TGC#18

28.8K 578 1
                                    

#18

____________________

Good news, Bad news.

Tahimik lang akong nakatingin sa kalsada habang nasa loob ng sasakyan niya. Alam niyo yung sasabak kayo sa gera na walang armas at walang kaalam alam s pag kasa ng baril? ganun yung pakiramdam ko. Kaya hindi ko na napigilan magtanong.

"Uh...Ian ano bang gagawin ko?" Tanong ko sakaniya. Diretso parin ang tingin niya sa daan.

Napansin ko na kinakabahan din siya tulad ko. Seryoso ang muka niya, Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay. Badtrip o kabado?

"Just act natural Serah. Pag may tinanong si mama tungkol sa pamilya mo ako na ang bahala mag salita. Alam mo naman siguro gumalang no? Then we'll be alright." Tumango nalang ako at hindi na ulit nagsalita.

Ilang minuto pa ang lumipas tumigil na siya sa tapat ng isang sikat na hotel. Nang buksan ng isang boy ng hotel ang pintuan ay kinabahan na ko ng sobra. Pakiramdam ko lumilipad ang paa ko.

Pagbaba ko ng sasakyan niya ay napatingala nalang ako sa taas ng hotel na ito. Nakita ko ang magarang initial na M sa entrance ng hotel. Martin Hotel, Ito ang pinakatanyag at sikat na hotel sa buong pilipinas.

Nakita ko si Ian na naghihintay sakin at napalunok naman ako bago siya lapitan. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa braso niya. Para na kami ngayon magpapapicture sa prom o sa kasalan. Habang naglalakad kami papasok ng hotel nakita ko ang mga ngiti at mg mata na nakatuon kay Ian.

Naka suit na itim at egante ang itsura niya ngayon. As always sumisigaw ng kayamanan ang itsura niya. Halos hindi na nga ako mapansin na kasama niya dahil para siyang isang artista sa isang sikat na tele nobela.

"You're shaking." Bulong niya sakin at medyo tumawa pa. Kinurot ko namanang braso niya pero walang nakapansin non. Ngumuso lang siya at inirapan ako.

"Sino bang hindi manginginig sa gagawin natin. Kinakabahan ako" Umirap nalang ako sa kawalan. Totoong kinakabahan ako nagpapawis na nga ata ako ng malamig kaya lang lamig din dito.

Pumasok kami sa isang restaurant. Madaming artista at mga mararangyang tao ang nandito. Nakita ko pa ang apo ng presidente sa isang round table.

"Calm down Serah. Kanina ka pa namumutla" Aniya. Hindi ko na siya pinansin dahil may nakita akong isang babae na pamilyar sakin.

"Nandito si Celine?!" Nginitian niya lang ako at nagulat nalang ako nang nasa tapat na kami ng table kung saan nakita ko si Celine.

Napansin ko ang gulat na ekspresyon ni Celine. Pabalik balik sakin at kay halimaw ang tingin niya. Para bang gusto na niya ako hilain palayo at tanungin ako. Buti nalang at magkatabi kami nang umupo na kami ni halimaw. Agad akong kinalabit ni Celine.

"Bakit kayo magkasama ni kuya? Anong meron sainyo?" Pabulong niyang tanong sakin.

"Kasi..ano..uh..ano kasi si Ian kasi" Nagpapanic na ko! Hindi ko na alam sasabihin ko. Shizz ang tagal ko nakatunganga sa sasakyan kanina tapos hindi man lang pumasok sa utak ko na kapatid nga pala nitong halimaw na to si Celine!

"Don't ask her questions Celine, i'll tell everything later." Bulong niya sa kapatid niya. Nagkibit balikat nalang si Celine at nginitian ko nalang siya. Ewan ko ba ano ba kasi tong pinasok ko.

"Kuya if you're planning on some shit like the last time, STOP IT" Inirapan na niya si Ian at nilapit ang upuan ko sakaniya. Para bang inililigtas niya ko sa kuya niya. Thank you Lord!

"Pwede ba. Wag mong ilayo sakin yung GIRLFRIEND ko" Binigyang diin niya pa yung salitang 'Girlfriend' kaya nalaglag na ang panga ni Celine. Napa face palm nalang ako.

Magsasalita pa sana si Celine pero hindi na niya natuloy nang may dalawang lumapit samin. Isang babae na nasa 40s na ang edad. Mukang sopistikada at strikta ang itsura niya. Elegante, Maganda at marangya ang itsura niya. Nakakatakot siya sa totoo lang pero sa tuwing nakikita ko ang features niya na kahawig kay Celine ay nagdadalawang isip ako. Ito na siguro ang mama niya. Napalunok nalang ako at halos iwan na ko ng kaluluwa ko.

May isang lalaki naman sa tabi niya na kahawig naman ni halimaw. Pero muka siyang mabait at simple. Nasa 50s na ang edad at nakasalamin. Maganda ang tindig at malaki din ang katawan. Gwapo talaga at kamuka ni halimaw. Ito na siguro ang papa niya.

"Ma" Tawag ni Celine sa babae. Tumayo kaming tatlo at lumapit sa dalawa. Tumingin ang babae kay Celine at niyakap ito. Mas lalo akong kinabahan nang tumingin siya sakin.

"Ma, Pa" Sabi pa ni halimaw at niyakap din ang dalawa bago bumalik sa tabi ko. Ngayon sakin na silang lahat nakatingin.

"Who is this young lady, Ian?" tanong ng kanyang papa. Pinadausdos niya ang kamay sa baywang ko at inilapit sakaniya. Para bang may kung anong kuryente na nang gagaling sa kamay niya na gumapang sa likod ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"She's my...Girlfriend" Ngumiti pa si halimaw kaya wala na kong nagawa kundi sumakay nalang sa nangyayari. Magpanggap na girlfriend ng isang Ian David Martin.

Lumapit sakin ang kanyang ama at nakipag handshake sakin. Ngumiti ang papa niya at tumingin kay halimaw at pabalik ulit sakin.

"What's Your name hija? Im Ian's father. Call me tito Kevin." Ngumiti naman ako at gumaan ang loob sa bait ng papa niya.

"Serah po. Nice to meet you tito Kevin" Kinalas ang kamay niya sa kamay ko at inilapit ang asawa sa harap ko.

"Serah? What's your family name Serah?" Tanong ng kanyang mama sakin. Ramdam ko ang haplos ni halimaw sa likod ko at nagpapasalamat ako dahil kumalma ako nang naramdaman ko iyon.

"Javier po. Serah Devone Javier po" Naglahad ako ng kamay at tinanggap niya naman ito. Cold ang ekpresyon pero salamat na din at hindi ako napahiya.

Umupo na kami at narinig kong bumulong si Celine sakin.

"Good news. But bad news."

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon