#17
____________________
Make over.
Nang matapos sa shooting si Josh naisipan niya na yayain kami sa isang ice cream parlor. Gusto daw nila ako i cheer up. Wala akong takas kaya pumayag na ko. Masaya na din ako kahit papano ngayon na nasa magandang ospital si lola.
"Tara na?" Tanong ni Josh sakin. Maaga na tapos ang shooting kaya hapon palang ngayon.
Pasakay na sana ako nang sasakyan niya nang may biglang humawak sa braso ko.
"We have something to do Serah" Napanganga naman si Celine nang makitang hinihila ako ng kuya niya papalayo sakanila at papasok ulit sa building. Ako naman tong si ewan nagpahila naman.
"Teka lang magpapaalam muna ako sakanila. May pupuntahan kasi dapat kami" Sabi ko nang nasa tapat na kami ng elevator. Naiinip ang itsura ni Ian. Hindi ko naman maisip kung ano pa ang gagawin namin. Pinirmahan ko naman na ang papeles kanina ano pa kaya kaylangan gawin?
"Hindi pwedeng ganyan ang itsura mo pag haharap ka kay mama. You have to look at least a little elegant than that"Bigla naman kumunot ang noo ko sa pang iinsulto niya. Parang nagbago isip ko. Ilag lag ko kaya siya sa mama niya noh?
"Ang sama mo naman talaga. Salamat sa lubos mong pag insulto ah?" Sarkastiko kong sagot sakaniya. Tinignan niya lang ako at hinila papasok ng elevator.
Pagpapasok naman namin sa opisina niya, may nakita agad akong ibat ibang magagandang nakahilerang dress at mga make up sa may living room ng opisina niya. May dalawang bakla at tatlong babae pang nag aayos doon. Sino naman ang mga to? May gamit pa sila pang parlor. Ano to dinala yung parlor dito.
"AYY! Siya ba Ian?" Tumili pa ang isang bakla habang tinuturo ako ng plantsa ng buhok.
"Siya nga. Do everything you can" Utos niya sa mga ito at pinaupo ako sa upuan sa tapat ng isang malaking salamin. Wala naman akong magawa kundi umupo at manahimik.
"Akala ko si Celine ulit ang aayusan namin. Asan na ba siya?" Tanong naman ng isa pang bakla kay Ian.
"Ayun kasama ulit ni Josh" Sagot niya at bumalik na ulit sa table niya. Nagpaka busy siya sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya habang ako tinititigan ng dalawang baklang ito.
"What's your name? kaanu ano mo si Ian?" Nagulat naman ako nang nagtanong siya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano ko ba siya? boss? ano? gaahh! napatingin nalang ako kay Ian na umiinom ng kape at tumingin din sakin.
"Serah ang pangalan niya. Girlfriend ko yan. Kaya ayusin niyo." Naglaglagan naman ang panga nila at napatingin ng mabuti sakin. Para bang ayaw nila maniwala pero napilitan sila maniwala kasi si halimaw mismo ang nag sabi.
Inayos muna nila ang buhok ko. Ginupitan, Kinulot at inayos ang buhok ko. Nilagyan naman ako ng make up kaya kinabahan ako. Bakit kaylangan mag make up? hindi ako nag memake up. Wala naman ako pang bili nun ehh. Matapos ayusan ay pinagbihis nila ako ng isang itim at fitted na dress. Party ba kami pupunta? akala ko ba dapat elegante?
Pagtapos ko magpalit sa cr ng opisina ni halimaw pinagsuot naman ako ng dalawang bakla ng sapatos na nakakahula sa taas. Hindi ako marunog maglakad gamit ang ganito kataas na sapatos nakikita ko ang mga modelo na nagsosoot ng ganito akala ko ang dali dali lang yun pala ang hirap! ang sakit pa sa paa! wala si halimaw dito buti nalang at wala siya kundi pipintasan ako ng lalaking yon.
"Tapos na ba? anong oras na kaylangan na-" Napatigil naman si halimaw at naestatwa naman kami sa biglaan niyang pagpasok.
"Tadah!" Sabi pa ng dalawang bakla na nag ayos sakin. Ako naman yumuko nalang at pilit binababa ang maiksing dress na pinasuot sakin.
"Maganda ba?" Tanong ng isang bakla kay halimaw. Si halimaw naman ay napanganga nalang. Ewan ko kung maganda ba o pangit ang ibig sabihin ng pagnganga niya pero na aamoy ko na hindi maganda ito.
"Maganda..." Aniya napatingin naman ako sakaniya na papalapit sakin. Kumakalabog nanaman ang dibdib ko. Nakahawak pa din ako sa dulo ng damit ko dahil sobrang iksi!
"Pero ayoko ng damit na to. Masyadong open. Hindi bagay sakaniya. Palitan niyo ng medyo maluwag sa katawan" Malamig niyang utos sa mga bakla. Nagsimangutan naman ang dalawang bakla nang umupo ulit si Halimaw sa table niya at inayos ang gamit.
"Mainit ang ulo. Pero Serah ang ganda mo jan! i cant believe it! akala ko muka ka lang janitress" Ewan ko kung matutuwa ba ko o maiinis sa sinabi ng baklang to. Magkahalong pagpuri at panlalait ang sinabi ehh.
Pinapasok ulit nila ako sa banyo at pinagpalit ng damit. Ngayon kulay puti na ang dress na pinasuot nila sakin. Mas simple kesa sa kanina. Mas maganda nga ito at mukang elegante tignan. Paglabas ko ay wala na ulit si halimaw sa table niya. Inabot naman ng dalawang bakla ang isang puting heels. Mas komportable ito suotin dahil hindi ito ganun kataas.
"Sumunod ka nalang daw sa loby sa baba may kakausapin lang daw siya" Tumango naman ako at sumunod sa sinabi ng bakla.
Nakayuko akong naglakad palabas ng opisina ni halimaw. Napapansin ko naman ang mga matang nanlilisik ng tingin sakin at ilang bulung bulungan sa paligid. Hindi ko nalang pinansin at nag lakad na ko papuntang elevator. Nakahinga na ko ng maluwag nang makapasok ako sa elevator. Nakita ko ang sarili ko sa salamin. WHAT THE HELL? ako ba to? i mean ako to pero hindi ako sanay na ganito ang itsura ko.
Muka akong dalaga mula sa mayamang pamilya. Pero ang totoo hindi ako mayaman. Hay. ngayon lang ako nakapag suot ng ganitong damit. Napangiti nalang ako nang marealize ko na gusto ko ang damit na to. Pati na din ang sapatos na suot ko. Nakapag suot na ko ng ganito kataas na sapatos noon kaya madali lang ako nakakalakad.
TIIINNNGGG!
Pagbukas ng elevator. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at humarap sa dadaanan ko. Nabigla naman ako nang nakita ko si halimaw sa tapat di kalayuan sa elevator. Napatingin siya sakin at napalunok. Para bang kinakabahan? speaking of kinakabahan, Naglakad ako palapit sakaniya at nakaramdam naman ako ng kaba. Kumabog ang puso ko na para bang sasabog na to.
Tinignan niya ko at naglahad ng kamay. Hindi ko alam bakit pero nag init ang pisngi ko. Inabot ko naman ang kamay ko sa kamay niya at hinawakan niya ito. May mga tumingin pa samin at nagbulung bulungan nanaman.
Yumuko nalang ako at tumingin sa ibang direksyon. Ayoko sa lahat yung pinaguusapan ako. Lalo na at alam kong masama ang pinagsasasabi nila.
"Trisha, paki bigay yung check kila Ben, Pakainin mo na din sila sa cafe bago sila umalis. Ikaw na ang bahala" Utos niya sa sekretarya niya.
"Let's go. Nasa restaurant na daw sila mama" Hinila niya naman ako papuntang entrance kung saan nandoon na ang sasakyan niya.
Eto na talaga! wala nang atrasan to! huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Sorry Lord! ito na ang simula ng kasinungalingan na to.
a/n: Picture po ni Serah sa side >> :) thank you guys!
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...