TGC#42

25.9K 422 2
                                    

a/n: Hello guys! sorry medyo nadedelay ako sa pag uupdate na bablangko utak ko ehh. Pero ok na ko ngayon hahha! Pasensya na ^^

-------

#42

____________________

 Anong gagawin ko?!

Ilang buwan din ang lumipas naging tahimik naman ang paligid ko. Syempre di naiwasan yung pag tsismisan sa campus yung nangyari sa birthday ni Ian pero so far tumahimik at napagod din sila.  Maayos naman kami ni Ian sa mga lumipas na buwan. Habang tumatagal mas lalo akong nalulunod, lalo akong nalulunod sa pagmamahal sakaniya.

Ang hirap na nga kasi natatakot ako. Once a playboy always a playboy. To think na may nangyari pala sakanila ni Guia pero wala siyang sinasabi sakin. Kung hindi ko pa malalaman noong nagpunta si Guia sa office ni Ian hindi ko pa malalaman. Ano pa kaya ang hindi  niya nasasabi sakin.

Simula naging kami ni Ian mas naging close na kami sa isat isa pero para sakin medyo dumidistansya pa din ako. Natatakot ako ewan ko bakit.


"Tsk. May meeting daw mamaya. May game nga kami mamaya eh!" Pabalibag na nilapag ni Ian ang backpack niya sa tabi ko. Nagulat naman si Celine sa pagdadabog ng kuya niya.

"Matindi ka pa sa babaeng may dalaw kung makapag balibag ka ah" Tinitigan niya lang ng masama ang kapatid niya. Si Celine naman inirapan nalang siya. Kahit ganyan sila ang cute padin nila magkapatid.

"Kasama nanaman si Nadine?" Tanong ko kay  Ian. Hindi pa din kasi tumitigil ang mama niya kay Nadine kahit siya inis na inis na din. Kahit anong pilit nga ni Ian na itigil  na wala pa din ginagawa ang mama niya.

Noong mga lumipas na buwan mas pinaglalapit sila ng mama niya. Hindi naman makatakas si Ian kasi ginagawang tulay ng mama niya ang business nila. Minsan napapaisip na siya na bitawan na ang pagiging COO ng kumpanya nila kaya lang syempre hindi niya din magawa dahil di niya matiis ang papa niya.

"i hope not. Baka mapagbuntunan ko pa siya ng galit ko"  Humiga si Ian at inunanan nanaman ang kandungan ko. Pinitik ko naman ang noo niya.

"Gusto mong mapagalitan ka nanaman ng mama mo? Wag mo nalang pansinin" Ngumuso naman siya at hindi nalang nagsalita.

Nandito nanaman kami sa malawak na damuhan malapit sa soccer field. Vacant namin kaya nandito nanaman kami. As always pinagtitinginan nanaman kami.

"Bakit hindi mo nalang sama sa meeting si Serah?" Singit naman ni Celine na kumakain ng chips.

"What a nice idea. Sama ka sakin mamaya" Ngumiti ng malawak si Ian at pinitik ko ulit ang noo niya.

"Im not part of the company. Bawal yon tsaka ayoko nga" Pagtataray ko. Ayoko ng pumunta don baka maunahan ko pa si Ian sa pang iinis dun sa Nadine na yon.

Last week nagsumbong si Ian na nilalandi daw siya ni Nadine. Whilr Guia is stalking Ian. Nahuli ni Ian na iniistalk siya ni Guia kasi nagkita sila sa labas ng building.

Hindi pa din kasi tumitigil si Guia s pang gugulo samin. Last week nakita ko sila na magkausap ni Marc. Hindi ko alam na magkakilala sila pero Marc seemed to ignore her. Siguro pinipilit niya mapalapit sa mga kaibigan ko para masiraan ako.

"Its not a question babe. You have to come with me" Aniya at i raised my hand in the air in defeat. Pag yang mga mata na yan na ang tumingin sakin talo na ko.

~~~~~~~

"Sabi sayo its a bad idea bringing me here. Uuwi na lang ako" Bulong ko kay Ian pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

Nandito na kasi kami sa meeting room. Hinihintay nalang namin ang mama niya. Nandito nga si Nadine. Nakatitig lang siya sakin at tinitignan ako na parang isa akong outsider na kaylangan nang lumabas.

"Youre not going anywhere Serah" Bulong ni Ian sakin. Seryoso siya at inirapan ko nalang.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na din ang mama ni Ian. Sobrang kinagulat niya na nandito ako medyo tinarayan pa ko pero wala na siya nagawa.

Naging maayos naman ang meeting nila at wala naman akong naintindihan dahil hindi ko na din naman inintindi. Pinanuod ko nalang magdebate si Ian at ang mama niya. In the end talo ang mama niya. I knew it kasi pag si Ian ang kalaban talo ka talaga.

Natapos ang meeting at isa isa ng naglabasan ang mga lawyers at kung sino pang hindi ko naman kilala.

"Ian. May i borrow Serah for a minute?" plastik na pakiusap ng mama niya nang palabas na din sana kami. Shizz ano kaya kaylangan niya sakin.

"Ok then" Umupo ulit si Ian hawak hawak pa din ang kamay ko. Tinaasan siya ng kilay ng mama niya habang si Nadine naman ay nasa likod niya

"I mean alone." Seryosong sambit ng mama niya. Hindi ko alam bakit pero napangisi si Nadine.

"Fine! I give you 5 minutes at pag hindi pa siya lumabas ill get her no matter how important your shit is." Pagbabanta naman ni Ian. Tumayo siya at hinalikan ang noo ko.

"And one more thing. Lay a finger on her i will never treat you like a mom" Pahabol pa niya pabago padabog na sinarado ang pinto.

Agad naman ako nilapitan ng mama niya at ni Nadine. Mukang pagtutulungan ata ako ng dalawang to. Bakit ba kasi ako nagpaiwan dito.

"I know what you want Serah. You want money for your grandmother's hospital bills kaya nakipagkasundo ka kay Ian. Matalinong bata ka din ano? Well cut the crap dahil buking ko na kayo!" Nanlaki ang mata ko at naestatwa ako. Shiz alam na ng mama niya?! Nakuha ni Nadine ang atensyon ko sa pasimple niyang pag ngisi.

"Hindi ka naman mahal ng anak ko eh. Ginagawa niya lang yan dahil ayaw niyang pinapangunahan ko siya. Magkano ba ang kaylangan mo?!" Sigaw pa ng mama ni Ian sakin. Napapikit nalang ako sa sigaw niya. Shiz hindi nila alam ang buong pangyayari! this is so wrong!

Bakit lahat nalang ayaw samin. Ayaw na maging masaya at hayaan nalang kami? Si Guia ginugulo kami. Si Nadine nilalandi si Ian pati ngayon ang mama niya tutol na din samin ni Ian! Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Tigilan mo na ang anak ko kung ayaw mong ipatanggal ko ang lola mo sa PHC. You know that the doctor thats taking care of your lola is our family doctor. Ian didnt realize that dr. Santiago is very loyal to me. If you want money for your lola then ill give it to you. you think Ian can afford all your lola's fee? No! Lahat ng pera ni Ian ay galing sakin. Yes may pinaghirapan siya para sa kumpanya pero sakin pa din galing ang lahat ng yon!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I cant lose lola! Siya nalang ang pamilya ko!

"Times up- What the hell Ma?!" Biglang pumasok si Ian at napatakbo sakin. Pinunasan niya ang luha kong hindi ko na napansin ang paglandas sa mga pisngi ko.

"What did you do?!" Galit na sigaw ni Ian sa mama niya at kay Nadine. Hinawakan ko nalang ang braso niya at hinila na siya papalabas don.

"Ill give you three days to decide Serah." Iyon nalang ang huling salita ng mama niya na narinig ko.

Anong gagawin ko?!

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon