#63
____________________
I will fight for you.
Nagising nalang ako sa mga boses na nagbubulungan. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Masakit ang ulo ko at pakiramdam ko pagod na pagod ako. Napahawak ako sa ulo ko sa sakit na tila ba bibiyakin na ang bungo ko.
"Wag mo na pilitin tumayo Serah" Napatingin ako kay Ian na ngayon ay lumapit sakin para alalayan ako. Puno ng pagaalala ang mga mata niya. Hindi ko pa din talaga inaasahan na nandito pa din siya.
"Si..Lola?" Tanong ko pa. Umiling lang si Ian at malungkot ang mga mata. Oo nga pala...Tumulo nanaman ang luha ko. Pinahid ko agad ang luhang kumawala sa mga mata ko at huminga ng malalim.
Hindi pa din nag sisink in sa utak ko na wala na ang lola ko. Hindi ko man lang siya naabutan. Hindi ko man lang naibalita sakaniya ang matagumpay na event ng fashion week. Sigurado akong sobrang matutuwa siya pero ngayon.. Hindi ko na alam.
"Ito oh. Binigay to sakin ng nurse kanina. Siya daw yung nagbabantay kay lola Jessy at pinapabigay daw to ni lola jessy sayo" Mahinahong sabi ni Ian sakin at inabot ang isang papel. Mas lalo akong napaiyak ng mabasa ko ang sulat doon. Sulat ito ni lola.
Serah apo,
Pasensya ka na sa lola at hindi na kita naantay. Sobrang pagod na kasi ako at gusto ko na magpahinga. Napanuod kita sa telebisyon kahapon. Sobrang masaya ako para sayo. Lagi kong pinagdadasal ang pag ahon mo sa hirap. Ayoko maranasan mo pa ang hirap natin lalo na ngayon at mawawala na ko. Maging matatag ka apo. Mahal ka ni lola. Wag ka na masyado umiyak ha? Maayos lang ako at lagi pa din kita ipagdadasal pag dating ko sa langit. Mahal kita apo lagi mo aalagaan ang sarili mo. Wag kang magalala apo masaya naman ako kaya dapat maging masaya ka din. Paki pasalamatan din ang binatang lagng dumadalaw sakin, sabihin mo na din na salamat sa pagaalala niya. Mahal kita apo ko. Paalam.
Humahulgol na ko dahil hindi ko na kaya ang bigat na nadarama. Alam kong pagod na ang lola ko sinabi na niya yon sakin eh. Kung masaya siya na ganito masaya na din ako. Salamat lola salamat sa lahat.
--------
Ilang araw ang lumipas lagi kong nakakasama si Ian. Laking pasasalamat ko sa mga oras na dumadalaw siya at inaalala ang lola ko. Inamin niya naman sakin na napamahal na din si lola sakaniya kaya lagi niya itong dinadalaw.
Inayos namin ni Ian ang libing ng lola ko at naging maayos naman ang pamamaalam namin. Isang linggo na din ang lumipas noong ilibing si lola. Bilin niya kasi sakin noon isang araw lang siya iburol dahil ayaw niyang matagal pa siyang mapunta sa langit. Nagalit pa nga ako kay lola noong sinabi niya yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17833912-288-k445032.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...