Amy's POV
Huwebes na ngayon at andito na naman ako sa school. Maaga na ulit akong pumasok ngayon dahil iniiwasan kong makasabay si pangit sa pagkain o pagpasok man.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kahapon pero parang bigla akong nawala sa sarili ko. Nakakahiya pa dahil nakita nila akong umiiyak na parang bata.
"Bakit hindi mo kasabay si baby Kayle?" Pambungad na tanong sa akin ni Madonna ng makasalubong ko siya sa hallway. "I want to talk to him."
"Hay nako, anong araw ba ang hindi ako makakasalubong ng kahit sino?" Inis kong sabi pero mukhang hindi niya narinig dahil tinaasan lang ako ng kilay."Hoy mad clown, tigilan mo ko sa pagtaas-taas mo ng kilay dahil kung hindi ay kakalbuhin ko 'yan! At bakit sa'kin mo hinahanap 'yang anak mo? Nanay niya ba 'ko?"
"Wala ka paring pinagbago." Walang ganang tugon niya matapos ang mga sinabi ko.
Hindi ko alam pero talagang kumukulo ang dugo ko dito sa babaing 'to. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako pinapatulan ngayon na siyang ipinagtataka ko dahil dapat ay pinagsasampal niya na ako ngayon at tuwang-tuwa dapat siya dahil nakalandian niya 'yung baby niya kahapon.
"Ikaw nga rin walang pinagbago, oo nga pala pagiging clown ba ang pinang bubuhay mo sa baby mo?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot. "Kasi wala ka pa ring pinagbago tignan mo 'yang mukha mo parang clown pa rin sa sobrang kapal ng foundation at blush on."
"Oh please stop from talking nonsense. I just want to talk to him." Sabi niya na siyang ikinainis ko.
"Aba bakit kasi sa'kin ka nagtatanong? Kung gusto niyo maglandian 'wag naman 'yung ganito kaaga."
"Fine! If you dont want to tell me then it's okay. I just want to say thanks to him because he made me realize that I shouldn't push myself anymore. He's right that I'm beautiful and sexy, so I should get a better person." Nakangiting sabi niya at tumalikod na sa akin pero ilang hakbang pa lang ang nalalakad niya ay humarap siya ulit at ngumiti.
"Maybe I hate it you right now because of what he confess but I also want to say thanks to you because if you're not here then I will continue to love him, so thank you very much..." Sabi niya at bigla na lang natawa na siyang ipinagtaka ko. "One more thing, I can't believe na ganyan pala ang type niya. Maybe I'll try to be a scholar type sometimes."
Nagpaalam na siya sa akin at iniwan akong gulong-gulo sa kaniya. Wala ako sa sariling nagpatuloy na lang sa paglakad hanggang sa makarating ako sa room.
"Hey Amy are you okay?" Tanong ni Len ng makaupo ako.
Tumango naman ako sa kaniya at tinanong ko siya kung asan 'yung iba pero ang sinabi niya lang ay nag-cr si Dan at hinatid ni Nel si Van sa classroom nito.
"Amy how are you?" Biglang sulpot naman ni Jeff at umupo sa tabi ko.
"Ayos naman na ako...Oo nga pala salamat kahapon ah!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"You're always welcome Amy, but are you sure na ayos ka na talaga?" Tanong niya at pinatong pa ang kamay nito sa noo ko.
"Hoy!"
Bigla namang dumating si pangit kaya napaayos agad ako ng upo. Nagtaka ako ng masulyapan ko siya saglit na magulo ang buhok at hindi maayos ang uniform bago ako humarap sa pwesto ni Jeff.
"Bakit hindi mo na naman ako hinintay?" Narinig kong tanong niya pero hindi ko siya pinansin."Hey kausapin mo ko!"
Bigla akong napaharap sa kaniya ng iusog niya ang arm chair ko.
"Ano ba! Hinahanap ka ng nanay mo kaya kung pwede ay siya na lang ang kausapin mo!"
"At sino namang nanay?"
"Iyong mad mong nanay! Nagpapasalamat siya sa'kin kanina dahil masaya daw siya kahapon kasama mo!" Sigaw ko sa kaniya.
"Mad---"
Biglang dumating si sir kaya inayos ko na agad ang upuan ko at hindi na siya pinansin.
"Pwedeng pa-explain kung pano nasolve ni sir yun?" Tanong ni Jeff habang may iba pang sinosolve si sir. Tinuruan ko na lang siya dahil mukhang hindi niya talaga nagets.
"Tss kapag siya ang nagsasalita ang bilis ng response pero kapag sa'kin kailangang iharap pa." Narinig ko namang sabi ni pangit pero hindi ko na lang pinansin.
Bahala siya diyan sa buhay niya. Bakit ba kasi hindi niya na lang hanapin 'yung nanay niya!
*****
Xian's POV
Nagulat ako ng mauna na si tabs sa'king pumasok. Balak ko pa naman sanang kausapin siya at tanungin kung anong nangyare sa kaniya kahapon pero hindi ko na siya naabutan pa.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko at hindi ko na nagawa pang mag-ayos ng sarili dahil sa pagmamadali. Nakarating naman agad ako sa room at nadatnan kong nakapatong ang kamay ni Jeff sa noo ni tabs.
"Hoy!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin at nababa ni Jeff ang kamay niya.
Napansin ko ang pag-iwas sa'kin ni tabs habang nag-uusap kami. Naguluhan pa nga ako sa kaniya kung sino ang sinasabi niyang Mad. Sino ba kasing galit 'yun?
Tapos kung kausap niya pa si Jeff ay napakaayos niya magsalita samantalang kapag sa akin ay halos sigawan niya ako para lang sabihin ang gusto niyang sabihin. Grabe talaga dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maintindihan.
"Let's go." Pagyayaya ni Nel sa cafeteria ng matapos ang dalawang klase namin sa umaga.
"Anong gusto mo?" Tanong ko kay tabs pero hindi niya ulit ako pinansin hanggang sa makaupo kami sa table namin.
"Hello guys!"
Nagulat kami ng biglang nakiupo sa table namin sila Madonna at Vanessa. Sa tabi namin ni Nel umupo sila Vanessa at Madonna samantalang sa harap naman namin ay sila Jeff at tabs, sa gilid nila ay si Dan na walang pake sa paligid niya at si Len na nakasimangot.
"Hello scholar!" Bati ni Madonna kay tabs pero inirapan lang siya nito. Sunod siyang humarap sa akin at ako naman ang nginitian."Hi love!"
Napatingin ako kay tabs ng bigla siyang mabilaukan kaya sabay kaming kumuha ng tubig ni Jeff pero dahil isa lang akong hangin para sa kaniya ay hindi niya man lang kinuha ang ibinigay ko.
"Are you okay?" Tanong ni Jeff at hinagod ang likod nito.
"O-oo ayos na 'ko salamat." Sabi niya at hindi man lang ako nagawang tignan.
"Haha I mean ex-love. By the way, nasabi na ba niya na nagpapasalamat ako sa'yo?" Sabi ni Mad at itinuro si tabs.
"About what?"
"Ohh mukhang hindi pa, so I should tell you na in person. I want to thank you para sa paggising mo sa akin sa reality and guys..." Sabi niya at nilingon lahat ng nasa table. "I want to say sorry to all of you before I leave, especially kay scholar na nagawan ko ng napakaraming kalokohan."
"Wait! Where are you going Donna?" Gulat na tanong ni Len at napatayo pa.
"America?" Simpleng sagot niya at ngumiti dito.
Hindi ko sure kung ako lang ang nakapansin pero parang nanlumo si Len kaya hindi na lang nagsalita.
"Just like what I said, I'm going to America next next week after the intramurals, so let's make this day amazing because I think this is the first and the last time na magkakasama tayo." Kibit-balikat niyang tugon at ininom ng deretsyo ang juice niya.
Nagkwentuhan pa kami at masasabi kong hindi naman pala talaga masasama ang dalawang ito. Sadyang na-spoil lang at kung ano ang gusto nila ay nasanay na dapat makukuha.
"Hey Ex-love! Did she already know about your feelings?" Bulong sa'kin ni Madonna habang kumakain kami.
Napasulyap naman ako sa harap ko at nakita ko sila Jeff at tabs na nagtatawanan.
"Oops, It looks like mauunahan ka pa ng kaibigan mo..." Pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oh c'mon! I'm just stating the fact."
Napalingon ulit ako sa dalawa at sa pagkakataong ito ay hindi ko na mapigilang manggigil habang nakatingin kay tabs na tumatawa at akmang susubuan ni Jeff ng pasta.
"Tss!" Inis na singhal ko at padabog kong sinipa ang mesa sa baba na siyang naging dahilan para lahat sila ay mapatingin sa akin.
Matalim kong tinignan si tabs pero kunot-noo lang siyang tumingin sa akin at inirapan niya pa talaga ako!
"Ehem!!! I think we need to go now. May pag-uusapan pa kami." Biglang sabi ni Madonna at hinigit ako palabas ng cafeteria.
"I guess it's more amazing to see how Xian Kayle Cortez get jealous for the first and the last time?" Pang-aasar lalo ni Madonna sa akin matapos kong ibato sa trash can ang isang napiping bottle na binaluktot ko.
Arghh nakakaasar talaga 'yung eksena na nakita ko kanina. Hindi niya pa rin kasi ako pinapansin at ang mas nakakaasar, wala akong karapatan para magselos sa kanilang dalawa!
*****
Vote.Comment.Share
~Binibining_Mika
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Roman pour AdolescentsThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...