ian" Im sorry Lord! Im sorry Celine!

"This is bad. This is really bad" Magsasalita pa sana ako pero bumukas na ang pinto ng kwarto. Bumalandra samin ang evil smile ni halimaw at nagsitayuan naman ang balahibo ko. grr!

"I have the keys. Serah lets go. Doon ka sa kwarto ko" Aniya at napa perfect 0 nalang ang bibig ni Celine. Iniwan ko siya doon at sumunod na kay halimaw.


That evil smile! Nakangisi padin siya habang naglalakad ako papalabas ng kwarto at papalapit sakaniya. Hinampas ko na nga sa braso. Tumawa lang siya at pumunta na ng kitchen.


Ako naman dumiretso na sa kwarto. That evil smile is just. Ugh! Sorry to say this...kahit ako hindi makapaniwala...Hot siya. Ang gwapo niya and he is super dangerous!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon