TGC#40

25.9K 467 8
                                    

#40

____________________

Party?




"Woooo! Parteeehhhh!" Sigaw ng mga tao sa loob ng Vanity club.



Nandito na kami sa tapat ng entrance ng Vanity club. Hinihintay namin si Celine at Josh na dumating. Habang binabati si Ian ng mga kaibigan niya hindi pa din naaalis ang pagkapulupot ng kamay niya sa baywang ko.



Nagiinit ang pisngi ko pag nakikipag high five siya sa mga lalaki niyang kaibigan tapos babalik ulit ang kamay niya sa baywang ko na para bang mawawala ako pag hindi niya ko hinawakan.



So ngayon kami na nga ni Ian at base sa mga aksyon niya official na talaga to. Alam ng lahat na matagal ng kami ni Ian pero para samin dalawa ngayon palang naging opisyal ang lahat.



"Uy pare! happy birthday!" Sabi ni Luis sakaniya at may dalawa pang babae siyang kasama na binati din si Ian. Napatingin sila sa kamay ni Ian na nakahawak sa baywang ko.



"Oh my god. You guys are so sweet. Sana may Boyfriend na din ako!" Sinigaw iyon ng babae sa tenga ni Luis at natawa na lang kami.


Ilang minuto pa ang lumipas wala pa si Josh at Celine. Nasan na kaya sila? Sobra naman at makapag ayos si Celine baka siya yung pagkamalang may birthday niyan ehh hahaha!



Peepp!! peeepp!! Busina ng sasakyan ni Josh na tumigil sa tapat namin.


"Park lang ako!" Sigaw ni Josh nang lumabas si Celine sa sasakyan niya.



"sige bilisan mo" sagot niya pa kay Josh tsaka humarap sakin.



Suot niya ang damit na binili namin kanina. Fitted black shiny shimmering dress na puffy sa bandang baywang pababa. Naka kulot ang mahaba niyang buhok at naka natural make up with pink lipstick. Napaka ganda talaga.



"Happy birthday Demonyo!" Bati niya sa kuya niya at nakipag beso beso. Pasimple akong tumawa sa kasweetan nila magkapatid haha!



"ay oh ang sweet! Kuya pwede mahiram muna si Serah? May ibubulong lang ako. Girls talk" Sabay hila niya sakin papalayo sa kuya niya bago pa makaangal ang kuya.


Nakalayo na kami pero hindi naman ganun kalayo. Yung tamang hindi lang maririnig ni Ian ang paguusapan namin. Ano kaya ang paguusapan namin. Bago magsalita si Celine at tumingin ako kay Ian na ngayon ay kausap ang mga kaibigan niyang kakadatin lang.


"Look. Guia called me earlier. Sabi niya magusap daw kayo mamaya. Ikaw lang at siya. Kuya is not allowed to come as in kayong dalawa lang daw" Bulong niya sakin. Ano naman kaylangan niya? Pwes. Kaylangan ko din siya makausap i have too many questions.


"Saan daw?" Mahinang tanong ko kay Celine.



"Sabi niya sa play ground daw? Alam mo na daw saan yon eh" Sagot niya sakin. No no no. hindi pwede don! Ang dilim dilim don tapos dalawa lang kami? hindi ako duwag pero hindi din ako bobo para basta basta nalang makipag kita doon.


"Ganito nalang. Samahan niyo ko ni Josh pero magtatago kayo" Sabi ko. Tumango naman si Celine.



Its planned. Mamaya pagtapos ng party ni Ian ihahatid niya ko sa condo then pag nakaalis na siya susunduin naman ako nila Josh at Celine at tsaka kami aalis papunta don.


Hindi naman siguro tanga si Guia para isipin na pupunta lang ako magisa sa lugar na yon noh? at hindi naman ako tanga para hindi maisip na something bad will happen. Knowing Guia? Madami siyang kilala na pwedeng kumanti sakin sa lugar na yon. She can do anything for Ian. Hindi natin alam ang pwede niyang gawin.


"Tara na sa loob." Inakbayan ako ni Ian at hinila ang dress ko pababa.


Sabi niya masyado daw maiksi ang dress ko. Para sakin tama lang naman to. Siguro hindi lang siya sanay na nag dedress ako. Pumasok na kaming apat at dumiretso sa VIP lounge.


Habang naglalakad kami papunta sa VIP Lounge madaming humaharang at bumabati kay Ian. Yung iba nag abot pa ng regalo. Yung isang kamay ni Ian puno na ng regalo yung isa niya naman kamay nakahawak sa kamay ko.



"Hey Ian. Happy birthday" Nanlaki ang mata namin sa babaeng di namin inaasahan na pupunta dito. Ang lakas naman ng loob niya!



"Guia. What are you doing here?" Seryosong tanong ni Ian na may halong pagkairita sa tono niya.



"Well. Open party to diba? at kilala kita at kilalang kilala mo ko so why not? Masaya naman siguro dito since may napaka memorable na moment tayo dito diba?" Pataray na sagot ni Guia. Pinasadaan niya ko ng tingin at napuno ng galit ang mata niya ng mapatingin sa kamay ni Ian na nakahawak sa kamay ko.


"What a slut." Bulong ni Guia bago uminom ng cocktail na hawak hawak niya.

"How dare you call her that!" Susugurin sana siya ni Celine pero pinigilan ito ni Josh.

Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Ian at kinagulat niya naman ito. Lumapit ako kay Guia at sinampal siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagtapos ng mga taon namin na magkaibigan ito pa gagawin niya sakin? Sisiraan niya ko tapos ako pa ang slut?

Dahil sa wild na ang mga taong pumaparty wala masyadong nakapansin samin. Hinawakan ni Guia ang pisngi niya at tinignan ako ng masama. Bigla niya naman tinapon sakin ang hawak niyang cocktail. Hindi na ko nakaiwas. Damn!

"Wala kang kwentang kaibigan Serah! Mangaagaw ka!" tinuro turo niya pa ko. Hinawakan ni Ian ang kamay ko at hinila ako pabalik sa tabi niya. Huminga ako ng malalim bago pa magsalita.

"Wala akong inagaw sayo Guia. Dahil simula pa lang hindi na siya naging sayo." Napanganga siya sa sinabi ko at dali dali nang umalis sa harap namin.

"Ill make your life a living hell Serah! Mark my words!" Sigaw pa ni Guia.

"I wont let you do that bitch" Mariin na sagot ni Ian. Nakita ko ang paglandas ng luha ni Guia sa kanyang pisngi bago tuluyan tumalikod at lumabas ng club.


"Im so proud of you. My angel turned into a devil" Bulong ni Ian sakin.

"If you're a devil then i guess ill be a devil too" i smirked at him.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon