TGC#14

29.8K 584 5
                                    

#14
____________________

Give and Take.


Kinabukasan rest day ulit. Mixed emotions ako pag rest day. Masaya kasi pahinga ako pero malungkot din. Pano ba naman walang sweldo walang madagdag sa ipon pang bayad sa ospital bills ni lola.

"Hello ate!" Sigaw ni Adrian pagpasok ko ng kwarto. Ngumiti ako sakaniya at inilapag ang prutas na nabili ko kahapon.

"Kamusta kayo lola?" Tanong ko kay lola pagtapos kong magmano.

"Ayos lang ako hija. Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ni lola. Nanghihina siya kahit hindi niya sabihin ay halata sakaniya yon.

"Wala po. Day off" Hiniwa ko ang mansanas at nagkwentuhan naman kami ni Adrian habang chinicheck si lola ng nurse.

"Ate may gwapong binata na pumunta dito kanina. Matangkad siya tsaka mukang sekyu! nakakatakot nga eh" Kwento pa ni Adrian habang nilalantakan ang mansanas.

"Huh? Lalaki? Anong sabi niya?" Tanong ko. Sino kaya ang lalaking yon. Baka napadaan lang? Wala naman akong naaalala na kilala ni lola na binata. Sino naman kaya iyon?

"iningles niya ako ate eh hindi ko naman siya kinausap dahil sabi ni lola wag ako makikipagusap sa hindi ko kilala" Bumuntong hininga nalang ako. Sino kaya iyon.

Krrriiiiinnnggg!!!

Kinuha ko kaagad ang phone ko sa bulsa at sinagot kung sino man ang tumatawag.

"Hello?"

[Meet me at my office in 10 Minutes. Dont be late] Agad niyang binaba ang linya.

Hindi niya man sabihin kung sino siya alam ko naman na si halimaw yon. Yung lang ng awtoridad sa boses niya alam ko na agad na siya yon.

No choice. Kaylangan ko pumunta kung gusto ko pang magkatrabaho. Inayos ko ang sarili at nagpaalam muna kay lola. Sinabi ko ding babalik ako kaagad. Hindi naman siguro matagal ang kung anong meron sa opisina ni halimaw.

Tinahak ko ang daan palabas ng ospital. Bakit ganun bigla akong kinabahan? Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Huminga naman ako ng malalim bago sumakay ng jeep papuntang Martin Group building.

Wala din si Guia ngayon dahil nag enroll siya. Sayang sana nakapag enroll na din ako ngayon. Dibale na makakaipon din ako.

Tiinnnggg!

Bumukas na ang elevator at pumasok na ako. Pinindot ko ang 10th floor. Well this better be good Ian Martin! Kesa sa binabantayan ko si lola nandito ako kahit restday.

Paglabas ko ng elevator ay agad akong pumunta sa office niya. Hindi na ko hinarang ng secretary niya nang dirediretso akong lumapit sa pintuan.

Kumatok ako bago buksan ang pintuan. Nakita ko naman si halimaw na seryosong nakatingin sa laptop niya at sumusulyap sa isang papeles na hawak niya.

"Come in. Dont just stand there Serah" Napatalon naman ako sa sinabi niya. Ganun ba talaga siya? Lagi niya nalang akong nagugulat eh.

"Ano bang paguusapan?" Tanong ko sakaniya. Lumapit naman ako sa tapat ng table nita at tinignan siya.

Seryoso ang itsura niya. Nanliliit pa lalo ang singkit niyang mata habang binabasa ang isang papeles na hawak niya. Gumagalawa naman ang perpektong jaw line niya sa bawat pagsasalita. Yung Ilong niyang matangos at sakto sa muka niya. And there is his lips, Redish at smooth ang itsura ng labi niya. Para bang lagi nag lilip gloss?

"Are you listening Serah?" Naiirita siyang nagtanong sakin. Napatalon naman ako nang narealize na hindi pala ako nakikinig. Shizz!

"Ah..ano ulit?" Tanong ko pa. Pasensya na!

"Sabi ko. Uuwi na si mama sa isang araw kaylangan namin magusap at iyon na ang engagement na tinutukoy ko sayo." Paguulit niya. Binaba niya ang papel na hawak at tinuon ang pansin sakin. Kaylangan ko na ba magdesisyon ngayon? As in ngayon na?

Inisip ko. Ipapakilala niya ko as girlfriend sa lahat dahil sa kontrata pero ang iisipin nila ay totoong girlfriend niya ko. Hindi ko pwede itanggi kasi ayon sa rules sa kontrata walang pwedeng makaalam na may kontrata kami.

Naalala ko pa ang isang rule sa kontrata na hindi ako pwede tumanggi sa kontratang yon. So wala rin ang pagtatanong niyang ito diba? Eh anong gusto niyang mangyari?.

"We have to get ready Serah. And i know you need me more than i need you. Simple lang to at give and take tayo. You be my girlfriend and ill pay for your grandmother's needs" Nagulat naman ako sa sinabi niya at naalala ko ang sinabi ni Adrian kanina.

"Ikaw ba yung nagpunta sa ospital kanina?" Tumango lang siya at inihagis sa harap ko ang resibo na bayad na lahat ng bills ng lola ko sa ospital. Seryoso talaga siya dito!

"Give and take Serah"

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon