Prologue

19K 211 16
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

PROLOGUE

- Shaine

Simula nang mamatay si Mommy, naging malungkot na si Daddy. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi, pumayag nang nagpaalam siya sa'kin kung pwede pa raw ba siyang magmahal ulit.

Ang gusto ko lang naman kasi ay ang sumaya siya. Hindi ko naman inaasahang bruhilda pala ang magiging girlfriend niya.

"Oh. Malapit na raw siya. Sorry ah." Sorry?! Ganong magda-dalawang oras na nga kaming naghihintay para sa anak niyang sobrang tagal! Hmmp.

"No. It's okay. Marami pa namang oras." Napangiting sabi ni Daddy kaya napasimangot na lang ako ng todo.

Argh! Ano bang nagustuhan ni Dad sa bruhildang 'yan?! Hamak ganda naman sana ni Mommy sa kanya!

"Oh! He's here!!" Napangiting sabi na lang ng Bruhilda nang bumukas ang pintuan ng restaurant. Napatingin naman kami ni Daddy sa pumasok at lumapit sa table namin.

Medyo chinito, matangos ang ilong, maputi, physically fit, matangkad, medyo long hair at nakataas ang buhok. Tapos nakaleather jacket na may white V-neck shirt sa loob, black jeans, dogchain necklace, may dalawang earings sa kanang tenga, at higit sa lahat, parang walang pinproblema sa buhay at nakapasok lang ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa niya.

Siguro nga gwapo siya, pero mukha namang kamukha rin ng nanay niya!

"Oh. Good evening, Harry!" Bati ni Daddy pero imbis na sumagot siya, napakunot na lang ang noo ko nang umupo lang siya at tumingin ng masama sa'min.

"Harry, your Tito Anthony said, 'Good evening.'" Pasimpleng glare ng Bruhilda sa walang modo niyang anak. Napasigh naman 'to.

"Good evening." Wala sa loob na bati ng Harry. Nagtaka naman ako nang napakunot ang noo nito nang napatingin sakin.

Oh? Bat ganito ang tingin na 'to? Anong problema niya?

"Uhm. Hello." Pasimpleng bati ko at ngumiti. Nagulat naman ako nang bigla niya na lang akong inirapan.

A-aba! Ang suplado nito ah!

"Uhm. So let's take our order?" Awkward na panimula ni Daddy. Nagsimula na tuloy kami sa pagpili ng oorderin.

Nang binuklat ko ang menu, agad akong pumunta sa back page (desserts). Hihihi.

"Uhm. I want this ice cream, Da---" "I want everything." Napahinto na lang ako nang biglang nagsalita ang anak ng bruhilda.

Teka? Ano raw?!

"I want every food in this menu." Nang sinabi niya 'yon, halatang disappointed ang bruhilda niyang ina sa attitude niya. Napatango naman si Daddy.

"Hmm. If that's what you want, okay." Sagot naman ni Daddy. Hindi ko alam kung seryoso siya pero nasa isang mamahaling restaurant lang naman kami.

Aba! Hindi ba niya alam kung gaano kamahal ang pagkain dito?!! Talagang 'every food', huh?!

Nang makaorder kami at dumating na ang mga pagkain. Nagsimula na rin kaming kumain at magkwentuhan sila Daddy. Kaya lang, napatingin lang ako ngayon sa anak ng bruhildang 'to dahil sa dami ng inorder niya, halos wala pa siyang kinakain. Ni ayaw niya ngang galawin ang mga pagkain!

Natauhan na lang ako nang may tumunog na phone.

"Uhm. It's an important call. I need to answer this, excuse me." Paalam ni Daddy at agad umalis. Naiwan tuloy kami nila bruhilda at ng anak niya dito.

"Uhm. Excuse me, I need to go to comfort room." Paalam pa ng bruhilda. Kami na lang tuloy dalawa ni Harry.

"Psssh." Napatingin na lang ako sa kanya nang napailing siya, at napatingin sakin.

"U-uhm. Hello! Ako nga pala si Shai---" "Hindi ko tinatanong." Magpapakilala pa sana ko pero sinabi niya 'yon. A-aba! Nakakainis 'to ah!

Pagkatapos tuloy ng pambabara niya sakin, tahimik na lang kaming kumain. Pinilit ko siyang wag na lang kausapin pero nagkasabay kaming kumuha ng Bulalo.

Nagkatinginan tuloy kami.

"Nauna ko." Matigas na sabi niya.

"Ladies first." Inis na sabi ko naman.

"Oh really, huh? You don't even look like a lady." Nang sinabi niya yon, napabitaw na lang ako sa plato ng bulalo.

What?! I-I don't look like what?! Argh! Kalma, Shaine! Kalma!! Baka naman iba lang ang gusto niyang iparating, diba? He he. Be nice to him, okay?? Yan ang sabi ng daddy mo!

"Uhm. Alam mo ba kung bakit tayo nandito? Sabi kasi ni Daddy may mahalaga daw---"

"Alam mo, kung alam ko lang kung bakit tayo nandito, edi sana hindi na lang ako nag-abalang pumunta, diba?" Mag-aattempt pa lang sana kong makipag-usap sa kanya ng matino, kaya lang binara na niya 'ko. Argh!

"A-ah, ganon ba?" Wala na tuloy akong nasabi at napapout nang dahil sa sinabi niya.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Nagulat na lang ako nang tinanong niya yon. Napangiti naman ako at napatingin sa kanya.

WAAAH! Interesado na ba siya sakin?!

"Uhm. S-sixteen." Nahihiyang sagot ko.

"Pssh. So sixteen years old ka na pala, at ang baboy mo pa ring kumain??" Nang sinabi niya yon, napangiwi na lang talaga ko at napapunas ng tissue sa bibig ko. Aba! H-hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila ng lalaking to ah?!

"Teka! Sumosobra ka na, huh?! May problema ka ba sakin?!" Inis na sabi ko pero inisnob lang niya ko. Tiningnan ko lang siya ng masama hanggang sa dumating na ulit sila Daddy.

Tahimik lang ang lahat hanggang sa nagsalita ang Bruhilda.

"Anyway, we are here to announce something important."

Something important??

"Napag-isipan na namin 'tong mabuti, kaya napagpasyhan naming magkasama-sama tayo para opisyal na masabi namin 'to sa inyo..." Pagpapaligoy-ligoy pa niya at ngumiti. Napatingin naman kami ni Harry at nagtaka.

"Shaine, Harry...."

"We're getting married." Nakangiting sabi nila. Bigla ko tuloy nabitawan ang ice cream na hawak ko, din si Harry sa cuchara at tenedor na hawak niya.

"WHAT?!!" Nagkasabay pa kami.

"Dad! A-alam niyo ba ang sinasabi niyo??" Hindi makapaniwalang sabi ko at napailing. Napayuko naman si Daddy.

Argh. No! As if I will let them?! Ni wala pa ngang isang taon ang nakakalipas simula nanf mamatay si Mom! Tapos kasal agad?!

"Baby girl, you know that I..." Wala nang nasabi si Daddy nang napaiyak ako. Alam niya kasing hindi lang basta iyak 'to! Mas matindi pa 'to ron!

She know that I love mom! Walang makakapalit sa kanya! Not with that woman!! Not with his son!!



[READ OR DIE]

Dear Readers,

This is my first story! This content is entirely fiction! I'm not a professional writer. Sana po magustuhan niyo. Keep reading.

Pumapatay,
Dead Weak Heart

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon