#65
___________________
Buntis ako.
Nagising ako sa alarm ng phone ko at agad naman akong napabalikwas. Shit. Shit. Shit! Malelate ko! Agad akong naligo at ginawa ang morning routine ko.
May pasok kasi ngayon at last day na! Hindi pa din ako makapaniwala na graduation na bukas. Wala na kaming klase at pasahan nalang ng nga requirements ngayon.
Papaalis na sana ako ng bahay nang magring ang phone ko. Tinignan ko ang screen ng phone ko at nakita kong si Kris ang tumatawag. Agad ko namang sinagot.
"Hello?"
[Hello Serah. I have a good and bad news for you]
"Ano ba yan Kris. Malelate na ko ano ba yun?"
[Haha! Sorry. Well the good news is lolo Frederico is here and also lola Sabrina]
Wait.. Lolo Frederico? Lola Sabrina? Naaalala ko sila ang mga magulang ni papa. Bakit sila nandito? Mixed emotions ako. Masaya ako na makikita sila pero kinakabahan ako.
"So whats the bad news?"
[Ayos na ang papeles mo at you only have 3 days before you leave this country]
"Ano?! Bakit ang bilis naman?"
[Actually pinakiusapan ko na nga lang si lolo na iurong pa kasi ang gusto nila umalis ka na bukas. Well kaylang din kasi bumalik ni lolo ng Australia agad dahil sa mga importanteng business matter pero they want to attend your graduation kaya sila nandito]
"Pano yan..Kris i cant leave yet. Madami pa kong kaylangan asikasuhin"
[Maybe you can talk to lolo. May dinner tayo mamaya kasama sila. Ill pick you up later]
"Hay sige. Bye na at papasok na ko"
[Ok. Take care]
He ended the call. Huminga ako ng malalim. Everything is going too fast! Grr! Bahala na nga mamaya! Agad akong naglakad papuntang sakayan at pumasok n ng school.
Pagkapasok na pagkapasok ko agad ng building may isang kumpulan ng mga estudyante na agad ang nakita ko sa tapat ng bulletin board. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso sa locker ko para kunin ang mga ipapasa ko.
"Seraaaahhhh!!!" Tili ni Celine sakin. Agad niya kong hinila papasok ng cr ng mga babae.
"Labas! Labas dali!!" Utos niya sa mga babaeng freshmen na nasa cr. Agad naman silang nagsunuran kay Celine.
"Ano bang mero-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa ngiti niya sakin na nakakaloko.
"Kayo na ulit ni kuya no?" Tanong niya. Agad kong naalala ang usapan namin ni Ian kahapon. I dont know how to react.
"Serah. Alam kong sikreto muna niyo yon pero may ginawa kasi si kuya kagabi kaya alam kong kayo na ulit" Tinaas baba niya pa ang kilay niya na parang bata. Geez.
"Ano naman ginawa ng kuya mo?" Tanong ko.Nakucurious din naman kasi ako.
"Ngumiti siya." Nakita ko ang saya sa mga mata ni Celine.
"Serah i know that only you can make him smile like that. He even kissed my head and thank me. Sobrang good mood siya kagabi" Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Shit. Naalala ko ang sinabi ni Kris kanina. Aalis nanaman ako at maiiwan ko nanaman si Ian. Ano nang gagawin ko?. Ian over family again?? Kelan ba matatapos to?!
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...