#41
____________________
Ex bestfriend.
"Ill make your life a living hell Serah! Mark my words!" Natawa kami sa pang gagaya ni Celine sa sinabi ni Guia.
Nandito na kami ngayon sa VIP lounge. Dahil sa nabasa ng konting cocktail ang dress ko kinatuwa naman ni Ian iyon. Dahil ayaw niya daw sa damit ko kanina. Tinawagan niya pa yung secretary niya para bumili ng damit ko pampalit.
"Tapang ni Serah kanina. Naturuuan ko siya ng maayos." Celine grined evily parang kuya niya haha!
"Haha matapang pala si Serah. Ngayon ko lang din nakitang nakipag away ka ah" Bilib na bilib na sabi sakin ni Josh bago siya uminom ng beer.
"Marunong ako makipag away. Hindi lang ako pala away" Sagot ko at tumawa naman sila.
"Nagaalala na tuloy ako sayo. Baka ano gawin ng Guia na yon sayo" Bulong ni Ian at niyakap ako. Nakaupo kami pero kanina pa siya nakapulupot sakin. Uminit naman ang pisngi ko at napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Nandyan ka naman diba? You'll save me if anything bad happen right?" Hinalikan niya ko sa pisngi at tumango. Nagvibrate ang phone niya at kinuha niya naman ito agad.
"Tara sa labas nandoon na yung damit mo" Tumayo kami at nagpaalam muna kila Josh at Celine.
Lumabas kami ng Vanity at kinuha naman ang paper bag sa driver ni Ian na dumating na naka itim na ford pa ang sasakyan. Naka uniporme pa. Grabe talaga pag mayaman.
"Tsk! Sabi ko wag backless ehh!" Iritado niyang sigaw ng tignan niya ang damit na nasa paper bag.
"Ok na to ano ka ba! Haha!" Kinuha ko na ang damit sakaniya. Hindi naman sobrang backless ehh.
"Serah backless nanaman yan ehh. Ayoko may tumitingin sayong iba." Palambing na bulong ni Ian sakin. Para siyang tuta na nagmamakaawa. Napaka hot talaga niya pag ganun.
"Ian kahit titigan pa nila ko hindi naman magbabago ang isip ko. Ikaw lang mahal ko. Tsak matagal na nilang alam na tayo diba?" Kumindat ako sakaniya at hinila ko na siya papasok ng Vanity.
Naghanap kami ng restroom. Madami nang tao ang nagsasayaw sa dance floor karamihan mga lasing na. Hindi ako sanay sa ganitong lugar. Pangalawang beses ko pa lang to nakapunta ng club. Una nung niyaya ako ni Celine na nagkagulo gulo pa kami ni Josh. Pangalawa palang ngayon.
"Happy birthday Ian! Wooohooo!!" Sigaw ng nga nadadaanan namin na kaschoolmate namin. Tumawa at nginitian naman sila ni Ian.
"Ayun restroom!" Sigaw ko nang makita ang cr ng babae. Iniwan ko muna si Ian sa labas at naghanap na ng cubicle na bakante. Swerte at walang tao ngayon dito kaya nakakita agad ako.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...