#49
____________________
Ayoko ng mamatay ng paulit ulit.
Nagiwas ako ng tingin at tumingin.nalang ulit kay Marc. Mukang napansin na din ni Marc ang pagdating nila dito. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa table.
"Smile. Show them that youre alright." Ngumiti siya sakin kaya napangiti na din ako.
Tama siya. Masakit man makita sila na magkasama wala na din naman akong magagawa dahil wala ng pagasa samin ni Ian. Ayaw samin ng tadhana at kung ito ang pinlano ng Diyos sa buhay namin wala na kami magagawa. Kung kami naman talaga kami pa din sa huli diba?
Hindi ko na ulit sila tinignan kahit gustong gusto kong tignan si Ian. Natatakot ako dahil baka umiyak nalang ako bigla dito. Masakit eh. Pagkalipas ng ilang taon namin hindi nagkita ito makikita ko. Masakit talaga dahil mahal ko siya eh. Mas masakit pa dahil si Guia na ang kasama niya, si Guia na ang hinahawakan niya, si Guia na hindi na ako.
"Um..Marc rest room lang ako." Bulong ko ngumiti lang siya at tumango.
Tumayo ako at dumiretso sa restroom. Malaki ang restaurant na ito at medyo malayo din ang restroom. Nadaanan ko pa kung saan nakaupo sila Ian at Guia. Nakatalikod si Guia at may kung anong kinukwento kay Ian. Si Ian naman ay seryosong umiinom ng wine at napatingin sakin.
Nagiwasko ng tingin dahil baka manlambot ako sa talas ng tingin niya sakin. Shiz. Kahinaan ko pa din ang mga mata niya. Pagpasok ko sa restroom walang tao dito at tahimik.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. I look different. Kung dati ay walang kabuhay buhay ang buhok ko ngayon ay medyo kulot na ito at maayos na. Kahit ang simpleng pananamit ko noon ay nabago na ngayon. Kung dati ay komportable na ko sa tshirt at pantalon ngayon hindi na. Gaya ng sabi ni Leonora sakin dapat laging maganda ang suot pag nasa fashion kaya ayun natuto na ko magayos ng sarili ko.
BBAGG!!!
Napatingin ako sa pintuan na bumalabag. Nanlaki at naestatwa ako sa nakita ko. Lumapit siya sakin at bawat paglapit niya ay hakbang ko paatras. Para bang na hypnotize ako sa mg mata niya at hindi ko maiwasan tumingin sakaniya.
Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Wala na kong maaatrasan! Bumilis ang tibok ng puso ko at nagawala ang mga hayop sa tiyan ko. Nabulabog ang buong sistema ko at para bang nagpapawis na ko ng lamamig.
"Ba~bakita ka na~nandito?" Nauutal ako nang tanungin siya. Diretso ang tingin niya sakin at isang dangkal nalang ata ang layo namin sa isat isa. Lumunok ako at kumunot naman ang noo niya.
"Kayo ba?" Mariin na tanong niya sakin.
"A~ano?" Mas lumapit pa siya sakin at nilagay sa tenga ang takas na buhok ko.
"You heard me Serah, Kayo ba ni Marc?" Seryoso ang mga mata niya at mariin ang tono ng pananalita niya.
"Hi~hindi kami. Hindi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya kong hinalikan.
Mainit nakakalasing, nakakapanlambot na halik. Halil na matagal kong hinanap hanap. Damn i missed him! Pero teka? Kasama niya si Guia diba? Sila ba ni Guia? Anong nangyari kay Nadine? Hindi pwede na padalos dalos kami. Unti unti kong tinulak si Ian at bumitaw naman siya.
"Ian..hindi tayo pwede." Yun lang ang nasabi ko.Totoo hindi kami pwede dahil iba ang tingin sakin ng mama niya at ayokong maging problema pa ko.
"Why Serah? Tell me bakit?"
"Kayo na ni Guia diba?" Hindi na siya sumagot pagtapos ng tanong kong iyon.
"Fuck! What did you do to me Serah? Bakit kahit nasa harap ko na ang babaeng alam kong hindi ako iiwan ikaw pa din ang gusto ko?! Iniwan mo na ko pero ikaw pa din. Nasaktan ako Serah. You left me like im just nothing to you! Basta mo nalang ako iniwan sa ere habang lunod na lunod ako sayo. Alam mo ba nangyari sakin? I died Serah. You have my heart all this time. Kahit anong pilit kong magmahal ng iba hindi ko kaya dahil wala sakin ang puso ko! Perp tama na to. Ayoko na masaktan ayoko na mamatay ng paulit ulit." Sinunok niya ang pader bago tuluyan umalis.
Napaupo ako sa sahig nang tuluyan siyang makalayo at makalabas. Umiyak ako humagulgol. Ang sakit bakit ganito nararamdaman ko. Nahirapan ako sa paghinga dahil sa paghikbi. Sobrang nasaktan ko siya. Mas masakit pala makita mo yung taong mahal mo na nasasaktan dahil sayo.
Wala akong magawa! Wala akong magawa. Ian mahal na mahal kita pero mahirap. Ayaw ng mundo satin Ian.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...