TGC#57

23.5K 423 3
                                    

#57

____________________

Fashion week (2)





"Ok ready na ba lahat? isang beses lang ang dress rehersal natin kaya pag butihin niyo! Bukas na ang event!" Sigaw ni Ms. Marzia.


Nandito kami sa araneta dito kasi gaganapin. Lahat na ihinahanda para bukas. Nandito din ang iba pang sikat na designers na kasali din sa event bukas.



Ang gaganda at ang huhusay ng mga gawa nila. Medyo nahihiya nga ako sa gawa ko dahil beginner palang ako at ito agad ang unang labas ng mga piece ko.



Isa isang lumakad ang mga models suot suot ang mga damit na dinisenyo at ginawa ng ibang designers. Pangatlo pa yung sakin kaya ito matagal pa ko makakapag pray nasana maging maayos ang lahat.



"Coffee?" Inabutan ako ni Celine ng starbucks na coffee at tumabi sakin.



"Thanks" Sabi ko pa at ngumiti naman siya.



"Balita ko naubos savings mo sa bangko para sa event na to ah" Bulong niya sakin. Hayy ok lang kahit 15k nalang natira sa bangko ko.



"Ok lang yun. Worth it naman eh." Tumango siya at mukang sumangayon naman sa sagot ko.



"Alam mo ba magkano ang binigay na presyo para sa mga gawa mo?" Tanong niya sakin. Actually sinabi na yon kanina bago pa kami dumiretso dito kaya lang kung ano ano iniisip ko kaya hindi ko na narinig.



"Magkano ba?" Tanong ko kay Celine. Napa face palm lang siya at bumuntong hininga.



"50 thousand a piece" Nalaglag ang panga ko sa sagot niya. Seryoso ba siya? eh mas mahal pa yon sa ginastos ko ehh.



"Sobrang mahal naman ata yon" Bulong ko sakaniya.



"Serah pangalan ng event ang dala mo sa mga damit na ginawa mo kaya ganun talaga. 30thousand per piece na nga ang pinaka mababa nila eh" Natahimik nalang ako sa sinabi niya. Grabe pala dito. Kung may makakabili ng gawa ko mabalik na agad lahat ng gastos ko. Pero hindi naman pera ang iniisip ko dito ehh. Yung experience tsaka yung achievement hehe



Tumingin kami sa stage at patapos na ang pangalawang designer. Ginapang ako ng kaba ng nagsimula na magsalita ang emcee na nag papractice na din.


"Serah Devone Javier" Banggit niya sa pangalan ko. Nagsimula lumakad isa isa ang mga babaeng models na suot suot ang mga damit na ginawa ko.


Nakita ko ang mga ekspresyon ng mga iba pang designers na nanunuod din. Nakangiti sila at di ko alam kung magandang senyales iyon o hindi. Yung iba pa ay binati ako at pinuri ang designs ko.


"Totoo bang first time niya to? Look at her designs. Muka ng pro ang mga gawa niya" Rinig kong salita ng isang pula ang buhok na designer din.


"Narinig mo ba yon? ngayon naniniwala ka na ba samin na magaganda ang designs mo?" Bulong ni Celine sakin. Nabawasan ang kaba ko sa magandang feedback sakin. Hayy..


Sunod na lumakad ang mga lalaki. Bagay na bagay sa mga modelo ang mga damit na ginawa ko. Hindi pa rin nga nag sisink in sa utak ko na ako ang gumawa ng mga iyon. Wala nga sa isip ko na mag dedesigner ako ehh.


Huling rumampa si Josh suot din ang gawa kong damit. Nagtilian at nag hiyawan pa ang ibang staff at designers na nanunuod. Syempre kita ang katawan ni Josh sa suot niya. ngumiti si Josh at napansin kong kay Celine siya nakatingin.


Bumaling ako kay Celine at nakita kong namula ang muka niya at tumingin sa ibang direksyon. Tumawa naman si Josh at nag stablish na sa harapan. Nagpalakpakan ang mga nanunuod at nagwala naman ang isang designer dahil sa pag kindat ni Josh.


Makalipas ang isa't kalahating oras natapos na din ang rehersal. Bukas na ang event. Goodluck sakin san maging maayos ang lahat.


"Goodluck sayo bukas Serah! Oh my god im so proud of you! Di ko akalain na fashion week agad ang sasalihan mo" Ani Celine pagkapasok namin ng sasakyan ni Josh.


"Ako walang goodluck?" Tanong ni Josh kay Celine. Inirapan lang siya ni Celine at humalukipkip.


"Madami ka naman fans diba? Dun ka humingi ng goodluck kindatan mo silang lahat" Bulong ni Celine. Tumawa nalang kami ni Josh.


Obvious na nagseselos si Celine. Niligawan na kaya siya ni Josh? Well who knows. Ang sakin lang gusto ko sa magkatuluyan. Bagay sila eh tsaka matagal na silang magkaibigan and its about time they move to the next level.


Ok lang kahit wala akong love life (Bitter) Basta yung mga kaibigan ko maging masaya masaya na din ako para sakanila.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon