CHAPTER 3

2.5K 65 9
                                    

Xian's POV

Pagpasok namin sa classroom ay nagsimula nang magbulungan at magtilian ang mga classmates namin.

"OMY kaklase natin sila!"

"Kyaahhh they're really handsome!!"

"Psh ito pala ang strand na kinuha nila tol."

"Oo nga. Badtrip dahil sa kanila na naman ang atensyon ng mga girls."

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko sa kanila. Umiling nalang ako at naghanap na ng bakanteng upuan sa may bandang likod.

"Tss" Narinig kong singhal ni Dan.

Isa pa naman sa pinaka-ayaw niya ay ang maingay. Pumalakpak si Nel ng tatlong beses kaya biglang tumahimik ang buong classroom.

"Ahm guys we know that some of you are excited to be our classmates, especially the beautiful ladies here but can you please keep quiet because my friend, Dan, hates noise and I hope you understand it. Thank you." Sabay wink niya sa mga babae.

Tumahimik naman na ng unti pero may iba na hindi maiwasang kiligin. Lalo na ang mga girls at nagtatalo kung sino ang kinindatan ni Nel. Iyong iba naman ay nagchichismisan pa rin about sa amin. Tss hindi talaga maiwasan.

Umupo naman na si Nel sa kanan ko katapat niya sa unahan si Dan na natutulog agad. Habang si Len naman sa kaliwa ko at si Jeff ang nasa unahan niya.

Ganito ang seating arrangement namin kung hindi niyo gets.

Jeff                           Dan

Len         Ako           Nel

After a while, dumating na rin ang teacher namin.

"Good morning Sir."  

Nagsitayuan sila at binati siya pero dahil nasa likod lang din naman kami ay hindi na kami nag-abalang tumayo pa.

"Good morning class. I'm Mr. Domingo one of your teacher this school year and I hope all of you will going to pass my subject. You may now take your seat."

Kung ano-ano pang pinagsasabi niya hanggang sa may sinabi siyang announcement na pumukaw ng atensyon ko. Hindi lang pala ako kundi ng buong klase.

"Class listen. This school year, the administration allowed Western Academy to have a scholar for the first time and that scholar will going to take this strand too. So I hope you will going to treat her good okay?"

Marami ang nagulat sa announcement na iyon, pati na rin ako. Kaya grabeng ingay ang maririnig sa buong room dahil sa mga violent reaction nila.

"What?!"

"Eww cheap scholar. I can imagine how does she looks like."

"Oh no! Bakit dito pa?"

Tss magpapasok sila ng scholar dito sa WA? Bakit hindi ako na-inform about dito?

"Class Quiet! Wag kayong ganyan. Hindi niyo pa siya kilala kaya 'wag niyo siyang husgahan ng ganiyan."

Tss her? So babae siya? Napangisi ako sa naisip kong kalokohan. Let's see kung hanggang saan siya tatagal kapag siya ang napag-tripan ko.

Natapos tuloy ang klase namin ng umaga na puno ng chismisan about that scholar.

"Hey bro may alam ka ba about sa scholar na iyon?" Tanong ni Jeff sa akin.

"Nope. I don't even know anything. I will go to lolo and I'll ask him about that."

Nakalimutan kong sabihin na ang lolo ko ang Dean sa WU at dahil magkatabi lang sila ng WA ay in-allowed na siya na rin ang mag-supervise dito. So lahat ng problema ng dalawang school na ito ay si lolo na ang nag-aayos. Actually ako lang naman yata ang gumagawa ng gulo dahil malakas ang loob ko, sa kadahilanang apo ako ng dean.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon