TGC#37

25K 458 2
                                    

#37

____________________

Past.

Anong ibig sabihin niya sa Ex? Serious ex? Alam ko madami siyang babae pero bakit parang pakiramdam ko hindi lang siya basta babae lang ni Ian.

"Serah? Dont think too much please im freaking out" Aniya at muka nga nag fifreak out habang nag mamaneho.

"No. No ok lang ako. Dont worry" Hinaplos ko ang braso niya at ramdam ko ang tigas ng muscles niya. Sa higpit ba naman ng hawak niya sa manibela ewan ko nalang...

"Doon tayo sa condo mo" Aniya at iniliko papunta sa condo ko ang sasakyan niya. Tumango nalang ako.

Habang nasa byahe kami kung ano ano pumapasok sa utak ko. May past sila nung Nadine na yon at ngayon ipapakasal siya doon? Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko ata kaya makita na ganun.

To think na magulang niya ang kakaharapin ko. Wala akong laban kung ipakasal nila si Ian. Nasa harap na nga nila ako nagawa pang sabihin na ipapakasal siya sa iba. Ibig sabihin lang non...Wala silang pakielam kung may girlfriend si Ian o wala. Ang importante sakanila maikasal si Ian sa Nadine na yon.

Bakit ba parang ayaw ng tadhana samin? May Guia na may Nadine pa. Ano naman laban ko sakanila? pero kahit ganun na kay Ian padin ang desisyon kung anong gagawin niya sa sitwasyon na to.

Tahimik lang ako hanggang sa makapasok na kami ng unit ko. Pagpasok namin tahimik pa din si Ian. Mukang malalim ang iniisip at seryoso. Iniisip niya na siguro ano gagawin niya.

Pumunta akong kusina at kumuha ng tubig. Kaylangan ko naman kumalma parang kanina pa ko naiistress eh.  Hindi ko na din alam gagawin ko eh. Pano ng kung ipakasal na si Ian? Pano kung mawala na siya sakin..Pano na ako?

Naramdaman ko ang paglandas ng mainit kong luha sa pisngi ko. Agad ko iyong pinunasan. Ayokong makita ako ni Ian na ganito.

"Serah" Mahinahon niya kong tinawag. Hindi ko siya magawang harapin. Ayoko makita niya ko na ganito.

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin. Niyakap niya ko galing likuran at ipinaton niya ang ulo sa balikat ko. Mainit at mahigpit ang yakap niya. Ang sarap sa pakiramdam na ganito siya. Ayokong mawala siya. Selfish man pakinggan pero gusto ko ako lang ang ginaganito niya. Ako lang ang nakakaramdam ng ganito dahil ako lang ang mahal niya.

"Stay with me." Bulong niya. Bakit ganon ang sakit. Parang pag sinabi kong yes papasok kami sa isang gera.

"Ian. Hindi mo pwedeng basta nalang suwayin ang mama mo." Pinilit kong magsalita na hindi mahahalata na umiiyak na ko.

"I'll talk to them tomorrow. Sa ngayon hindi ko pa kaya at baka makalimutan kong magulang ko sila" Seryoso siya at ramdam ko iyon. Hindi siguro ito ngayon lang nangyari. Maraming beses na pinagkakasundo si Ian sa iba ng mama niya kaya nga niyaya niya ko maging girlfriend sa kontrata para tumigil na ang mama niya pero ngayon balewala pala lahat iyon. Ganito pa din ang mangyayari.

-----

"Serah pasensya ka na kanina ah. Hindi ko kasi alam na may kasama pa tayong iba. I should've known! I cant believe na ginawa ni mama yon sa harap mo pa!" Pakiusap naman ni Celine sakin.

"Ok lang yon. Alam ko naman na ganun ang ginagawa ng mama niyo kay Ian. And i understand why he acted like that" Nandito kami ngayon sa condo ko. Ilang oras makalipas yung nangyari sa restaurant pumunta ni Celine dito.

Habang naguusap kami ni Celine hinahaplos ko naman ang buhok ni Ian. Mahimbing siyang matutulog at nakaunan sa kandungan ko. Kalmado daw siya pag nakahiga siya sadungan ko eh.

"Tsk. Si Nadine pa talaga! Ano bang iniisip ni mama? porket ex ni kuya papayag na siya? " Iritado na si Celine at pinang gigilan na ang kumot ng kuya niya.

"Ano bang meron dun sa Nadine na yun?" Tanong ko kay Celine. Di ko na maiwasang magtanong. Curious talaga ako sakaniya.

"Kasi 2 years ago naging girlfriend ni kuya ung babaeng yon. Sobrang in love sila sa isat isa. Tuwang tuwa si mama sakanila kasi gusto nga ni mama na sila magkatuluyan para mas lumago ang kumpanya kasi ang papa ni Nadine ay may ari ng malaking gasoline company. Hindi nila pinapansin iyon kasi tunay na mahal nila ang isat isa." Kwento niya. Mukang perpekto naman ang lahat sakanila ah? habang iniisip ko na may ibang mahal si Ian nasasaktan ako. Nasasaktan ako na may iba pa siyang minahal. Pero ano pa bang magaawa ko?

"Naghiwalay lang sila kasi nabuntis ni Kuya si Nadine" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi na ko nakapagsalita. I was speechless i cant even breathe.

"Pinalaglag ni Nadine yung baby kaya sobrang nagalit si kuya sakaniya kaya nakipaghiwalay si kuya. Walang alam si kuya na gagawin ni Nadine iyon" Ang sama ng ginawa niya. Sarili niyang anak ipapalaglag niya?

Bakit niya ginawa yon eh mahal niya naman si Ian mahal naman siya ni Ian. Oo mga bata pa siguro sila non pero hindi yung sapat na dahilan. May nababalita nga ngayon mga 16 years old nabubuntis pero hindi naman pinapalaglag kaya hindi sapat na dahilan yon. Walang sapat na dahilan para pumatay.

"Naiintindihan ko na bakit sila naghiwalay. I cant believe nakaya niyang gawin yon" Kung ako nasa lagay ni Ian nun baka ganun din ang gawin ko.

Kinuwento pa ni Celine na siya ang unang girlfriend ni Ian kaya ganon nalang ang pagmamahal niya kay Nadine. Noong naghiwalay daw sila doon na nagsimula magbagong ugali ng kuya niya.

Naging cold na daw siya sa ibang tao. Naging masungit at laging iritado. Walang ginawa kundi gumimik pag hindi naman gumigimik isusubsob ang sarili sa trabaho. Iba ibang babae na din ang kinakasama niya lagi. Naging playboy at badboy na daw ang kuya niya.

Iyon ba ang apekto ni Nadine sakaniya? She changed his life noong naging sila. Ganun pa din noong naghiwalay sila? Binago niya si Ian. Ganon niya kamahal si Nadine? Ganun kagrabe ang past nila?

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon