#34
____________________
I Think I'm Falling inLove with you.
Napatakip ako ng bibig nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko. Ano ginagawa ni Guia dito? Anong oras na ah? Tumahimik lang ako nang marinig ko pa ang paglapit niya.
"You can't be with Serah. Joke ba to?" Ramdam ko ang pagkaseryoso niya sa bawat salitang binibigkas niya.
"Psh. You came here just to tell me that? Sinasayang mo ang oras ko" Ang harsh niya! Pero bakit nga ba ganon magsalita si Guia?
"Ano bang nagustuan mo sakaniya? Ian simula nung nagkita tayo sa bar hindi na kita tinigilan. What makes Serah special huh?" Galit na ang tono ng boses niya. Nagkita na sila dati? sa Bar?
Lagi niya ko niyayaya mag bar tuwing sweldo namin pero di ako sumasama kaya di na din siya natutuloy pero kelan kaya sila nagkita ni halimaw at bakit mukang matagal na silang magkakilala?
"Guia, If Serah's not the right girl then who? You? Dont make me laugh"
"Ian hindi ako nagbibiro. You took my virginity. Sabi mo you like me. Tapos sasabihin mo hindi mo ko gusto? That everything's just a game? You lied!" Hinampas ni Guia ang desk. Naawa na ko sa mga naririnig ko. Gusto ko nang lumabas dito at yakapin na siya.
"Im sorry Guia. Mahal ko na si Serah and you cant do anything about it." Sabi pa ni Ian sakaniya. Narinig ko na ang paghikbi ni Guia. She gave Ian her virginity tapos binalewala lang ng halimaw na to? Ganon ba siya ka hard sa mga babae??
"Hindi mabuting tao si Serah. Peperahan ka lang niya Ian! Peperahan ka lang niya para mapagamot ang lola niya. She's a Gold Digger for god's sake! Shes a slut! A whore-" Napatayo si Ian at sinuntok ang desk niya halos mapatili na ko sa lakas buti nalang malakas ang pagsuntok niya at hindi narinig ang mahinang tili ko dahil sa gulat. Napapikit nalang ako at niyakap ang sarili ko. How could Guia do this to me? Hindi totoong pineperahan ko si Ian!
"How dare you to say something like that huh?! Sino ba tong nakipag one night stand sa lalaking basta nakilala niya lang sa bar? si Serah ba? Diba ikaw? Ikaw and SLUT, WHORE At Gold Digger dito hindi si Serah. You call yourself a friend? Backstabing Serah? Mahiya ka naman sa ginagawa mo Guia!" Hindi na napigilan ni Ian ang pag sigaw at tila ba konting pitik nalang eh susugurin na niya si Guia. Hinawakan ko ang paa niya at nakita ko umupo na ulit siya.
"Pero Ian im telling the truth! Pera lang ang-" Hindi pa tapos ang desperadang pag sasalita ni Guia sumigaw na naman si Ian.
"Get out! o gusto mo pa magpakaladkad sa guard.!" Narinig ko ang pagdabog ni Guia at nagmartsa na siya palabas.
Dahan dahan akong tumayo at tinulungan naman ako ni Ian. Umupo ako sa sofa at doon ko na naibuhos ang luha ko. God knows im not using his money! I'm not using anyone! Bakit ba kasi hindi ko naisip to bago ako pumayag sa kontrata na to eh! Pero hindi eh! Hindi ko kasalanan kung hindi siya magustuhan ni Ian. Labas na ko sa kung anong namamagitan sakanilang dalawa!
"You call that a friend? Kita mo pinagsasabi niya" Naglahad si Ian ng tissue at kinuha ko naman ito. Alam ko na kung bakit niya ko dinala dito. Gusto niya malaman ko kung anong pinagsasabi ni Guia pag wala ako.
"Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Dati ang alam ko simpleng crush lang ang nararamdaman niya sayo pero hindi pala. Seryoso siya at pursigido sayo. To the point na siraan na niya ko na matagal na niyang kaibigan para lang sayo." Naramdaman ko ang mainit kamay ni Ian na humaplos sa likod ko at pinapakalma ako.
"Don't worry kahit ano pa ang sabihin nila sayo lang ako makikinig. Alam ko naman sa sarili ko na hindi mo ko ginagamit. You're not that kind of person Serah." Marahan niyang sabi sakin.
Nakita ko nalang siyang pumunta sa harapan ko at umupo para maabot ako. Yumuko lang ako nang makita ko siya na malapit sakin. Nahihiya akong makita niya kong ganito. Pinunasan ko ang luha ko pero ayaw pa din tumigil. Marahan niyang hinawakan ang chin ko at iniangat ang muka ko. Nakita ko ang mga nagaalala niyang tingin sakin.
"I don't want to see you cry Serah. Please don't cry. Masakit eh" Aniya at pinunasan niya ng thumb niya ang luha ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong ibig sabihin niya? Hindi ko nanaman siya maintindihan.
"Anong ibig mong sabihin?" Mahinang tanong ko sakaniya at pinilit itigil ang pagiyak ko. Halos hindi na ko makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko. Ang lapit niya sa muka ko isang dangkal nalang ang layo!
"This is what i mean" Hinawakan niya ang kamay ko at nilapat sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso niya. Kinakabahan ba siya? Bakit parehas kami na halos sobrang bilis na ng tibok ng puso?
"Let's end the contract Serah" Aniya at dahan dahan lumapit at hinalikan ako. Mainit, malambot at nakakalasing ang halik niya. Hindi ito tulad ng halik niya sa field noon. Mas matagal ito at mas mabagal.
Nakita ko ang mata niyang nakapikit at hindi ko na din maiwasan gantihan ang halik niya. Ano ba tong nararamdaman ko sakaniya? Hindi pa ko naliliwanagan dahil litong lito ako sakaniya. Minsan sweet siya pero hindi ko alam kung para ba yon sa kontrata o totoong may nararamdaman na siya sakin.
"Bakit natin tatapusin ang kontrata Ian?" Mahinahon kong tanong pag kahiwalay niya sa halik namin. Nakaawang pa din ang bibig niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ng totoong ngiti. Yung ngiti na hindi ko pa nakikita, yung ngiti niya na ngayon ko lang nakita sakaniya. Yung totoo na masaya siya kaya ganyan siya makangiti.
"I think im starting to fall in love with you."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pakiramdam ko kumawala na ang puso ko sa katawan ko pati na ang kaluluwa ko iniwan na ko. Naestatwa ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko o gagawin ko. Pero tama siya. Itigil na namin ang kontrata. Dahil ako din nahuhulog na ko sakaniya. Mahal ko na yata siya.
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...