TGC#35

28.2K 517 5
                                    

#35

____________________

Laban ng pagibig.



Halos magtatatlong linggo na kong iniiwasan ni Guia. Gusto ko siya makausap pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Ewan ko ba kung magagalit ako kay Guia dahil sa mga sinabi niya kay Ian. Pero nagmamahal lang naman siya eh. Ako nga tong may kasalanan kaya siya nagkakaganun.


"Magkasama nanaman kayo ni Marc kahapon ah. May nakapag sabi sakin"  Seryoso naman akong tinginan si Ian. Seryoso ba siya? Ano bang meron kay Marc at galit na galit siya?


"May tinanong lang sakin. Tsaka wala naman kami masamang ginagawa eh magkaibigan lang kami"  Paliwanag ko kay Ian.


Simula nung gabing iyon halos araw araw na kami nagkikita ni Ian. Lagi niya ko hinahatid sa condo. Hindi niya nga alam na sa condo din na iyon nakatira si Marc eh baka pag nalaman niya palipatin pa ko. Sinabihan ko na din si Marc na wag sabihin. Ako nalang magsasabi sakaniya pag ok na siya.


Normal naman ang takbo ng buhay ko, Napasa ko yung thesis namin, nag bobonding pa din kami ni Celine pag walang pasok. Minsan nanonood kami ng practice game nila Ian sa campus.Ang hindi lang normal ay yung kay Guia. I can't believe na kaya niya kong siraan para lang kay Ian. Ibig sabihin lang non mahal niya talaga si Ian. Binigay niya nga yung virginity  niya kay Ian eh ibig sabihin handa siyang gawin lahat para sakaniya.

Samantalang si Ian, Sinisumulan na ang panliligaw sakin kahit alam ng lahat na matagal ng kami. Pinaclose niya na daw sa abugado niya ang kontrata namin. Samantalang si lola hindi pa din nakakalabas ng ospital. Dinadalaw ko tuwing linggo pero sandali lang kasi kaylangan niya ng pahinga. Mahina na daw kasi talaga ang puso ni lola.

"Ayoko nga na makikipag kaibigan ka don eh. Hindi mo siya kilala Serah. Trust me mas kilala ko siya kesa sayo" Nagsungit nanaman tong halimaw na to. Sinudo ko nalang yung sandwich sa bibig niya kahit napakalaki non parang wala lang sakaniya. Halimaw talaga. Ni hindi niya nga napansin na sinadya kong lakihan iyon eh.

"Nandito lang pala kayo! Vacant mo ba kuya? Diba may klase ka ngayon?" Nilapag ni Celine ang dalang plastic folder at nilapag sa damuhan para makaupo din siya. Tumingin naman ako sa relo ko. Oo nga! may klase si Ian ngayon!

"Pasado naman ako don. Si Mrs.Guivara pa? Kilala mo naman yon"  Sabi niya pa kay Celine. Binatukan ko na. Kalahati pa lang ng first sem alam niya nang pasado siya? Kahit kaya niya landiin ang prof na yon di pa din kaylangan ng papetiks petiks.

" Pumasok ka nga Ian! Pano ka matututo niyan?" Hindi pa din siya tumatayo. Nakahiga kasi siya at nakaunan sa kandungan ko. Sweet noh? nasasanay na ko na ganito kami kaclose. Buti nga medyo kumonto na yung nang huhusga sakin dito. Siguro unti unti na nilang natatanggap na taken na si Ian kahit hindi pa naman kasi hindi ko pa siya sinasagot haha XD


"Ayaw mo ba na nandito ako? Sa gwapo kong to papaalisin mo lang ako?" Ngumisi pa siya na parang baliw. Ay hindi baliw talaga siya. Pinitik ko ang noo niya kaya napaupo na siya.

"Aray naman!" Aniya at hinaplos ang noo niya. Natatawa naman si Celine samin dalawa. Para kasi siyang bata ehh

"Pag hindi ka pumasok hindi kita sasagutin!" Bulong ko sakaniya. Nanlaki naman ang mata niya at para bang nagdalawang isip. Ang gwapo niya talaga haha!

"Seryoso ka?" Natawa nalang ako sakaniya pero pinigilan ko kasi baka mahalata niya ko.

"Pumasok ka na at seryoso ako" Napakamot nalang siya at kinuha ang bag niya. Hindi na siya nag paalam at naglakad na paalis. Padabog pa haha! napilitan haha XD

"So kamusta na si Guia? Hindi ka pa din ba kinakausap?" Tanong ni Celine sakin. Tumango nalang ako. Wala siyang alam sa nangyari nung gabing yon ayoko naman ipagkalat.

"Ano kaya nangyari sakaniya kahit ako kasi hindi niya kainakausap eh" Nagaalala na din si Celine kasi syempre nakasama at naging kaibigan niya na din si Guia.




------

"Birthday ko na sa sabado mag pa-party siguro ako." Seryosong sabi ni Ian sakin habang papalabas kami ng building.


"Ahh ganun ba maganda yan para naman hindi puro trabaho inaatupag mo magsaya ka naman" Ngumiti ako sakaniya at sinimangutan niya lang ako. Sungit talaga. Siya na nga tong pinapayagan ehh.


"Anong magsaya naman ako? Sasama ka sa birthday ko kung gusto mong sumaya ako" Napangiti naman ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinakita sakaniya. Tumingin lang ako sa ibang direksyon.



He can be bossy and sweet at the same time. Alam ko masama yung bossy pero yung way niya ng pagiging bossy parang gusto ko nalang araw arawin siyang asarin para magsungit at maging bossy haha!


Pinagbuksan niya ko ng pintuan ng sasakyan niya. May nakita naman akong isang red rose at may ribbon sa passengerseat. Kinuha ko ito at inamoy.


"You like it? Isa lang nabili ko kasi malelate na ko kanina eh" Aniya at kumamot sa ulo niya. Para bang naiinis na nahihiya haha! Ang cute niya.


"Kahit naman isa lang o kahit walang rose ok lang" Sumakay na ko at umikot naman siya para makasakay na din.

"Ano regalo mo sa birthday ko?" Tanong niya at pinaandar ang sasakyan niya. Oo nga...Ano ba ireregalo ko sakaniya? Geez ang sama ko pa naman mamili ng regalo x_x

"ehh.....Secret ko na yon haha!" Palusot ko.Wala din akong maisip eh.

"Kahit hindi materyal na bagay ok lang. Kahit yung sarili mo nalang ang regalo mo sakin mas mabuti pa" Uminit naman ang pisngi ko at pinaghahampas ko siya sa braso niyang nakahawak sa manibela.

"Ano ka ba?! Hindi ako ganun klaseng babae noh! HINDI KO ISUSUKO ANG PUTING BANDERA NG PAGKABABAE KO! hindi pa nga tayo eh yan na agad hinihiling mo??" Iritado kong sinabi yun sakaniya habang pinaghahampas siya.

Napaawang naman ang bibig niya at nagsimulang humalagapak ng tawa.Tawa siya ng tawa to the point na nagluluha na siya at di na makahinga. Pervert talaga! Grr! Hindi ko pa nga siya sinasagot ehh yun na agad ang hinihingi niya? Ano to birthday sex? ! :/ no way!

"What the hell are you thinking?" Pinigilan niya ang sarili tumawa pero natatawa pa din talaga siya. Sinimangutan ko nalang siya at humalukipkip. Psh di kita sagutin jan ehh.

"Haha youre so cute. Hindi naman yun ang ibig sabihin ko eh" Sabi pa niya sa mayabang na tono.

"Obviously napaka pervert mo. Hindi pa nga tayo eh sex na agad gusto mo?!" Inirapan ko nalang siya at tumawa pa ulit siya.

"Hindi naman sex ang gusto ko haha! Ang gusto ko ikaw, Yung 'oo' mo Yung maging girlfriend kita hindi yung ikakama kita haha!" Aaaahhhhh!!!! grrr! Bakit ba hindi ko naisip yon? Ang green agad ng utak ko! Badtrip nakakahiya!

"Ma-malay ko ba?! Sa..sa dami mo ba namang babae ma-masisisi mo ba ko kung i..iyon ang maisip ko sayo?!" Nauutal na tanong ko sakaniya. Di ko siya matignan dahil sa hiya ko.

"Haayy!!! I like this...Gusto ko yung ganito tayo napapasaya mo ko." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

Dahil sa ginawa niya nabuhay ang sarili ko. Wala na kong pake kung magalit si Guia sakin pero hindi ko kayang isuko ang lalaking to. Mahal ko siya at mahal niya din ako yun lang yon wala nang sobra wala ding kulang.

She wants war? ill give her war. Sinimulan niya na din naman ehh siniraan niya ko kay Ian. Kahit kaibigan niya ko na matagal niya nang kasama bago pa dumating si Ian sa buhay niya kinaya pa ng sikmura niyang siraan ako.

War na kung war!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon