#11
____________________
Nakakaistress.
"ANO? NAG DINNER KAYO?!" Tinakpan ko ang bibig ni Guia. Ang lakas kasi ng sigaw niya -_- Kinukwento ko kasi sakaniya yung nangyari kahapon nagagalit kasi siya sakin dahil hindi daw ako nagtext sakaniya. Eh siya nga tong hindi sumasagot nung papasok palang ako ehh usapan sabay kami eh.
"Bakit nahihiya ka? Naka date mo si Joshua Madrid! anong nakakahiya don?" Daldal niya pa. Hindi ko nga alam kung date ba talaga yon oh naaawa lang siya sakin kasi hindi rin ako kumain haha! ewan ko.
"Hindi naman date yon eh" Pinaltukan ako ni Guia. Bwiset to ang sakit ah! Napahawak nalang ako sa ulo kong pinaltukan niya.
"Dalawa lang kayo, Gabi yon, Dinner sa isang mamahaling restaurant. Talaga bang wala kang alam sa relationship?" Hinawakan niya ang noo niya na para bang naiistress sakin. Malay ko ba sa relationship na yan? Wala akong oras para jan.
"Hay nako. Trabaho muna bago yan" Bumati na ulit ako ng mga pumapasok sa shop at nagsimula na ulit mag trabaho.
Ayoko talaga isipin na date yon. Ayoko lang mag assume tsaka wala naman ako alam sa date date na yan basta ang alam ko lang nilibre niya ko ng dinner yon lang. Nagiging mabait na boss lang siya sakin. Obvious naman na yon ang nangyayari eh.
Matapos ng trabaho namin ni Guia sa stylenanda shop umalis na kami para sa susunod na trabaho namin at yon ang pagiging alalay ng mga model. Pumunta muna ako ng mercury drug para bumili ulit ng gamot ni lola. Naalala ko naman ang pagkabadtrip ko sa halimaw na yon noong nagkita ulit kami dito. Grr! nakakainis yung mga ganun. Bakit hindi nalang siya maging kasing bait ni sir Josh?
Ibinuhos ko lahat ng nakuha ko sa pag p'PA sa gamot lang ni lola. Hayy buti nalang at may natira pang 50 pesos kahapon. Hindi na kasi ako namasahe pauwi kahapon kaya yung dapat ay pamasahe ko pauwi kahapon ay yun nalang gagamitin kong pamasahe papunta ngayon. Paglabas ko ng mercury drug naglakad lang ako papunta ng ospital. Excercise? Naisip ko yung tanong ni sir Josh kahapon ano ba daw ang hobby ko. Siguro ang paglalakad haha!
Patawid na sana ako nang may isang kulay itim na sasakyan ang humarang sa daan. Bwiset? muntik pa ko masagasaan!
"Hoy muntik mo na ko masagasaan ah!" sigaw ko habang binababa ng mokong ang bintana ng sasakyan niya. Mas lalo naman naginit ang ulo ko nang makita ko ang hindi ko gusto makita sa araw araw kong namumuhay sa mundong ibabaw -_-
"Hey PA, ang init init na nga ang init din ng ulo mo? hahah! " Tumawa pa siya na parang bata. Seryoso bakit siya nandito -_-
"Kasi naman po sir muntik niyo na ko masagasaan" Umirap nalang ako sa kawalan at nag smirk lang siya. GRR! i hate this man!
"Come on, we got some business to talk about" Nagtaas naman ako ng kaliwang kilay sakaniya. Anong pinagsasabi neto? Wala akong oras sa mga kalokohan at kaylangan ko pa pumuntang ospital.
"Sir may pupuntahan pa ako. Kaya next time nalang po" Nag pekeng ngiti lang ako at tumawid na at nilagpasan ang sasakyan niya.
Akala ko ay nakatakas na ko pero hindi pala! nakita ko ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada patuloy akong sinusundan. Problema ba kasi niya??! grr kung hindi ko lang siya boss pinabayaan ko na siya jan ehh! Kinatatakot ko kasi baka matanggal ako sa trabaho -_- Tumigil ako sa paglalakad at napaface palm nalang. Effort niya talaga sundan ako para inisin noh?
"Kung may pupuntahan ka pa ok lang, Come by my office after your work as a PA. I'll wait for you. Pag hindi ka pumunta sisante ka na" Yun lang ang sinabi niya at bago pa ko umangal ay humarurot na siya. GRR!
Kinalma ko ang sarili ko at tinext si Guia na hindi kami magkakasabay ng uwi mamaya. Pagpasok ko sa public ward kung saan nandoon si lola ay nakita ko agad siya na may kausap na bata, 10 or 9 years old siguro yung bata.
"Lola ito na po ang gamot niyo." Nag mano ako sa lola ko at ipinakita ang paper bag kung saan nakalagay ang mga gamot niya, nurse na bahala sakaniya kasi nurse lang kaya mag asikaso ng gamot niya. Hayy hanggang ngayon hindi pa ok si lola kaya hindi pa siya makalabas ng ospital.
Pinakilala sakin ni lola ang bata at anak pala iyon ng kasama namin na pasyente dito. Buti naman at may nakakausap si lola pag wala ako dahil ayaw pa naman nito ng nakahiga lang. Nakausap ko din ang doctor ni lola at sa kasamaang palad hindi padin umaayos ang lagay ni lola. Kaylangan lang daw imaintain ang mga gamot. Hayy goodluck sakin. Goodbye muna sa college dream ko.
"Malapit na din ang test na isasagawa namin sa lola mo para malaman ang sakit niya. Hindi kasi kami sigurado sa trangkaso na nararamdaman niya kasi iba ang nangyari sa lola mo at alam namin na hindi lang ito basta trangkaso. You have to get at least 7 thousand pesos para sa magiging gastusin ng lola mo." Sabi ng doctor sakin bago ako magpaalam at umalis.
Pagtapos ko sa ospital ay nagkita na kami ni Guia para sabay pumunta sa Martin Group building. Maghapon nanaman akong nagalalay kay sir Josh. Lumilipad ang utak ko, 7 thousand? san ako kukuha non? 2,500 lang kada sahod nakukuha ko sa stylenanda tapos 3000 kada araw sa PA. Makakaipon naman siguro ako.
"Hey lumilipad nanaman sa Mars utak mo ah?" Pagbibiro pa ni sir Josh. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Hindi ko kaya maging masaya ngayon. Inaalala ko si lola.
"May problema ba?" Tanong niya pa sakin habang inaayusan siya ng artist niya para sa commercial shooting nila.
"Wala ito. May nawawala lang akong gamit iniisip ko lang san ko nalagay hehe" Tumango nalang si sir Josh at mukang naniwala naman siya sa pagpapalusot ko.
Matapos ang trabaho ko sa PA dumiretso na ulit ako kay Ma'am Marie para kunin ang pay ko. Hindi na kami umalis ni sir Josh umuwi na siya agad kasi masama ang pakiramdam. Lalagnatin ata >.<
"Oh Serah, Dumaan ka daw sa office ni Sir Ian ngayon na. Magagalit yon pag di mo sinunod" Seryosong sabi ni ma'am Marie sakin.
Naalala ko oo nga pala may sinabi siya kanina. Hayy wag naman sana isa sa mga kalokohan niya dahil wala talaga ako sa mood makipag lokohan sakaniya. Naiistress na ko sa bagay bagay sa paligid ko hayy. Kelan ba matatahimik ang utak ko.
[a/n: picture po ni Ian sa side :)] >>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...