TGC#38

24.9K 452 7
                                    

#38

____________________

Alam niya!




Kinabukasan, Ito na ang araw bago ang birthday ni Ian. Yung ibang kaibigan niya inaasikaso na ang party sa Vanity club. Samantalang si Ian maagang umalis para daw maiayos niya ang usapan nila sa mama niya.



"Nako. Lets trust kuya nalang. Lagi naman no choice si mama sakaniya kaya nababale wala din ang engagement na pinaplano nila" Alam ko na ganun ang nangyayari kaya nga paiba iba ng babae na nirereto ang mama niya kay Ian kaya lang syempre mahirap iwasan na isipin yon.


"How about this? Maganda noh? Party ang birthday ni kuya mamaya kaya dapat naka ayos tayo!" Aniya at masaya akong hinila papasok sa isang boutique at naghanap ng damit.


Wala pa nga akong regalo sakaniya ehh. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa past ni Ian. Ganun ba talaga niya kamahal yung Nadine na yon?

Kung hindi siguro pinalaglag yung bata baka sila pa din ngayon. Err erase that thought! Bakit ko ba iniisip yon!


Aish! I'll just trust Ian. Ako ang mahal niya at its been years since naghiwalay sila imposible naman na mahal niya pa ang babaeng yon sa likod ng sobrang sama niyang ginawa sa baby nila ni Ian. Pumatay siya yun yon.

"Hoy! Narinig mo ba yung sinasabi ko? Ive got a text from Guia" Iritadong pinakita ni Celine sakin ang phone niya. Tinignan ko naman ito agad. Geez wag ka naman sumabay ngayon Guia.

Guia:

Celine saan gaganapin yung party ni Ian? Gusto ko sana siya batiin.

-----

"Sabihin mo sa Vanity. I need to talk to her" Binalik ko kay Celine ang phone niya. Maguusap tayo Guia.

"Talk about what?" Tanong pa ni Celine habang tinitignan ako ng mabuti.

"About a war she's into" I smirked evily.


Nagkibit balikat nalang si Celine at tinext na ulit si Guia. Kaylangan ko makausap si Guia. Kung hindi niya titigilan ang pangbabackstab sakin then war it is. I still cant believe that she can throw away our friendship just for Ian.


--------

Pagtapos ng mahabang proseso ng paghahanap ng damit namin para sa party nakahanap din kami ng kalugodlugod sa panlasa namin.

Papunta na kami ni Celine sa cashier para bayaran ang napamili ng may makita kaming pamilyar na babae.

"Hindi ba si Nadine yon?" Siniko ko si Celine at tumingin naman siya sa direksyon na tinituro ko.

"Tss. Oo nga noh?!" Lumapit kami sa cashier at nakita namin si Nadine nga!

Nakapila din siya at may dalang damit na sobrang kinagulat ko. Parehas kami ng damit na bibilihin! Magkaiba lang ng kulay dahil sakin itim sakaniya pula.

"Hey Nadine" Pagtataray ni Celine ng makalapit kami sakaniya.

Tumingin naman si Nadine samin na para bang nandidiri. Wtf?! Whats with the face? nung nasa restaurant akala mo anghel siya kung makatahimik yun pala nasa loob ang kulo!

"What do you want Celine? Oh Serah right? I heard ikaw ang present girlfriend ni Ian" Tinaasan niya kami ng isang kilayat tinarayan din tulad ng ginagawa ni Celine.


"Siya ang girlfriend ni kuya. So why bother begging for kuya? Para sa pera? Psh. What a gold digger" Tinarayan pa ulit siya ni Celine. She just smirked at Celine and looked at me from head to toe.


"On my book im not the gold digger here. At least ako hindi nagpapanggap para sa pera" Aniya at tinitigan ako. Then it slapped me.Shit! Alam niya yung kontrata?! It cant be! Kami lang ni Ian at yung abogado ang nakakaalam non!


"Speechless? I think i hit the apple" Tumawa siya na parang manananggal.


"At least ako hindi nagpapalaglag ng baby." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Yes baby. Victory is mine. I smiled at her sweetly.


Inirapan niya lang kami ni Celine at nagbayad na sa cashier. Mabilis din siyang nawala pagtapos non. Nagtawanan nalang kami ni Celine. You cant beat me. No one can. Simula nabuhay ako magisa sa mundong to natuto na ko lumaban.


"Wait. What does she mean by nagpapanggap para sa pera?" Tumingin sa kawalan si Celine at nagisip. Shit.


"Psh. Ga-gawang kwento niya lang yon pa-para may masabi" Nag fake laugh lang ako at tumango naman si Celine at mukang naniwala sakin kahit nautal utal ako.


God. I have to tell Ian about this. Kaylangan niya malaman na may nakakaalam. Baka kumalat pa to. Masisira kaming dalawa sa magulang niya. Kahit na wala nang bisa yung kontratang yon nagkaron pa din at walang nakakaalam na wala nang bisa ang kontratang yon.


"Oh hindi mo pa ba babayaran yan?" Tanong ni Celine sakin. Tinignan ko yung damit at inilapag sa basket.


"Hindi na. Ayokong tumulad sa baby killer na yon" Sabi ko at ngumiti naman siya.


Pagtapos namin sa mall sinundo naman kami ni Ian. May sariling sasakyan si Celine kaya nauna na siya ako naman ay sumakay sa sasakyan ni Ian.


"Ian alam niya!" Sigaw ko kay Ian pagkaupong pagkaupo ko sa sasakyan niya.


"Ano?" Aniya at tinignan ako.


"Alam ni Nadine!" ginulo ko ang buhok ko.Damn pano to!?


"Wait ano?! Calm down for God's sake Serah" Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang pisngi ko at tinignan ako.


Those god damn eyes. Hindi ko maiwasan hindi tumitig. Ang ganda talaga ng medyo singkit at malalim niyang mata.

Sa mata siguro ako nainlove? Maganda din naman yung perpekto at matangos niyang ilong. Maganda din naman ang panga niyang inihugis ng perpekto ng diyos. Maganda din naman ang malambot, Mapula at may tamang hugis niyang labi. Pero may kung ano talaga sa mata niya na nakakapagpabaliw sa puso ko.


Minsan nanliliit ang mata niya pag nagagalit o kaya tumatawa. Minsan naman ay matamlay ang mata niya pag tinatamad o kaya inaantok. Teka?! ani ba tong iniisip ko? Umiling ako at nagising sa katotohanan.  Hindi ito ang tamang oras para i'pin-point ko ang gwapo niyang mata.


"Ano ang alam ni Nadine? Nakita niyo ba siya?" Tanong niya sakin. Seryoso ang mata niya at nagaalala.


"Ian alam niya ang tungkol sa kontrata. Alam niya!" Bulaslas ko. Kumunot namanang noo niya at pumikit.


"That's impossible" he replied with a serious tone.


"Yun din ang iniisip ko. Pero alam niya Ian!" Hinalikan niya ang noo ko ay niyakap ako.


"Dont worry ako bahala. Leave it to me" Aniya. Ayaw niyang magalala o matakot ako kaya niya ito sinasabi. Pero hindi maiiwasan kabahan. What if alam niya nga?

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon